Edited
LOVELLA'S...
I can't believe they were mate! Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito?
All my life, pinangarap ko na siyang maging akin balang araw. Pero bakit napakalupit ng Diyosang si Naruhara sa akin? Nakita niya ang lahat ng mga paghihirap ko.
Ang lahat ng tiniis ko mula noon hanggang ngayon lalo na kapag may dinadala siyang babae sa panuluyan o kaya ay sa ibang silid ng palasyo upang parausan sa buong magdamag pero pinigil ko ang sarili sa pag-eksena para pigilan siya o kaya ay ang i-alok sa kanya ang sarili ko sa kama.
Bakit hindi parehas ang langit? Bakit kung sino pa ang gusto kong makasama ay tinatakda niya naman para sa iba? Wala na ba akong karapatan na maging masaya? Wala na ba talagang para sa akin? Buong panahon na naririto ako, umaasa akong, ako ang itatakda ng langit kay Rave. Umasa ako mula pa noong kaliliitan pa namin noon. Pero habamg tumatagal ay natatakot akong harapin ang bawat araw na dumarating dahil, dahil baka isang araw pag-gising ko, wala na siya... Na hindi pala ako ang para sa kanya. Na hindi pala siya para sa akin. At ngayon, nangyari na nga ang kinatatakutan ko.
Dahan-dahan akong pumasok sa opisina niya. Akala ko hindi niya ako patutuluyin at sasabihin na naman niya sa sekretarya niya later na lang kami mag-usap dahil B.C pa siya. Pero to my surprise, pinatuloy niya ako. First time in the history...
Marahil alam niya ang sadya ko. Sa tagal ng panahon, kabisado ko na siya. At sa lakas ng pang-amoy niya, sa advance ng heniyo niyang kaisipan, at sa lakas ng kapangyarihan niya na pinaghaharian ng galit at kasakiman sa kapangyarihan, alam ko, kaya niya ako pinatuloy dahil alam niya na sumusuko na ako. Siguro, alam niya na darating ang sandaling ito. Siya na ninanakaw ang kapangyrihan ng bawat namamatay sa mga kamay niya... Siya, na pati ang kapangyarihan ng ilusyon ay inangkin na niya, na isa sa mga natatangi niyang kakayahan na ibig kong makamit... At siyang sadya ko...
"Kamusta?" the old man said with his unpleasant tone. Hindi bukal sa kanya ang pagmamalasakit sa kanyang pangungumusta.
Gagawin ko ang lahat. Kung noon, hinahadlangan ko siya at hindi ako nagpapagamit sa ibig niyang mangyari, ngayon handa na ako. At sisimulan ko na ngayon.
"Honey. What brings you here?" his lips suddenly posed, and he gazed at me na puno ng pang-uuyam ang mga mata habang nakatingin sa akin. Para ban sinasabi niyang, "panalo na ba ako? Sa wakas, akin na ang panig mo..." Tapos nagsalita siya, "let me repraise my question young lady. Are you going to obey me now?" his voice is full of sarcasm and hatered kahit sa simple lang nitong pakikipag-usap. Hinubog ng panahon at pinagningas ng masamang nakaraan ang bawat pundasyon ng kanyang pagiging isang Alphalvians. Siya ang buhay na patunay ng walang katulad na kasamaan. At ngayon, mukhang pagkatapos kong ipagtulakan ang kasamaan palayo sa akin ay tila, niyayakap ko naman ito ngayon palapit sa akin.
"I wan't the Illution Core..." I answered in a yelling whispher. Nagbabaga ang mga mata kong pinukol siya ng diretsong tingin. I know he knows the answer. Alam ko ring ramdam niya ang poot na namamahay sa dibdib ko. Hindi ko mapigilan.
"I'm glad to hear that..." a niya sabay ngisi. "When do you want to have it honey?"
"I want it now..." tipid kong sagot pero may diin. Wala na akong panahon. Hindi na ako makakapaghintay pa ng ilang sandali dahil sa nadaramang kahungkagan. Hindi ko na kayang tiisin ang pambabalewala ng hari sa akin. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit na ito na mahabang panahon ko ring inaalagaan sa puso ko magpahanggang sa puntong ito.
Hindi ko matanggap na magmula noon hanggang ngayon, nababale-wala ang pag-ibig ko para sa kanya, idagdag pang dumating na ang Luna na itinakdang maging kabiyak niya.
Bakit? Bakit hindi na lang ako? Bakit siya pa? Batid ng langit kung gaano ko kamahal si Rave... Pero sa kabila ng lahat, hindi parin ako ang pinili.
Kahit ang pinakamasamang paraan ay gagamitin ko, mawala lang siya sa landas ko...
*****
Oracle's..
Akala ko, makukuha ko na ang trono na matagal ko nang ninananis, nang Magawa kong patayin ang naunang Hari ng Alabaya at ang kanyang Luna.Little did I know na nagawa pala nilang itago ang nag-iisa nilang anak. Huli na nang malaman ko na ito na ang pumalit sa puwesto ng kanyang ama na pumanaw sa pamamagitan mismo ng mga kamay ko. Isang maling hakbang. Nagkamali akong isawalangbahala ang itinatago nilang anak at ngayon, ito pa ang hadlang para makuha ko ang matagal ko nang nais.
Too bad, dahil sa oras na mamatay ang hari ng Alabaya, awtomatikong malilipat ang kapangyarihan at pamumuno nito sa kanyang tagapagmana.
Isa lang ang nahanap kong paraan. Ang paraan na siyang naging daan ng kamatayan ng kanyang ama, ngunit nagkamali akong hindi tugisin ang anak niya.
Gumuhit ang malakas na kidlat mula sa kalangitan at tumama sa power plant at nag-cause ng malawakang brownout.
Pagkatapos noon, pumailanlang sa hangin ang nakapangingilabot na halakhak na mahihimigan mong puno ng pighati, kasakiman, poot at matinding pagnanais na nagmumula sa kung saang bahagi ng madilim na Sulok ng ALABAYA...
....
TO BE CONTINUE.....
@HGBJ.
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Werewolf@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...