Chapter 22
"Anong meron"? naguguluhang tanong ko sa mga nurses sa nurse station. Night duty ako at napansin kong tila kinikilig ang mga babae sa hospital.
"Dumating na daw kasi yung bagong male nurse na galing sa America, at sabi nila gwapo daw" sabi ni Amy, isa sa senior nurse na naging kaibigan ko sa hospital.
"Kaya sila nagkakagulo dahil sa bagong nurse"? kunot ang noo kong tanong. In two years ko sa trabaho, never pang nangyari na nagkagulo ang mga kasamahan ko dahil sa isang gwapo. Kahit pa nga sa gwapong pasyente.
Narinig ko na ang balitang iyon few days ago, but might as well hindi ako interested.
Bakit pa? Sigurado naman akong mas gwapo ang asawa ko sa kung sino mang sinasabi nila. Sa paningin ko, wala nang mas gu-gwapo pa kay Xian.
"Bakit hindi pa umuuwi yung mga morning duty"? nakuha kong itanong. Nakapagtataka kasing yung mga female nurses na akala mo hinahabol nang kung sino sa tuwing uwian, eh andito pa at naghihintay.
"Hinihintay nila si Pogi?
"It seems gwapo talaga sya, para pagka-abalahan nang lahat"
"Gwapo talaga! Kaibigan daw ng anak nang may-ari kaya natanggap agad"
"Ah! Kaya pala" nasabi ko na lang. Nakapagtataka kasing nag-hire nang nurse gayong hindi naman hiring. Malakas nga lang siguro ang backer nang male nurse na yun kaya hindi nahirapang makapasok sa hospital.
"Hindi ka interested dun sa bagong nurse"? tanong pa ni Amy
"No" walang emosyon kong sabi
"Wait until you see him, tsaka mo sabihing hindi ka interesado"
"I don't think so, someone owns my heart" wala sa loob kong sabi. Walang may alam sa hospital na may asawa na ako. Wala din namang nagtatanong kaya bakit kailangan kong sabihin.
"Really"!halos hindi makapaniwalang tanong ni Liza, isa sa bagong nurse nang hospital. Halos hindi naglalayo ang aming edad.
"Asan sya"? curious na tanong naman ni Amy
"Nasa America"!
"At umaasa kang babalikan ka pa niya"?
Bigla hindi ko alam ang isasagot. Dapat pa nga ba akong umasa na babalikan nya pa ako? Oo nga't nagkaka-usap pa din kami. Sinasabi niya pa ding mahal niya ako. Pero sapat na ba ang mga iyon para maniwala ang puso kong babalik pa siya?
"I believed him, mahal niya ako" nasabi ko na lang. Kahit hindi din ako sigurado
"Paano kung umasa ka, pagkatapos malaman mo na lang na meron na pala siyang iba"?
"Well I guess, I need to accept na hindi kami para sa isa't isa" kibit balikat ko pang sabi.
"Why don't you find someone new"? singit naman ni Minerva. Isa sa pang umagang duty at nagtitiyagang maghintay makita lang ang gwapo daw na male nurse.
"Siya lang ang may-ari nito" casual kong sabi, sabay turo sa tapat nang puso ko.
"Kahit pa kasing gwapo ni Alexander?"si Amy uli ang nagtanong
"Kahit pa gwapo siya, I don't care"
"Mahal mo nga"halos sabay sabay na sabi pa nang mga ito.
Sa nakalipas na mga taon, wala akong ibang minahal kundi si Xian. Kahit pa sabihing hindi na kami masyadong nagkaka-usap. Busy sya, busy ako, pero kahit gaano ako ka-busy there was never a time na hindi ko siya naisip. Never na nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.