"I'm sorry ninong, my fault" narinig kong sabi ni Xian sa Papa ko.
"Sana sinabi mo na may date ka nang ako na yung sumundo sa kanya" sabi naman ni Papa.
"Sorry po uli, hindi na po mauulit" hindi na naman niya kailangang sabihin yung totoo , pero sinabi niya pa din. Sigurado akong magsusumbong si Papa kay Tito Benjie
"May kasalanan din po ako sa nangyari, sinabi ko po sa kanya na sabay na kaming umuwi kasi pupunta pa ako nang mall eh malapit lang naman yung date nya kaya I told him na okey lang, Nawala lang talaga yung cellphone ko kaya hindi kami nagka-intindihan" ewan ko ba kung bakit kailangan ko siyang ipagtanggol.
Naisip ko lang nung mga oras na iyon, huwag siyang mapagalitan.
"Next time Xian, kapag ibinilin sayo ang kahit na ano make sure na kaya mong panindigan, sige na umuwi ka na at kanina ka pa hinihintay dun sa inyo" pagtataboy na ni Papa.
"Sorry po ulit Ninong" yun lang at umalis na din sya.
"Akyat na po muna ako sa itaas" paalam ko na lang sa parents ko. Kung hindi ko gagawin yun, sigurado akong patuloy ang panenermon nang mga ito.
After kong makapagpalit nang damit, nahulog ako sa malalim na pag-isip.
Kung may girl na siyang idine-date, pwede naman sigurong mag-entertain na ako nang suitors. Kaya lang naman ako hindi pumapayag noon, dahil sa takot na magsumbong si Xian, pero ngayong we decided to have a seperate lives, siguro naman pwede na.
Siguro naman hindi siya magsusumbong
Nang biglang pumasok si Jp, kumain ka na daw" sabi pa nito.
"Sunod na ako"
"Napagalitan na naman si Kuya Xian, dahil sa'yo", sobrang close kasi si Xian at Jp kaya sigurado akong nakabuntot agad ito kay Xian.
"Anong sabi nila Tito Benjie"? Bigla akong na-curious na malaman.
"Dapat daw ikaw ang priority ni Kuya Xian more than someone else, dahil sa kanya ka ipinagkakatiwala ni Papa"
"Anong sabi ni Xian"
"Uy interested na siya kay kuya, crush mo siya noh?" ewan ko ba pero pakiramdam ko nag blush ako sa panunukso ni Jp.
"Hindi ah, curious lang ako sa naging sagot niya.
"Sabi ni Kuya Xian, hindi daw habang buhay kaya ka niyang bantayan at protektahan, may mga sarili na daw kayong buhay" sabi pa ni Jp. Without knowing na nasasaktan ako.
"Sige na bumaba ka na, at susunod na ako" pagtataboy ko na kay Jp.
"Si ate affected!!" tukso pa din nito.
"Go away" tsaka ko siya itinulak palabas nang pinto.
Obvious na ba ang mga kilos ko?
Dapat bukas na bukas din, matuloy na ang operation iwas ko sa kanya, baka sakaling mawala yung feelings na nagsisimulang tumubo sa puso ko. Sabi nga, dapat nang patayin ang apoy bago pa maging sunog ito.
Sa madaming beses na napagalitan ako nang dahil kay Sue, hindi ko na matandaan kung ilang beses nilang sinabi na ako ang dapat mag-protect kay Sue.
Noon di ko pa maintindihan kung bakit, pero as I mature, ngayon ko nauunawaan na, they want us to end up with each other.
Gusto nila kami ni Sue ang magkatuluyan pagdating nang panahon.
Nakakatawa na kung gaano namin, ka-hate ang isat isa, ganun pala yung gustong mangyari nang parents namin.