Edited
I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING
Written by:
HannaGoBlueJazmineKiss's...
Akala ko hindi ko mapipigil si Rave sa Pagpaparusa niya kay Lovella. Natakot ako dahil alam na alam ko kung paano magalit ito at hindi gugustuhin ng sino man na maranasa ang galit ng hari. Kitang kita ko pa naman kung gaano kagalit ito.
Alam ko naman na nakaka-inis ang ginawa niya sa akin. Naintindihan ko rin na may gusto siya kay Rave, kaya niya nagawa sakin 'yon pero sobra nga naman siya. Kung ako man ang nasa katayuan ni Lovella, hindi ko magagawa ang ginawa niya.
Pero ayo'ko naman na may masaktan dahil sakin. Martir ang peg? Di kaya! Kase kung ako naman ang nasa kalagayan niya, magagalit din ako. Isipin niyo na lang, mahal mo 'yung tao, tapos matagal na kayong magkaybigan tapos, umaasa ka na isa'ng araw, mapapansin ka niya pero dahil masakit mag laro si Destiny, bigla'ng may Impaktang magandang Werewolf from human world na dumating, lalo tuloy siyang 'di napansin at hindi lang 'yun! Nawalan pa siya ng pag-asa because it turned out to be that the girl from human wold is "His" "Luna" which happens to be "ME."
tsk! Kawawang Lovella... Kidding aside... Yabang ko no?
Seriously speaking, naaawa ako sa kanya. Wala ng halong Yabang 'to mga bes. Masakit kaya na iba ang mapansin ng taong gusto mo. Naranasan ko na kase 'yon.
Noong nasa Human world pa ako, Nagkaroon ako ng unang lalake na palihim kong nagustuhan. Dahil nga Nerd ako, ikinahihiya ko ang sarili ko kaya secret na lang din kapag may gusto ako. Mahirap na'ng malaman niya 'di ba? Baka sabihin, taas ng pangarap ko. Alam ko naman at tanggap ko na 'yon noon, so ayun, back to my story, nalaman lang naman niya na gusto ko siya by accident.
Paano? Dahil nga, mag-isa lang ako at walang gustong kumausap sa akin, gumawa ako ng talambuhay ko. Sa mga english geek diyan, Diary po! So gumawa ako ng Diary at do'n ko ikinuwento lahat ng hinanakit ko sa mundo. Pati ang bucket list of things I want to experience before I die, naroon din. At saka siyempre 'yung pinakatatago kong secret.
....April 9, 2*** Friday.
Dear Diary,
Nakita ko na naman si Baby Jay Zion Lardizabal my loves. Kaso, siyempre Diary, hindi ako n'on mapapansin.. Nunca 'di ba? Kailan pa ba napansin ng mga Guwapo at Casanova na tulad niya ang mga gaya ko? Bangs na lang ang kulang Betty lá-Feá na.
Any way, ang sarap-sarap niyang tingnan kahit na heart breaker siya. Ano kaya ang pakiramdam nang malapitan siya at matitigan nang ga hibla na lang ang pagitan ng mukha namin? —Suntok sa buwan 'di ba?
Gusto kita Jay Zion Lardizabal. Kahit Casanova ka. Gustong gusto kita.
'Yang mga linyang 'yan lang naman ang mga pinagsusulat ko, doon sa Diary na naiwan ko, kahapon sa kung saan.
Nasaan na ba 'yun kasi?
Jusko Kiss! Saan mo ba naiwan?
Kinabukasan, nagtitilian ang mga kaklase ko at nakatingin lahat sa coridor. At dahil likas akong walang interes sa pinagkaka guluhan nila kase alam ko naman na lalake lang 'yan, hindi ako nag-abala na maki-usyoso pa para iwas pusoy ako.
"Hoy Panget! Hanap ka ni Fafa JZL! Bilisan mo do'n! Lumabas ka raw. Ayaw pumasok e," sabi no'ng kaklase kong babae na nagpatunghay sa akin mula sa pagkaka subsob ko sa binabasa ko.
Nakarinig na naman daw ako ng mga bulungan. 'Yung mga insulto na araw-araw na zlang nila ibinabato sa 'kin..
Nagtataka sila kung bakit ako sinadya ni JZL, ako din nag tataka..
BINABASA MO ANG
█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014
Werewolf@All Rights Reserved 2014 Paano kung bukas paggising mo, nasa ibang mundo ka na? Isang mundong hindi mo kinagisnan at hindi mo kailan man naisip na nag-e-exist pala. At ang twist pa, ang pinaniniwalaan mo buong buhay mo na isa kang tao, ay isa naman...