Edited.Kiss's...
Namimitig na ang mga hita, binti at paa ko at alam ko na kapaghindi pa ako nag-slow down sa pagtakbo, any moment from now, bibigay ako at madadapa...
Kung saan na ako naka rating? Hindi ko na rin alam. Basta lang akong tumatakbo at hindi tinitingnan ang dinaraanan dahil na rin sa labo ng aking mga mata dahil sa hilam ako sa luha. Madilim na ang paligid at hindi parin humuhupa ang sakit na nararamdaman ko.
Mayamaya pa, ang inaasahan kong pagkadapa ay nangyari na nga sa akin at nagdulot iyon ng pananakit ng aking braso at tuhod, pati na rin ng baakang ko, nang ito ang huling tumama sa mabato at ma-ugat na lupa.
I'm stupid I know. Huwag niyo nang isampal pa sa mukha ko. Si Kath, ang wolf ko ay kanina pang nananahimik. Nararamdaman ko ang pighati niya sa kalooban ko at ayaw niya akong kausapin.
May nalalaman pa siyang tinawag daw siya ni Ivo, 'yun pala'y tinawag siya ng malanding si Lovella para gumawa ng kababuyan. Hiyang hiya naman ako sa kanila. Akala ko, ako ang ikinasal pero bakit nauna pa silang mag-honey moon sa akin? Nakakatuwa naman sila. Hindi nila sinabi agad na kating kati na pala silang dalawa. Madali lang naman akong kausap eh, bakit tinago tago pa nila ang kahalayan nilang dalawa? Mga high class of plastic.
Flashback...
"Bakit kailangan mo pang dumating? Dapat hindi na lang... Sana hindi na lang..."
"Hindi ka niya kailangan Luna. Sa simula palang, pinapa-ikot ka na niya..." sabi nito sa akin na lalong nagpakaba sa akin.
"Anong gusto mong sabihin?" sabi ko.
"Mm... sabihin na natin na, ikaw lang talaga ang Luna, pero ako talaga ang mahal niya... Pinakasalan ka lang niya dahil ikaw ang pinili ng Goddess. Pero sa umpisa palang, pinlano na niya na alisin ka dito kapagnakuha niya na ang kailangan niya sayo,"
Sabi nito sabay ngisi ng makahulugan at naka halukipkip pa... "Ikaw ang bubuo sa kapangyarihan niya... Ow! Let me reprase it... Binuo mo na ang kapangyarihan niya... Mas malakas na siya ngayon at mas tumibay ang pamumuno niya sa Alabaya. At ngayong ganap na ang kapangyarihan niya dahil sa pag-iisa ninyong dalawa, malamang sa hindi, bibitawan ka na niya... Kaya kung ako sayo, huwag ka nang umasa na mamahalin ka rin niya, dahil ikaw, lobong lumaki sa mundo ng mga mortal, kailangan niya lang na markahan ka, upang maging buo ang kanyang kapangyarihan. Pagkatapos noon, ibabalik ka lang niyan sa inyo at kalilimutan na." Kumabog ang puso ko. 'Yung kabog na may halong sakit, na nakakapanghina. "Dahil sa totoo lang, 'sana, hindi ka na lang dumating sa buhay niya... Sana hindi na lang'! Wala kang pag-asa!" dugtong pa niya."Bakit kailangan mo pang dumating? Dapat hindi na lang... Sana hindi nalang..." singit ng alaala nang sinabi ni Rave sa kanya nuong gabing iyon. Bago ang kasal kinabukasan...
"Hindi 'yan totoo! Hindi 'yan totoo!" sigaw ko sa kanya at iniwan ko na siya, saka nagtatatakbo pabalik sa Falls kung saan ko iniwan si Rave.
"Umm... huhhhh... Yeah... Ahhh!!" rinig kong palitan nila ng mga ungol mula sa kung saan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng isang silid na naka-angat ang pinto...
Patiyad akong naglakad papunta dito habang malakas na malakas at nakakabingi ang tibok ng puso ko...
Hindi ko alam kung bakit para bang may humahatak sa akin na papunta sa kuwartong iyon.
...and when I finaly reach the knob, I sighlently push it and saw,
Alpha Rave, having S*x with Lovella! They were both naked ang all sweat sharing their moans of pleasure... What a nice scene right?
"Ahh... Ummmhh... Oohhh.. Hmm... ahh.." daing ni Rave habang nagpa-pump sa harap ni Lovella. Nakatalikod ito sa direksiyon ko, kaya hindi niya ako nakikita. Hindi ko din nakikita ang mukha niya pero sigurado ako, kung kaninong boses iyon.
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Werewolf@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...