"Ate, sabi ni Kuya Xian break na daw kayo, nakita daw niya ang panty mo ang laki laki" sabi nang fifteen years old kong kapatid na si Jp. Sigurado akong inutusan siya ni Xian para gawin iyon, Christmas eve, at andito ang pamilya namin sa bahay nila.
"Sabihin mo sa kanya, kahit siya na ang huling lalaki sa mundo, hinding hindi ko magugustuhan ang kagaya nya"bad trip kong sabi. Kung ako ang tatanungin, hindi na ako para sumama pa sa bahay nang mga ito. Alam ko na kasing aasarin na naman niya ako.
Hindi talaga yata ako titigilan nang lalaking yun. Hindi yata kumpleto ang araw niya nang hindi ako inaasar.
Pasko na, humihirit pa din.
Asan ang Spirit of Christmas kay Xian?
Ayaw nya talaga akong tantanan!!
Mula pa nung prep kami, wala siyang gustong gawin kundi ang asarin ako.
Ilang beses nyang nilagyan nang bubble gum ang palda ko nung nursery
Sinira nya ang manika ko nung grade I,
Naalala ko pa nung grade II kami, nilagyan nya nang palaka ang bag ko. Nalaman ko na lang nang kukuha na ako nang gamit sa loob nang bag.
Hindi na nga sya nag-sorry, pinagtawanan niya pa nung umiiyak na ako.
Sobrang iyakin ko daw
Isinumbong ko siya kay Tita Susan, kaya tuwang tuwa ako nung mapagalitan siya.
Natandaan ko pa ang sinabi ko sa kanya noon
"Beh buti nga"
Pakiramdam ko noon quits na kami
Nung grade III, hinila niya yung upuan ko,dahilan para mahulog ako sa sahig. Sobrang sakit nang puwit ko noon. Hindi ako makaiyak dahil ayaw ko siyang bigyan nang satisfaction sa pag-iyak ko. Pero lahat nang kaklase namin pinagtawanan ako.
And I hated him so much dahil doon.
Pero hindi ako nagsumbong. Naisip ko baka kapag hindi ko siya isinumbong tigilan na niya ako, pero hindi pa din. Araw araw niya pa din akong inaasar. Pero I rather ignore him, para tigilan na niya ako.
He made my Elementary Life miserable. Masaya siyang nakikita akong umiiyak. Hindi kuntento ang araw niya nang hindi ako nakikitang napipikon.
Nung grumaduate kami nang elementary, natuwa ako na may regalo siya sa akin. Naisip ko baka natauhan na siya at peace offering na niya yung regalo pero laking gulat ko na maliliit na daga pala ang laman.
"I hate you, kahit kelan hindi ako makikipagbati sa'yo"iyon ang natatandaan kong sinabi ko sa kanya.
"For all I care Ms. Tabaching ching"
Chubby kasi naman talaga ako noon, kaya tanggap ko kung asarin man niya ako nang ganun.
Simula noon, iniwasan ko na siya. Pakiramdam ko kasi, sumosobra na siya. Kahit pa siguro gusto kong maging friends kami, hindi na kami darating sa puntong magkakabati pa.
Sa madaming beses na nag family outing ang mga pamilya namin, palagi siyang andun to ruined my day.
Andun na itulak niya ako sa pool.
One time ginawa niya sa akin yun, muntik na akong malunod. Nalimutan nya yata na hindi ako marunong lumangoy. Grade IV lang yata kami noon.
Buti na lang nasagip ako ni Tito Benjie.
Nakita ko naman, na natakot din sya. Wala lang din sigurong magawa.
And that was the first time in the history na nag-sorry siya sa akin.