His P.O.V.
"Ako ba talaga ang dapat na sumundo sa kanya? Hindi ba puwedeng ikaw nalang? Alam mo naman na hindi ko puwedeng iwan ang kaharian kahit sandali, lalo pa at wala tayong alam, kung sino talaga ang kaaway," sabi ko. Hanggang ngayon, kahit na naka bangon na ang aming lipi mula sa muntikang pagkawasak at pagkaka watak watak ay hindi ko parin mapagkatiwalaang iwan kahit sandali ang palasyo. Pakiramdam ko, ano mang sandali ay puwedeng magpakita si Urakulo para saktan ang mga mamamayan ko at wasakin nang tuluyan ang lahat ng mga pinaghirapan kong ibangon sa loob ng mahabang panahon. Kinalimutan ko ang aking pagkabata upang maging isang ganap na matatag at masasandalang pinunong hindi mapababagsak nino man. Kailangan kong maging malakas para protektahan ang kahariang iniwan ng mga magulang ko sa akin laban sa lahat nang magtatangkang sakupin muli ang Alabaya.
"'Yan ang nakasulat sa iniwang kautusan ng Tiyo Abelle. Hindi niyo siya puwedeng ipagkatiwala sa mga tauhan lang kahit sa akin pa na iyong Beta kamahalan," sagot ni Ivo Alphalva, ang beta ng Heavens Dark lake.
"Isa pa Alpha, puro ang dugo niya, siguradong manganganib ang buong Alabaya kapagnasaktan siya. Alalahanin ninyong sa kanya nakasalalay ang kinabukasan ng bansa. Ayon sa nakatala, ililigtas niya ang Alabaya mula sa nagtatangkang manakop dito," dagdag pa nito. Napa-isip ako bigla. 'Oo nga, paano na? Iiwan ko ang Alabaya ng ilang oras?' isip niya.
Tama ang sinabi niya, nawalan ako na rin ako ng sasabihin kaya't nanahimik na lang ako at nag-isip ng malalim. Nahahati man ang puso at isip ko sa dalawang sitwasyon ay kailangan kong pumili at magdesisyon.
Tutal ay saglit lang naman ang naturang pagsundo namin sa nakatakdang maging Luna ng Alabaya, bakit ba hindi ko na lang gawin. Ang dami ko pang oras na sinayang. 'Oo na, nakapagpasya na ako.'
"Kung ganoon, simulan na natin sabihan ng palihim ang mga mapagkakatiwalaan sa palasyo. Kailangang masiguro natin na maayos ang lahat, bago tayo umalis hanggang sa makabalik tayong dalawang kasama ang ating pakay." Tumayo na ako upang maghanda sa gagawin bago umalis ng Alabaya. Si Ivo nama'y na una nang maglakad palabas ng bulwagan..
Ilan pang oras ang nakraan sa aming paghahanda, sa wakas ay Naka-alis na rin kami ng Palasyo at nakarating sa 'Havok' ang daanan na nagbubukod sa ALABAYA [tawag sa mundo ng mga Taong Lobo na ang ibig sabihin ay iisang lahing nahahati sa dalawang dugo] at sa mundo ng mga tao..
"Ayon sa mga tagapagsiyasat, ang mapang ito ang magtuturo sa atin ng eksaktong lokasyon papunta sa kinaroroonan ng nakatakdang Luna.." -- sabay labas niya ng mapa mula sa kanyang manggas at nilahad ito sa aking harapan... Nilabas rin niya ang Susi ng Gate na magbubukas sa pinto sa pagitan nang dalawang mundo.
Ipinasok pa lamang ng aking Beta na si Ivo ang susi sa key whole ay nagningning na ito, agad na animo'y nakikilala nila ang isa't isa. Lalong tumindi ang liwanag nang magsiwang ang pinto. Sa tindi ng liwanag na niluwa ng daanan ay hindi na namin magawang imulat ang aming mga mata... Hinaranagan namin ang aming mga mata gamit ang aming mga braso upang kahit paano'y makamulat man lang, ngunit agad namang tumambad sa amin ang mundo sa labas ng pinto ng Havok.
....
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Hombres Lobo@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...