"Ma, sobrang sakit na nang tiyan ko" reklamo ko sa ina nang mapilit ko ang sarili kong makalipat sa kabilang bahay. Nasa hardware kasi si Xian para kunin ang mga pipirmahang tseke para sa mga kliyente. Sumasakit na kasi talaga ang tiyan ko kanina pa, pero itinaboy ko siya. Kaya ko pa naman kasing tiisin yung sakit kanina. But not this time, sobrang humihilab na ang tiyan ko.
"Oh my! manganganak ka na!" biglang nataranta na si Mama, dahilan para marinig ni Mama Susan na noon ay nasa kusina.
"Tatawagan ko na si Xian" hindi magkandatuto pang sabi ni Mama Susan, hindi malaman kung anong pipindutin sa telepono.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito kasakit" sa sobrang sakit nang nararamdaman ko nasisi ko pa tuloy si Mama, Hindi ko na kasi malaman kung anong pwede kong ipwesto para mawala yung sakit. Tolerable pa din naman, pero nararamdaman ko nang may umaagos na tubig sa hita ko.
"I don't think pwede pa nating hintayin si Xian, we need to bring you to the hospital" taranta pa ding sabi ni Mama after talking to Xian.
"Gusto ko andito sya" wala sa loob kong sabi
"Pupunta naman sya sa hospital"
"I want him beside me" sa napapangiwing hitsura nasabi ko. Weird dahil sa kabila nang sakit na nararamdaman ko, si Xian pa din yung gusto kong katabi. Gusto kong andito siya when the whole process happen.
"Sigurado ka bang kaya mo pa"?
"Opo, pakuha na lang po nang mga gamit ko sa kabila" nasabi ko na lang. Agad namang tumalima yung dalawa.
"Huwag mong pahihirapan si Mama ha, I'll see you later" kausap ko pa kay baby na para bang kaharap ko na siya.
After 9 months, heto na siya! darating na siya
Ngayon pa lang kumpleto na ako
As a wife to Xian
And a mother to Benjamin Butch Xian Lim
"Wala ka na bang ibibilis Andoy?" kinakabahan kong tanong sa driver nang hardware. Ako na lang sana ang magda-drive para sa sarili ko, pero ipinilit ni Andoy na siya na lang. Nakita nya sigurong natataranta ako.
"Mabilis na tayo Sir" reklamo naman nito. Mabilis na nga naman ang takbo namin pero pakiramdam ko ang bagal bagal pa nya.
"Kinakabahan kasi ako eh" amin ko na,
"Ganyan talaga, panganay mo kasi" natatawa nang sabi ni Andoy. Madami kasi itong anak kaya sanay na sa ganitong pakiramdam.
"Kahit pa siguro, ilang beses siyang manganak ganito pa din ang magiging pakiramdam ko" nasabi ko na lang,
Hindi niya sana kailanganin nang blood transfusion, sa bagay na yun kasi kami mahihirapan. Although may naka-ready kaming blood sa blood bank, much better pa din na hindi iyon magamit.
My mind is too occupied kaya nagulat pa ako nang mag-ring ang cellphone ko. Si Sue yung tumatawag.
"Asan ka na"? sa mahinang boses ay tanong niya sa kabilang linya.
"Malapit na ako Sue, just hold on okey"
"Sobrang sakit na kasi eh, pinipilit na nila akong dalhin sa hospital but I want you here" umiiyak na niyang sabi sa kabilang linya.
"Shhh,don't cry baka mapasama si Benjamin, in 10 minutes siguro anjan na ako okey"
"Bilisan mo ha" pagdedemand na niya.
"I love you" iyon lang at pinutol ko na ang pag-uusap na iyon. Hearing her voice that way mas lalo akong kinabahan.
Sana maging okey ang aking mag-ina