"Paano kapag hindi pala ako capable na maging mother"? nakuha kong itanong kay Xian. Magkayakap kaming nakahiga sa kama at nagkukwentuhan.
"Hahanap ako nang iba" all smile pang sagot niya, alam kong biro lang yun pero natakot pa din ako.
Paano kung iwan niya ako dahil hindi ko siya mabigyan nang anak? We've been trying to have a baby pero hindi pa yata panahon.
"Seryoso"? bigla kong naitanong sa kanya.
"Don't worry too much Sue, in god's time I know bibigyan nya tayo nang little Me and litte You" very positive namang sabi ni Xian.
"What if nga hindi"? Ewan ko ba kung bakit sumagi sa isip ko ang bagay na yun. Siguro natatakot lang akong magaya sa ilan kong kakilala na iniwan nang mga asawa dahil hindi nila mabigyan nang anak ang mga husband nila. And they tend to look for someone na makapagbibigay sa kanila nang anak.
"It won't happen, pero sa ikapapanatag nang loob mo. I won't leave you for that reason. Iiwan lang kita if you say so" bigay assurance ni Xian sa akin, at naniniwala ako sa sinabi niya. I know hindi siya gagawa nang bagay na ikasisira naming dalawa.
We manage to have a simple life.
Me, being the queen of our household
And him being the provider.
Pinagresigned na nya kasi ako sa trabaho two months ago. Kaya naman daw nya akong buhayin. Ayaw kong isipin nya na hindi ko siya sinusunod, kaya kahit ayaw kong iwan ang trabaho ko sinunod ko siya.
I don't know kung mali ako, pero malaking factor siguro ang mga bitter naming katrabaho kaya niya ginustong magresigned ako. Ayaw kasi nila akong tigilan. Kasal lang daw pala kami sa huwes kaya huwag daw akong magyabang na ako ang asawa ni Xian. As if naman niyayabangan ko sila. Kaya para wala nang gulo nagresigned na lang ako.
"I won't leave you Sue, for that I can promise na andito lang ako" narinig ko pang sabi ni Xian sa inaantok kong diwa. Naramdaman ko pa nang banayad niya akong hinalikan sa noo.
Tama ang mga bitter na nurse sa ospital. I'm lucky to have him in my life. Kaya, hind ko din sila masisi kung bakit they trying to take him away from me. Gusto. nilang maki-share sa swerte ko.
Pero malas na lang sila, madamot ako and I don't share what's mine.
"I'm sorry pero I don't think pupunta ako sa party ni Joel" diretsahan kong sabi kay Kelly. Kanina pa nya ako kinukulit na magpunta sa party pero ilang beses ko na ding sinabi na hindi ako pupunta.
"Takot ka lang yata sa asawa mo " tila nang-iinis niya pang sabi.
"I have nothing to explain, kung takot man ako sa asawa ko! wala ka nang pakialam" I don't want to become rude kaya lang napipikon na din ako.
"You're so snob! tila naiinis nang sabi ni Kelly
"Hindi naman, depende lang sa kausap"
"Hindi mo ba talaga ako type"? lantaran na niyang pagtatanong. Bahagya pa ngang idinikit ang katawan sa akin.
"I'm sorry, pero hindi ako taksil sa asawa ko"nasabi ko na pa bago ko siya iniwan.
"I'm gonna get you mine" narinig ko pang sabi ni Kelly. Madami nang kagaya ni Kelly akong nakilala pero bilib ako sa lakas ng fighting spirit niya. Hindi naman sa natatakot ako, kaya lang baka kung anong maisipan niyang gawin para sirain kami ni Sue.
If there's one thing na ayaw ko nang manyari yun eh ang saktan uli si Sue.
I don't want to give her a wrong notion na ipagpapalit ko siya sa iba dahil lang sa hindi niya ako mabigyan nang anak. I would love to have a child pero willing din akong mag-ampon kung sakali. Wala naman sigurong masamang maging ama at ina kami kahit na hindi sa amin nanggaling. Kino-consider na namin ang mag-ampon.