IIWTAK.28

9.6K 197 3
                                    

Edited.

I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING

Written by:
HannaGoBlueJazmine




Lovella's...

Nagmaneho lang ako ng nagmaneho. Kahit saan. Kahit gaano kalayo.

Sumasakit na ang ulo ko sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko. Sa lahat ng bagay na mayroon sa buhay ko. Sa lahat ng sakit na pinagdaraanan ko.

Bakit?

Bakit ako pa ang kailangang magdaan sa ganito?

Bakit ako pa?

Hirap na hirap na ako...

Sumakit ang dibdib ko at bumigat ang paghinga ko.

Bigla ring nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko.

Inihinto ko ang kotse ko, sa isang lugar. Dito sa lugar na ito lang ako natatahimik at napapalagay pansamantala.

Mabilis akong humimpil at lumabas mula dito...

Gaya ng dati, tahimik dito at maliwanag nang bahagya, gawa ng buwan. Walang distraction at hindi maalikabok.

Dala ang dalawang lata ng Sweet Zone Calib(Beer) ay tinungo ko ang spot na palagi pinag-iistambay-an kapag hindi ko na kaya pang huminga. Dito lang ako napapalagay kahit paano.

Dito lang ako nakakapag-isip nang maayos. Dito ko na-re-realized lahat ng mali, na nagawa ko sa buhay ko. Dito lang.

Pero hindi pa man ako nakakalapit, may natatanaw na akong isang pigura. Nagliliwanag ang katawan niya. Halong Kulay gold at kulay blue ang liwanag. At habang papalapit ako, nararamdaman ko na ang impak ng kapangyarihan niya...

These phenomenon is normal... 'Yung mga ganitong pangyayari na may makakasalubong kang bigla nalang nag-si-shift o lumiliwanag ang katawan. Ang kaibahan nga lang, nakakakilabot ang lakas ng kapangyarihan niya. Pero... Nagyayabang nga lang ba talaga siya o talagang totoong kakaiba siya?

Nang makalapit na ako, humanga ako sa built ng katawan niya.

Guwapo si Rave at Ivo, pero ang isang ito, Hindi siya pahuhuli. Guwapo rin siya.

Mahaba ang buhok niya. Payat siya pero maganda ang built ng katawan. But there is something really different in his looks and the way he stand maybe. "T—totoo ba ang naki—" Napakunot ang noo ko nang tuwiran kong mapatunayan ang anyo niya.

Ngayon ay naka-side view na siya mula rito sa kinaroroonan ko.

Maputi siya, Matangkad, kulay violet ang mga mata, nasakaanyuan siya ng isang tao, pero ang tainga niya ay sa werewolf at...

...may buntot siya?

What the heck?

Kailan pa nagkaroon ng werewolf na naka "Half Shift"?

***




Ivo's P.O.V.

Unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang mga iniimbestigahan ko. Akala ko talaga, maling hinala lang ang lahat.

Nang makuha namin sa human world ang Luna, nakakuha rin ako ng DNA sample niya doon sa sugat ng Luna kung saan niya binaon ang kanyang kuko. Mga hibla ng balahibo nito at laway ang nakuha ko.

Lihim kong ipina-preserve ang lahat ng iyon, nang hindi alam ni Alpha Rave. Nagpasya akong, hindi muna sabihin habang hindi ako, sigurado. Ayo'ko kasing mag-siwalat habang hindi naman sigurado pa. Mahirap nang maparatangang nagbibintang ako ng mabigat na kasalanang wala namang sapat na katibayan.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon