"Are you sure okey lang sa'yo na magkalapit tayo dito sa kama"? nag-aalangang tanong ni Xian.
"Nakakahiya naman sa'yo kung sa sahig kita papatulugin"nasabi ko na lang. Hindi niya dapat mahalata na excited akong makalapit siya.
"That would be okey kung ayaw mo akong katabi, gasino na yung sakit nang katawan kapag sa sahig ako natulog" pakonsensiya pa niyang sabi.
"Ipaglalatag na kita" umakto pa akong ilalatag ang comforter sa sahig.
"Serious"? kunot ang noo namang tanong ni Xian.
"Sabi mo okey lang"?
"Oo nga, pero hindi ka ba naaawa sa akin"?bigla parang nagpapa-awa naman sya.
"No! pero kung ayaw mo ako na lang" and then I continue on what I'm doing.
"Wala kang tiwala sa akin"? tila nagtatampong sabi niya. Bigla para naman akong
napahiya. Para na din kasi akong nag jump sa conclusion na may gagawin nga sya sa akin.
"Okey! you win! just make sure you won't do anything"
"For that I can't promise" tila nang-iinis na namang sabi ni Xian. Libangan na yata nang lalaking ito ang inisin ako.
"Sabi ko na nga eh, di kita dapat pagtiwalaan,"
"Aray ko naman, hindi naman ako kasing sama nang iniisip mo"
"Dyan ka sa kama! dito ako sa sahig" firm kong sabi.
"Ikaw naman hindi na mabiro" sabi pa nya, habang inaagaw ang comforter na hawak ko. May hatid na kuryente ang hawak nyang iyon. Pero hindi ako nagpahalata.
" Kunsabagay, I'm not your type" nasabi ko na lang tsaka ko binitawan ang comforter.
"Huwag kang pakasiguro" sabi pa niya, bago nagtungo sa shower room. Naiwan akong napapa-iisip.
Kung pwede ko lang sabihin na I'm a willing wife and I'm willing to give myself to him, wala na sanang problema.
Kaya lang hindi kaya nang powers ko.
May hiya pa rin naman ako kahit papaano.
"Sarap mag-shower" sabi ni Xian nang makalabas siya nang shower room. Pero hindi ko siya tiningnan.
Namalayan ko na lang nasa harap ko na siya.
Hubad baro, litaw ang magandang built nang katawan. At tanging boxer short ang suot.
"Oh my!so masculine"! nasa isip kong sabi. Bigla hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Ni hindi ko nga siya matingnan.
Pandalas ang tibok nang puso ko.
Kung gabi-gabi kong kalapit ang gwapong lalaking ito sa pagtulog, hindi na ako magtataka kung magkaroon ako nang sakit sa puso ko. Feeling ko kasi kapag anjan sya, lagi na lang akong ninerbyusin.
"It's getting late, mag-shower ka na din" narinig kong sabi niya.
"Ha?" tigagal kong sabi.
"Relax Sue, matutulog lang tayo" nakatawa pa niyang sabi.
The nerve! akala nya yata kung bakit ganun ang reaction ko.
"Ewan ko sa'yo" at iniwan ko na siya para mag-shower.
"Don't take it too long My Sue, baka mainip ako" pahabol pa niyang sabi. Bago ako tuluyang nakapasok ng shower room.
"My Sue" paulit-ulit na bumabalik sa isip ko while taking my shower. At lihim na kinikilig ang puso ko. Yung kilig na only Xian can give