"You look good on your weding gown" narinig kong sabi ni Xian habang titig na titig siya sa akin.
"Para ngang ayaw ko na siyang hubadin" natatawa kong sabi
"Ako ang gagawa para sa'yo" pilyong sabi ni Xian. Nakayakap na siya sa akin mula sa likod.
"I can't wait na gawin mo yun for me, may pagkapilya ko ding sabi.
"May energy ka pa ba"?
"Don't you dare Mr. Lim, baka ikaw ang sumuko sa akin"?
"Kahit ilang rounds pa" sakay pa niya sa biro ko. Kaya nagkatawanan na lang kami.
"Ganito pala yung feeling" wala sa loob kong sabi.
What do you mean"?
"Pangarap ko lang ito noon" nasabi ko pa, habang sinisipat ang aking kabuuan sa harap nang salamin. Tukoy ko sa pagsusuot nang wedding gown. Noong nagpakasal kasi kami sa huwes akala ko, yun na yun.
Pero binigyan ni Xian nang katuparan ang pangarap na yun,
"Kasama ba ako sa pangarap na yun"?
"At first syempre hindi, sino ba ang taong papangarapin ang taong all your life itinuring mong kaaway"?
"When was the time na narealized mo na ako na yun"?
"Hindi ko alam, I just felt na nagbago na pala yung feelings ko"
"Alam mo ba na kahit kelan hindi ko tinutulan sila Papa at Tito Butch kapag sinasabi nilang ikaw ang dapat kong pakasalan"?
"Weh"? Hindi halata!" nakatawa kong sabi kahit nagulat ako sa sinabi niya. Paano ba naman kasi palagi syang nakasimangot noon sa tuwing pag-uusapan ang kasunduan.
"Kahit naman kasi ayaw ko, sila din ang masusunod what's the use na tutulan ko sila"?
"So ayaw mo talaga akong pakasalan"?
"Eh di sana hindi kita pinakasalan, you know me from the very beginning Sue, kapag ayaw ko ayaw ko talaga"
"Oh eh di gusto mo na nga ako dati pa"!
"I guess so, kahit pa ayaw nang isip ko noon, pero ang puso ko para lang sa'yo" This time magkayakap na kaming nakahiga sa kama. Like the usual scenario nang aming mga gabi. We always find time para makapag-kwentuhan.
"Pinakasalan mo na ako nang dalawang beses binobola mo pa din ako" bola man yun o hindi, bentang benta sa akin yung sinabi nya.
Kinikilig pa din ako
"Lahat nang mga pang-aasar ko sa'yo nung highschool tayo was part of my plan, para mapansin mo ako" tumatawang sabi ni Xian.
"So lahat nang pagpapa-iyak mo sa akin, sinadya mong lahat"?
"Paguukulan mo ba ako nang pansin kung hindi ko yun ginawa"?
"Natatandaan ko lang, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi mo ako inaasar, yun pala mahal na kita" amin ko na, after all these years ngayon lang yata namin mapag-uusapan about our past. And It's funny na tinatawanan na lang namin ang mga nangyari.
"Bakit hindi ko nahalata"?narinig kong tanong ni Xian. Bahagya pang naka-kunot ang noo nito.
" Ang Manhid mo kasi, and maybe you're too busy with the girls around you, Ikaw na ang sikat sa campus"
"It was you na gusto kong pumansin sa akin, pero hindi mo ako pansin"sumbat pa ni Xian.
"Dahil wala ka namang ginawa sa akin noon kundi ang asarin ako"
"Kung hindi pa ako nagpapapansin noon sayo, hindi mo mapapansin ang existence ko"
"Ang tagal pala nating nagtaguan nang feelings" nasabi ko na lang, bahagya ko pang hinigpitan ang yakap kay Xian.