Edited.
Everything is so right whenever I listen to my heart...
Ang wolf ko ay kanina pang nag-wawala sa aking kalooban dahil gusto niyang makasama ang kumag na si Rave.
Wala akong makitang mali kahit na nga, sobrang bilis ng mga pangyayari. Kapagpumipikit ako, at iniisip na balang araw ikakasal ako, wala akong ibang lalakeng nakikita kundi, siya...
Siya lang.
In other words, I can't imagine my self with someone else... Siya lang...
At akalain mong, ikakasal na nga talaga ako sa kanya ngayon.
Pakiramdam ko, panaginip lang ang lahat ng ito, pero kapagpinakikinggan ko ang kabog ng puso ko, alam kong totoo ang lahat. Na hindi ito panaginip lang.
Sino ba namang taong matino ang pag-iisip, na maniniwala agad-agad na may ganito'ng mundo? 'Yung parang kanina lang, alam mo sa sarili mo at naniniwala ka na isa kang tao, tapos mayamaya lang, malalaman mo na hindi ka tao at isa ka palang werewolf? Akala mo, mythical creature lang noon ang mga werewolf at isa lamang ito sa mga kalandian ng mga latino kaya nabuo ang imahinasyon ng mga tao sa mga werewolf but look now. Totoo pala ito at kung sino man ang writer ng palabas na napanood ko noon, malamang ay may kaugnayan siya sa mundong ito.
Pang-apat na araw ko palang dito, napapayag ako agad sa kasalang ito... Grabe, wala man lang ligawang nangyari. Walang kahit pamanhikan man lang. Karakaraka, kasal agad.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa altar at parehas na nakatindig doon...
Bukod din sa mga magical lights, ay may mga Flash pa ng camera na nakatutok sa amin.
Napadako ang tingin ko sa mangkok na gawa sa ugat-puno na may stand na sa ibabaw ay may lumulutang na dagger.
Bigla akong inatake ng nerbiyos. Pórdiós pór santó! Gagamitin ba namin talaga 'yan sa akin? Gigilitan nila ako ng leeg at isasahod ang dugo ko sa mangkok? Kidding aside... Siyempre sa kamay lang! O.A naman kayo.
Out of no where na naman, may lumitaw na isang matandang lalake na kamukha ni Merline the wizard dahil sa mahaba pero napaka puti niyang balbas na lagpas sa sikmura nito na akala mo'y ibinabad sa bleach pero ang peg ay naka-tie and tux. Sosyal 'di ba? Tumindig siya sa tapat ng mangkok na ugat puno na may Dagger na nakalutang sa tuk-tok at tila may binubulong habang matamang nakatingin dito as if iyon lang ang nag-iisang bagay na nag-e-exist sa mga mata niya.
"Royal Couple of Alabaya, kindly face me to start the DARANAK ceremony," sabi nito at ginabayan naman ako ng supladong Lobo na katabi ko, paharap sa altar. Ngayon ay naka harap kami sa kanya at nasa pagitan namin ang mangkok na ugat punong may lumulutang na Dagger sa itaas.
‘Juice colored! Tama ba ang gagawin kong pagpapa kasal sa isang werewolf na four days ko palang nakikilala? Juicemiyo Marimar! He's almost a stranger to me!’ sigaw naman ng isang bahagi ng isip ko sa huling pagkakataon... Wala na ba talagang atrasan ito?
"Sa kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng Doyosa ng Alabaya, naniniwala ako na kayong dalawa ay pumarito ngayon upang pag-isahing ganap ng espiritu at kapangyarihan niya." Katahimikan...
Napatingin ako sa gawing kanan ng nagsasalita na kasabay noon ay ikinumpas niya ang kamay niya na nababalot ng pising itim na may Pendant na bilog na may bituing may Pitong sinag sa gitna..
Sa hindi ko na ipaliwanag na dahilan ay nag liwanag ang pendant at ang kanyang kamay ay huminto sa pagitan namin.
Naglaho ang dagger sa tuktok ng mangkok na ugat puno at inilahad ng nagkakasal sa amin ang kanyang kamay. Ang naglahong dagger ay parang espiritung unti-unting nagkakaroon ng katawan na sumulpot sa nakalahad niyang palad... Astig!
Nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid. Pero hindi sa pagkamangha, kundi dahil sa exitement.
Habang ako ay manghang mangha at di maka paniwala, sa namamalas ng mga mata.
"Maaari lamang na ilahad niyo sa akin ang iyong kaliwang palad mga kamahalan," hiling nito na sinunod naman namin. Nakita ko ang isa sa mga rumorolyong kamera. Nakatutok ito sa amin dalawa ni Rave. "Pakisahod niyo ang inyong mga kamay sa mangkok," utos nito uli at sinunod naman namin..
Itinutok niya ang dagger sa palad namin ni Rave nang nakahiga. Akala ko talaga tutok lang ang gagawin niya dahil nakahinto lang ito.
Napa-igik naman ako sa sakit nang hatakin niya ito. Kaya sabay kaming na agasan ng dugo ni Rave. Nabubo sa mangkok na ugat puno ang mga dugo namin.
Magkasama at magkahalo. Parang buhay at nag-yayakapan ang mga dugo namin dalawa...
"Ngayon naman, paglapatin niyo ang mga palad niyong may hiwa ng punyal at ilapit sa akin," hiling uli nito.
That moment na paglapatin namin ang mga palad namin, ang mga palad namin at mga sugat namin dalawa, ay tumibok ng malakas at nakabibingi ang puso ko na para bang ito na lang at walang iba ang naririnig ko.
"Rave, anong..." putol na sabi ko kase bigla namang umikot ang paningin ko... Nahihilo ako.
"Kiss? Are you alright?" napakunot ang noo nito habang ako ay sinisipat. Hindi ko na kaya, pakiramdam ko... "Kaya mo pa ba?"
"Yes, I'm fine, konting hilo lang ito... Kaya ko pa nanaman," pagsisinungaling ko para sana iwasan ang makaagaw ng pansin pero, tinatraydor na talaga ako ng katawan ko.
Naramdaman ko na lang ang mahigpit at nang-aangkin niyang paghapit sa bewang ko. "Konting tiis na lang," bulong niya sa mismong tenga ko kaya naman lalo pa akong naliyo sa prisensiya niya.
"Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ni Goddess Naruhara, Kayong dalawa ay pinag-iisa niya magmula sa Espiritu, kaisipan, katawan, dugo at puso," anito na muling ikinumpas ang mga kamay at muli na namang lumiwanag ang palad niya.
"Ang ginhawa at sakit ng isa, ay madarama ng isa pa. Ang pighati at ligaya ng isa, ay ramdam din ng isa pa. At ang inyong mga isipan ay pag-uugnayin ng panghabang buhay. Ang inyong pag-ibig, hanggang sa kabilang buhay ay inyong dadalhin," deklara nito. "At ang pinakahuli, bilang pag-iisang ganap, angkinin mo sa pamamagitan ng pagmamarka, ang babaeng ito. Siya'y makikilalang pag-aari ng hari sa pamamagitan ng amoy at ng panghabangbuhay na marka ng inyong pag-iisa," sabi nito sa paraan at tono ng pagtatalaga.
Kasabay nuon ay ang malakas na hiyawan ng mga tao na para bang nagdiriwang.
Hinapit pa ako lalo ni Rave at ibinaba ang ulo niya sa aking leeg...
Ito na ba iyon? Gaya ng mga nababasa ko sa Wattpad?
Naramdaman ko ang dila niya na naglulumikot sa aking leeg. Mainit at nakakakiliti habang ang mainit na hininga niya ay tumatama sa Aking leeg.
Hindi ko ma-ipaliwanag ang sensasyon na dulot niya. Ng bawat galaw niya. Sumisigid sa bawat himaymay ko ang libo-libong boltahe na dulot ng pagkakadaiti ng mga katawan namin at ang init na tila lumalagablab sa kaibuturan ko.
Makirot, mahapdi at nakakapanghina. 'Yan ang bigla na lang naramdaman ko nang "ibaon niya sa leeg ko, ang mga pangil niya."
Pero lumipas lang ang ilang sandali ay hindi na sakit kundi puro masasarap at nakakikiliting sensasyon na ang dulot niyon.
Nakaka-adik at nakalalasing...
Parang may mainit na likido na dumadanak sa aking leeg paibaba sa pulso at puso ko hanggang sa sinapupunan ko...
Hala lagot! Hindi kaya mabuntis ako nito?
‘gaga! Minarkahan lang niya tayo... O.A ka naman masyado 'te, Buntis agad 'di pa nga kayo nag-aano 'di ba?’ sabi nito sa akin. Rumagasa naman ang init sa pisngi ko sa hiya ko sa sarili... Oo nga naman! Wala na akong sinabi.
Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari... Na pangat na ng tuluyan ang pandinig ko at binalot ng dilim ang paningin ko...
"Rest baby... We're going home," was the last word I heard before my everything went, peach black...
....
HannaGoBlueJazmine
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Werewolf@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...