IIWTAK.9

10.7K 283 12
                                    


Edited.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bad mood na agad ako.

Pati ako nadadamay sa ka-bitter-an ng Hanna na ‘yan. Akala ko talaga, kagagawan na naman ng Yokai kaya may malanding bigla na lang
umeksena sa shooting at kinulot ng bongga ang straight kong bangs. Dapat sagutin niya ang pagpapa-rebond ko ulit eh! Char. Nainis lang kasi ako. Seriously, bakit nga ako nainis?

‘Selos ka, kaya ka naiinis,’ sabi ng madaldal kong wolf sa akin.

‘Che! Selos-selos pinagsasasabi mo? Iba 'to!’ shutanginers na wolf, daming alam.

‘Sus, deni pa more. Feel mo naman naniniwala ako, so kunyare na lang hindi iisa ang nararamdaman at iniisip ko sa nararamdaman at iniisip mo.

Lumabas muna ako ng mansion at nagpunta sa garden. Sosyal! May portiko pa sila, yayamanin. Since B.C naman sila sa malanding lobo na ‘yun ayo'ko muna do'n. Kung maka tingin nga sa akin kanina akala mo saksakan siya ng ganda eh. Kung hindi lang siya naka-make up pangit siya! Chararat!

‘Comeon Kiss, maganda talaga siya, aminin mong insecure ka sa kan'ya dahil ikaw at nerd.’ Lugi talaga ako eh. Juice me Diyosa ng buwan, bakit niyo po ako binigyan ng salbaheng Wolf? May nagawa ba akong masama sa past life ko?

‘mag iingat ka sa kanya. Hindi siya magandang makasalubong mo sa daan. Iba ang nararamdaman ko sa kan'ya...’ aniya sa 'kin. Napakunot ang noo ko, at biglang kinutuban sa sinabi niya. Kasi totoo ang sinabi ni Kath. Hindi ko talaga maiwasang isipin na parang may tinatago siya. Ipinilig ko ang ulo habang magkasalubong ang kilay.

No!

I sigh.

‘tama ka naman, but please trust me. Hindi ko gusto ang babaeng iyon...’ a niya. Ako rin naman, and mind you, may punto siya. Malaking punto.

Napalinga ako sa paligid. Nakarating ako sa isang lugar na hindi na pamilyar sa akin. Doon ako kinutuban.

Nasaloob pa rin ba ako ng bakuran ng palasyo? Bakit parang nasa gubat ako?

Nakaramdam ako ng kaba pagkatapos kong luminga sa paligid at hindi na matandaan ang daan pabalik.

"Now we're lost!! Paano na yan?" malakas kong sabi sa sarili ko at napahalukipkip na lang dahil biglang lumamig ang ihip ng hangin.. Saglit pa akong tumigil at lumakad papunta sa direksiyon kung saan sa palagay ko, doon ako nanggaling kanina pero kakaba kaba ako dahil sa totoo lang, hindi na ako sigurado kung saan nga ba akong direksiyon nanggaling..

‘let's call our mate! Siguradong maririnig niya tayo kapag tinawag natin siya,’ aniya sa 'kin. Napakunot na naman ang noo ko. Paano ko naman tatawagin ‘yun? E naliligaw nga ako 'di ba?

‘dummy! Paano natin siya tatawagin eh wala akong dalang cellphone? Ang layo pa nila.’ Mababaliw na yata ako eh. Paano na? Bakit kasi hindi ko tining'nan? Hay!

‘Iyong totoo Kiss? Hindi ka talaga matalino ano!?’ may panunuya ang boses niya sa isip ko. Naku, kung hindi lang kami iisa, baka nasabunutan ko na siya.

‘shot up Khat! Nawawala na tayo di'ba? Your not helping! Puwede mamaya mo na ako awayin!’ naiinis ko nang sabi.

Mayamaya pa, mga tunog ng yabag ng mga paang papalapit sa akin ang naririnig ko kasabay ng mga hagibis na tila may puwersang humahataw sa hangin.

Bigla akong nangilabot. Parang may nakasunod sa akin at nasapaligid lang siya.

'Ayan na naman ang mga tunog ng hangin na para bang may dumaan sa likod ko.. Napapihit ako palikod ko dahil pakiramdam ko talaga ay may nilalang sa likod ko. Nilukuban ako ng ka-praningan.

‘Khat! may tao yata, baka masamang tao yun!’ sabi ko sa wolf ko.

‘Gaga, walang tao dito! Puro werewolf dito tungaw!’ hiyaw niya sa isip ko. Buwisit talagang bruha sa utak ko. Peste. Nakaramdm ako nang pagka-alerto at awtomatikong napa sunod nalang ako sa kanya at tumakbo as if my life is depending on it...

Habang tumatakbo ako, naaalala ko ang panaginip ko. Yung nakaka takot na lobo na sumakal sa akin sa panaginip ko na ayon sa Supladong Alpha, ay si Orkulo.. Lalo akong natakot at bumilis ang pag karipas ko ng takbo. Parang lalabas ang puso ko sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba at takot.

‘Ang sabi ko, tawagin natin ang hari!’ sigaw niya. Kahita ako ay natatakot na rin pero kahit sumigaw ako, wala akong mapapala. Lalo lamang nilang maalaman na kayang kaya nila ako.

‘Imposible iyang gusto mo! Mas'yado siyang malayo mula sa kinaroroonan natin! Hindi ko kayang sumigaw ng malakas tanga!’ sabi ko sa kanya..

‘Tiwala lang! Sumigaw ka! Maririnig ka nila!’ a niya. Pakiramdam ko, may earthquake sa dibdib ko na pati ang buing katauhan ko ay nakakasama na rin sa paglindol.

‘Nababaliw ka na! Hindi nga nila sabi tayo maririnig! Imposible!’ sagot dito. Nakikita ko ang mga itim na asong lobo na mas maliliit kesa sa nakita ko sa panaginip ko, pero nakakatakot din sila at mukhang hindi ako bubuhayin kapag nahuli ako ng mga ito.

‘Bakit ba ako nagkaro'n ng Human na kasing tanga mo? Sumigaw ka na o mamamatay tayo dito!’ sigaw niya sa akin. Natakot naman daw ako, kaya napasigaw na ako.

"Kamahalan! Rave!" nabibiglang sigaw ko. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, malakas ang sigaw na ginawa ko at narinig nila ito. Sana lang. Sana.

Nagwakas ang pagtakbo ko, nang may mga ala ninja at naglalakihang asong lobong itim ang humarang sa daan ko. Pinunan nila ang lahat ng puwede kong daanan para makatakas maliban sa likuran ko kung saan ako nanggaling —pero, mukhang may problema rin ako sandireksiyon na 'yon.

‘Gusto ko nang umuwi...’ isip ko, na malapit nang maiyak. Napa upo na ako dahil sa panlalmbot ng tuhod ko.

Wala na...

Wala na akong pag-asa...

Hindi na ako makakaligtas...

Dead meat...

Isang malakas, nakakapangilabot at pamilyar na boses ang bigla kong narinig na humahalakhak sa likuran ko. "Tsk, tsk, tsk, anong ginagawa ng nakatakdang maging Luna ng Hari ng mga Alpha sa gitna ng kasukalan?" May sarkasmo ang boses niya at nanunuya ang bawat litanya.

‘Naloko na!’ Kath said. Ramdam ko rin ang takot niya, gaya ng takot ko.

‘Nasaan na si Rave?! Kapag hindi pa siya dumating, mamamatay tayong dalawa!’ sabi ko. Kung noong una ay nakatakas ako, mukhang hindi na ngayon. Hanggang doon na lang siguro talaga ang suwerte ko.

Isa sa mga lobo ang bigla nalang lumitaw sa harapan ko habang nan'lilisik ang mga matang nakatitig sa akin.

Tagaktak ang pawis ko habang nakatingin sa kanya. Nan'lalaki ang mga mata ko at pigil ang paghinga...

Inumang niya sa akin ang mahahaba, malalaki at matatalim niyang kuko na parang gawa sa asero, hindi ako nakakibo... Hindi nagtagal, walang awa niya sa akin ikinarit iyon na tumama sa tagiliran ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng apat na kuko niya sa bawat himay may ko.. Sharp pain invades my flesh as my Vission starts to fade..

Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata, naring ko pa ang malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses at naramdanan ang pag-yanig ng lupa.

....

HBGJ.


█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon