"Inihabilin ka sa akin ni Ninong Butch, kaya wala kang choice kundi ang magtiis sa akin", sabi ni Xian nang dumating. All smile pa siya. And he look so cute.
"Pwede naman nating palabasin na binantayan mo ko kahit na hindi"
"Look Sue, huwag na tayong mag argue okey, nangako ako sa Papa mo"
"Nakakahiya kasi sa'yo, baka isumbat mo pa sa akin"
"Isipin mo na lang na nagkasakit ka dahil sa akin, ako ang may kasalanan kung bakit nabasa ka nang ulan" sabi ni Xian.
Sinisisi nya ba ang sarili nya kung bakit ako nagkasakit?
"As I've said hindi mo ako responsibilidad. Kung iniisip mong ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkasakit, ako na ang nagsasabi sa'yo wala kang kasalanan"
"Kaya lagi tayong nag-aaway kasi ganyan ka, palagi kang kontra" sa tulis nang nguso niya, I'm sure na naiinis na siya
Kaya hindi na ako sumagot. Baka kapag nagsalita pa ako, tuluyan na siyang mag walk out.
Ayaw ko namang mag-isa lang dito sa bahay.
Nakakatawa na habang magkasama kami sa isang bahay hindi naman kami nag-uusap.
Andito ako sa salas,
Samantalang andun sya sa garden
Tatanungin nya lang ako, If I need anything.
Siguro dahil pareho naming iniiwasang may masabing hindi maganda na magiging cause nang aming away.
Mas okey na tong civil kami sa isa't isa.
"I'm starving" narinig kong sabi niya. Nakalapit na pala siya sa akin nang hindi ko napapansin.
11 am na pala at wala pa kaming kakainin.
'Huwag mong asahan na magluluto ako, I don"t know how to cook", nahihiya man kailangan kong magsabi nang totoo.
"Kelan ka naman natuto sa mga gawaing bahay, but don't worry ayaw ko din namang kumain nang hindi masarap" natatawa naman niyang sabi.
'Are you insulting me"? as usual papatulan ko naman ang pang-iinis niya
'I'm just saying the truth" naiiling pa niyang sagot. Na lalo ko namang ikina-inis
"Umorder na lang tayo" wala sa loob kong sabi. Ang totoo kasi gutom na ako. Hindi na nakaluto si Mama sa sobrang pagdudumali.
"No need, I will do the cooking"
"Marunong kang magluto"?baling kong tanong sa kanya.
"Konti, kaya lang pagtitiisan mo yung luto ko" naka-smile niya pa ring sabi.
Tama ba ang nakikita nang mata ko, nakatawa siya habang kausap ako. Walang kunot na noo, ang matulis na nguso. At himalang hindi siya pagalit kong magsalita.
Siya yata ang may sakit at hindi ako
Nakapagtataka ding hindi niya pinapatulan ang mga pagsu-sungit ko
Ganito pala siya kapag hindi ako inaaway masyado.
And I'm loving it
Given na gwapo siya, pero kahit naman madalas niya akong inaaway aware naman ako sa distinct personality niya. Nakasanayan ko na lang sigurong magpakita nang inis sa kanya pero ang totoo hindi iyon ang tunay kong nararamdaman. Inaaway ko na lang siya para magpapansin.
"Basta ba hindi mo ako lalasunin eh" wala sa loob kong sabi. Huli na para bawiin ko pa.
"I'm not that bad" mahina niyang sabi.