IIWTAK.8

10.8K 278 9
                                    


Edited

"Don't you dare get near again to any male wolf here! Walang puwedeng lumapit, humawak o makipag usap sayo na ibang lalake maliban saken, understand?" husky ang boses niya habang ibinubulong iyon sakin. Lumalapat ang mga labi at tumatama ang hininga niya sa aking tainga. May boses na gustong kumawala mula sa lalamunan ko pero binigay kong lahat para pigilin dahil nakakahiya. Juice colored. Mamaya mo, tunog ungol ang lumabas mahirap na! Maharot ka Kiss! Maharooot!

Naramdanam ko na sumigla ang wolf sa loob ko. Nakakaloca siya. Mas maharot pa ang inay niyo kaysa sa akin. Malandi!

Wala naman akong choice kun'di ang tanggapin ng unti-unti ang mga nangyayari at ang mga nagbabago sa 'kin.. Pero kapag-iniisip ko na werewolf ako, para akong biglang nahihilo. Gaano ko mang isipin ay hindi parin ako makapaniwala na ang mga bagay na akala kong gawa lang ng imahinasyon ng tao noon, ay totoo pala talagang nag-e-exist.

"Oo na. Sorry na. Juice me," I rolled my eyes, trying to push away the intensity. Nakakabanas. Sinisira niya ang kainosentehan ko. Ninakaw niya ang pers kiss ko pagkatapos ay pagsusupladuhan. Ngayon naman ay babakuran niya ako? Abnormal ba s'ya? Baliw.

Tapos no'n ay binitawan niya na ako at tahimik uli kaming naglakbay pauwi. Natatawa at naiiling lamang si Ivo sa unahan. Nang mabaling ang mata nito sa akin sa front mirror ay nakakaloko ang mga ngiti nito sa akin. Mga buwiset! Naku!

‘Kiss him dummy! Praise him! Hug him! I want to touch him dummy!’ utos ng mala kong wolf. Dina-dummy-dummy na lang ako? Suwerte talaga 'to iisa lang kami eh, kun'di kakalbohin ko talaga siya.

‘heh! Ingay-ingay mong konsiyensiya ka, nababanas na ako sa 'yo,’ saway ko dito. Nakakabuwisit. Maka-utos akala mo ang dali-dali gawin ng pinagagawa niya. Virgin pa po ako! My gahd!

‘how many times will I have to tell you that I'm not your conscience tanga?’ —ay shuta! Naku!

Hindi ko na pinansin. Nakaka-stress eh.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako pero bakit hindi masabi ng dila ko ang gustong sabihin ng isip ko?

Pumintig ng mabilis ang puso ko at napahinga ako ng balisa.

Darn! Why do I have to be this affected in his presence?

Bumalik ako sa kina-uupuan ko at hindi na uli nagsalita pa. Tapos n'on ay nahulog na ako sa malalim na pag-iisip..

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa palasyo. Huminto ang limo namin sa tapat ng Giant Gate at awtomatiko itong bumukas..

Sosyal no? Ang laki talaga. Kahit nakita ko na ang labas ng palasyo kanina nang umalis kami ay hindi ko talaga mapigilang paulit ulit na purihin at hangaan ang ganda nito.

Nang makababa na ako, wala sa loob akong naglakad papasok sa loob. Sinasalubong ako ng mga tagasilbi na panay nakahanay sa magkabilang gilid. Namamangha ako sa dami nila. Pares parehas ng mga uniporme at halatang aral ang mga tindig at kilos pati na rin ang postura ng mga mukha nila.

Parang wala ako sa sarili dahil sa sari-saring iniisip ko kanina pa kaya hindi ko napansin ni narinig ang mga yabag nang tumatakbong paparating at pasalungat sa direksiyon ko.

Naramdaman ko na lang ang pagbangga ko sa isang katawan. Hindi ako nasaktan sa pagbangga ko kundi sa pagbagsak ko. Tama. Sa pagbagsak ko. Ang sakit ng pang-upo, balakang, likod at braso kong dalawang ulit yatang tumama. "Ahh!" tanging daing ko.

"Aaawww!!" a ng babae na nakabangga ko in annoyed tune na halos magkapanabay sa daing ko.

"Luna!" hiyaw ni Ivo sabay dalo sa akin. Naririnig ko lang ang mga galaw ng paa nila dahil abala ang buong pansin ko sa sakit na nararamdaman. Para akong bumangga sa amasona, my gosh.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon