ALPHA RAVE'S P.O.V
Hindi ko alam kung bakit simula nang dumating ang babaeng iyon dito, para bang lagi akong bantulot.
Seriously! What's wrong with me?
Is it because she is my Luna that's why I am relly this affected for her? Nah, I don't think so. So bakit nga ganun?
"I told you she's beautiful! Sa Tingin ko Alpha, hindi ka mahihirapan na mahalin siya," may panunuya sa tono ni Ivo isang umaga matapos siyang mag-report sa akin tungkol sa mga negosiyo ko. Ewan ko ba sa isang ito kung bakit para namang bukambibig niya palagi ang maliit na Lunang iyon! I can't believe she's actually my Packs' Luna! Ang liit niya for a 19 year old she-wolf. Wala ba sa kanilang technology na nakakadagdag ng hight? I thought, sa Mundo ng mga tao nagmula ang lahat ng civilized details na meron ang Alabaya? Goodness!
Isa pa, she's worst when we got her from that school, kung saan naabutan namin siyang sinasakal ng uklubang si Orakulo. She has hopeless curly hair with disgusting eyeglasses and braces on her teeth. Nakanganga pa siya at tulo laway. Kaya nga pagbalik namin sa Palasyo matapos namin siyang makuha ay agad namin siyang ginamot. Dahil hindi maaaring mabawasan o mahulog sa lupa ang kanyang dugo ay hindi siya puwedeng operahan kahit na nga crumpled ang leeg niya dahil sa liit ng katawan niya na bugbog sarado kay Orakulo. Kaya naman ginamit na lang namin ang healing stone na pag-aari ng palasyo para pagalingin siya subalit ayaw pumasok ng enerhiya katawan niya kaya kinailangan namin siyang kalbuhin at linisin bago pa siya nagamot. Dahil sa tagal ng proseso, akala namin ay hindi na siya talaga gigising dahil na comatose siya.
Napabuntong hininga ako for the thought. Pansin ko mukha lang na bababad na ang isip ko sa ka-iisip sa kanya. Damn!
"Pero pakiramdam ko hindi tama ang gagawin ko. I mean paano kung dumating na ang Mate ko? Ano, basta na lang natin tatanggalin ang korona niya bilang Queen Luna at ililipat sa Mate ko? O mananatili siyang Reyna at ang Mate ko ay magiging babae ko na lang?" tanong ko. Kasi alin man sa dalawa ang kalabasan, parang ang hirap naman para sa part kong tanggapin ang ganoong sitwasyon. Kaya pakiramdam ko, dapat kung sino na lang ang talagang nakatakda sa akin ang siyang pakakasalan ko. Habang maaga pa sana ay matigil na ang kalokohang magaganap, o pagsisisihan ko ito ng malaki.
"Kung sa bagay may punto ka naman. Pareho nga tayo nang iniisip pero bro. naisip mo rin ba ang Alabaya kung sakaling hindi natin sasamantalahin ang oportunidad na mapalakas ang kapangyarihan mo?" bumuntong hininga si Ivo.
Ako rin ay napabuntong hininga. "Oo na. Alam ko naman 'yun. Pero sana lang hindi ako magsisi. Kung sa bagay, hindi na baleng ako lang ang mahirapan kaysa naman ang buong Alabaya at mga mamamayan ko," sabi ko na lang. Ganoon talaga. Ako ang hari kaya pananagutan ko ano man ang resulta ng magiging desisyon ko.
Magsasalita na sana ang gago kong Beta when we saw her walking slowly down the stair. Kinalikot ko ang plato ko na may laman nang pagkain na nagalaw ko na pero napahinto nang mag-usap kami kanina ni Ivo. Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos pero pilit na ikinilos ang kaliwang kamay na may hawak na tinidor para tumusok ng karne upang itago ang nakaka-inis na epekto niya sa akin. Damn!
After we ate, umalis na kami agad. Tahimik kami sa loob ng sasakyan at may kan'ya kan'yang mundo.
Si Ivo ang nagda-Drive, ako ang nasatabi nito habang Ang Luna ko ay nasa likod mag-isa. Bahala siya do'n. Masyado siyang maingay kaya hindi ko kinakausap. At tsaka, kapag tumitingin siya sa ‘kin at tumitingin ako sa kanya, naaalala ko n'ong araw na magising siya. Nakita niya ang lahat sa akin. Ramdam kong may biglang nabuhay sa akin.
‘I think, we should talk to our Luna. We can see if she's our mate if you look straight in her eyes,’ Sabi ng Wolf kong si Rade. Bakit ba nagkaroon ako ng makulit na wolf. Buwisit, parang bata!
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Hombres Lobo@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...