"Ginawa mo na ito noon" protesta ko sa asawa, I have no idea kung saan kami pupunta. Basta sabi nya lang kanina may pupuntahan lang kami saglit pero ilang oras na kaming nag-aargue pero till now hindi niya pa din sinasabi kung saan kami papunta.
"Leave this to me, expert na ako dito" parang balewala naman sa kanya ang pinapakita kong pagkainis. Tinatawanan nya lang ako.
"Huwag mong sabihing gusto mo na naman akong masolo"? naiiling ko nang tanong, kahit na naiinis ako andun pa din yung kilig.
My husband is a man full of suprises
"Gusto lang kitang i-date"
"Ganito kalayo"?
"You will thank me kapag nakita mo na yung place" sabi pa nya habang nagmamaneho.
"Let's see" kibit balikat kong sabi. There's no point of arguing. Hindi din naman kasi ako mananalo sa kanya. Besides, siya naman ang may hawak nang manibela.
"Ilang araw tayo dun"? naalala kong itanong.
"Two nights and three days" in a casual voice na sabi ni Xian.
"That long! at hindi mo man lang hinayaang makapag andar ako nang mga gamit ko"
"Don't worry, ako na ang nag-andar nang gamit mo" ! tila nang-iinis na sabi pa ng asawa ko.
"Sigurado kang kumpleto yun? Shorts, t-shirts, pantulog"? nakuha kong itanong.
"Oopss, nakalimutan mong sabihin yung bra at panty"! nang-iinis pa niyang sabi.
"Huwag mong sabihing nakalimutan mo nga"? napalakas na yata an boses ko sa sobrang inis.
"You might not use those clothes naman eh" sabi pa niya bago niya ako kinindatan, again nakita ko na naman ang pilyong ngiti sa kanyang mukha
"I will make sure na hindi ka makakalabas nang kuwarto, we will make love all day and all night long while we're in vacation"
"I won't allow you to come near me" tila nang-iinis ko na ding sabi.
"And you want me to believe that"? narinig ko pa nang bahagya siyang nagtawa.
"Sinusubukan mo ba ako Mr. Lim"?
"You're the least person na ipo-provoke ko Sue, sobrang kilala na kita"
"You know me well my dear husband, alam mong kaya kong gawin lahat nang sinasabi ko" naka-smile kong sabi. Knowing my self alam ko namang hindi ko siya mareresist. Nakikipagtalo lang ako para lang may point of argument, para hindi nakaka-inip ang byahe.
"I know you can't resist my charm"!
"Ewan ko sa'yo"! ako na yun sumuko, dahil alam kong hindi siya titigil sa pang-aasar sa akin. Buti na lang at nagring ang cellphone ko, Si Mama.
"You know this plan Mama"? sabi ko na nga ba't kakuntsaba nya ang dalawang biyuda. Hindi sumagot ang nasa sa kabilang linya instead nagtawa lang nang nagtawa. Doon sa reaction pa lang alam ko na ang sagot.
"Just enjoy the moment" iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya. Nang balingan ko nang tingin si Xian pangiti-ngiti pa siya habang nasipol.
As always, pinagka-isahan na naman nila ako.
"Wow! tangi kong nasabi nang makita ko ang magandang tanawin. Hindi pa man kami nakakababa nang kotse tanaw na ang mala-palasyong building na iyon sa pagtawid nang dagat.
"Sasakay tayo nang bangka mamaya to get there"malambing na sabi ni Xian.
"You planned for this" tila natatameme kong sabi. Tinitingnan ko pa lang ang lugar, I must say na mahal ang accomodations .