IIWTAK.25

9.6K 234 4
                                    

Edited.

I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING

written by:
HannaGoBlueJazmine



Kiss's...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko.

Iginala ko ang mga mata ko sa hindi pamilyar na lugar na ito.

Nasa loob ako ng kuweba?
Nakunot ang noo ko at gumalaw para tumayo pero,

Hindi ako makakilos...

Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko, dahil may nakadagan sa 'kin...

Dahan-dahan kong nilingon ang katabi at gano'n na lamang ang pagkabigla na naramdaman ko, nang mapagsino ito.

Si Alpha Rave! Napamulagat ako nang ma-realize ko kung ano ang posisyon naming dalawa.

Nakatihaya ako at magkahiwalay ang mga binti. Sa gitna ng aking mga binti ay naroon at nakadapa sa akin ang natutulog na si Alpha Rave...

Nakabaon ang mukha niya sa leeg ko at doon humihinga.

Agad na nag-ulanan ang lahat ng alaala ng nangyari sa amin kagabi. May nangyari sa amin! Nakatulog kami nang ganito ang posisyon na ni hindi man lang naalis sa pagkakabaon sa akin 'yung kanya! At nararamdaman ko iyon na... Muling naninigas at nabubuhayan na naman! Mahabaging langit!

Pinamulahan ako ng aking mukha at muli na naman nabuhay ang init sa kaibuturan ko...

Gulay...

Hindi ko inakala na ganito ang pakiramdam. Nakakahiya. Talagang nakakahiya... Sobra. Pakiramdam ko, punung-puno ang ano ko. Jusme! Paano siya nagkasya sa akin? Sa liit kong ito at sa laki niyang lalake. Agay!

Nanlaki ang mga mata ko when he suddenly moan, open his eyes and met mine.

Bumigat naman ang paghinga ko nang masukol niya ang mga mata kong, titig na titig din naman sa kanya...

Katahimikan...

Hindi ako nakakibo nang ngumiti siya at bahagyang humalakhak. Nahihiyang naiinis ako. Ewan... Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, dahil sa totoo lang, umaapaw ang lahat sa akin... Partikular na sa dibdib ko.

Kumalabog naman daw ang malanding puso ko nang marinig ang pang-umaga niyang boses.

Juice colored...

Bakit ang sexy? Kinilig na yata lahat ng cells na bumubuo sa aking bawat himaymay.

Shit Kiss! Ang suwerte mo, sobrang suwerte!

So manly... And hot...

Ay erase! Pinilig-pilig ko ang aking ulo dahil sa kahalayang naiisip. Nakakahiya is me... Wew!

Napapahinga ako nang mabigat sa bawat pagtama ng mainit niyang hininga sa leeg ko. Gulay... Bakit naman po ganito? Pasko na po ba at hinayinan niyo ako ng masarap na—este, guwapong... Wew! Kiss, manahimik ka na. Napaghahalata ka. Gustong gusto mo naman.

"Ahh... Hehe, ano... Kasi... T–tatayo na ako, kasi nakatayo na nama–este tanghali na! Oo tama, tanghali na," Sabi ko kahit na ang totoo, nagwawala na ang puso ko dahil sa posisyon namin at dahil sa nararamdaman kong muling paninigas pa lalo ng kanya na hanggang sa mga sandaling ito ay naroon at nakabaon parin sa akin. Juice colored! Dito na yata pumapasok 'yung famous line na, 'Spell awkward.' Nakakahiya pa. Muntik madulas ang dila ko.

‘Ang halay mo kasi, tanggapin mo na...’ panunukso ng wolf ko. ‘tumahimik ka nga diyan Kath! Nakakahiya na nga ako eh! Dinadagdagan mo pa!’ pakli ko ditong naiinis na. Buti na lang, at hindi kami naging magkapatid nito eh. Suwerte siya at iisa kami kung hindi, siguradong palagi ko siyang sasabunutan hanggang sa maubos ang buhok niya. Nakakagigil. ‘Ow? Iiyak ka na niyan?’ panunuya niya pang muli. Leshe! Hindi ko na lang pinatulan para manahimik na. 

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon