Nagising ako sa mabining halik na iyon sa aking buhok. Nakatulog na pala ako sa paghihintay kay Xian. Inaantok pang nagmulat ako nang mata, and I saw Xian standing in front of me, halata sa hitsura niya ang sobrang pagod.
"Tired"? nakuha kong itanong
"Very tired, kaya baka hindi kita masingil mamaya" all smile pa niyang sabi.
"Wala akong utang sa'yo" naka-ismid ko pang sabi. After all his fault, siya pa tong ganang manumbat.
"Don't worry ipapa-alala ko sa'yo" tila nang-iinis niya pang sabi.
"Hoy Mr. Lim, bago ka maningil sa akin! You still owe me an explanation"
"Pwede naman nating pagsabayin ang singilan at tapatan kung gusto mo" pilyo pa niyang sabi tsaka ikinindat ang kanang mata. Feeling ko namula ang pisngi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"You're blushing"napalakas pang sabi ni Xian,
"Hoy hindi ah"
"Let's go home" at kinuha niya pa ang bag ko mula sa aking kamay tsaka isinakbit sa kanyang balikat. Sabi nila, that's one of the simplest gesture na magagawa nang lalaki para sa isang sa babae. Less effort, no money involve but sweet. And looking at him, habang nakasakbit ang bag ko, parang gusto kong matawa.
Sa height niya kasing 6 foot 2 inches alangan ang size nang bag ko.
"Why are you smiling"? nahalata niya sigurong nakangiti ako.
"Wala lang" at nagsimula na akong humakbang palabas nang laboratory room. I'm ready to open the door knob nang biglang magsalita si Marjorie ang pang morning shift na medtech. Kanina pa siguro siya nagtataka sa mga ikinikilos namin ni Xian. Ewan ko ba, hindi naman namin obligasyong mag-explain kung ano ang meron kami pero dahil nga sa sikat siya sa hospital. We need to answer all their question.
"Mag jowa na kayo"? tanong ni Marjorie. Nagkatinginan na lang kami ni Xian pero wala sa amin ang sumagot. Kaya inulit ni Marjorie ang tanong, this time mas malakas ang boses niya. Nakita ko din ang pagkunot nang noo niya.
"Mag-asawa kami, so we please excuse us sobrang pagod na kami" si Xian na ang sumagot at nagbukas nang pinto.
"Huwag sana akong awayin nang mga admirers mo" natatawa kong sabi, habang naglalakad kami sa pasilyo nang hospital.
"Bakit naman nila gagawin yun"?
"Because they want you, everybody was expecting na mapapansin mo"
"Sorry na lang sila, I'm taken" natatawa pa niyang sabi.
"Kung alam lang nila kung gaano kahirap maging asawa ang isang Alexander Xian Lim" biglang lumabas sa mga labi ko.
"You think so"? bigla naging seryoso si Xian. Bahagya pa siyang tumigil sa paglakad.
"Sila kaya ang hindi uwian nang limang taon"
"Mas mahirap kayang malayo sa'yo" iyon lang ang naging sagot niya. And then he held my hand, yung hawak na parang hindi na siya bibitaw.Again naramdaman ko yung pakiramdam nang may kakampi. Yung feeling na kapag kasama ko siya hindi na ako mag-iisa ulit.
Sa bawat pagpisil niya sa kamay ko gives me an assurance na this time hindi na niya ako iiwan. Funny, because it's only take 12 hours para mawala ang lahat nang tampo na halos limang taon kong dinala sa puso ko. Bigla parang napalis lahat nang sakit na dulot nang kahapon ngayong kasama ko na siya.
Hindi pa man siya nagpapaliwang on what happened, napatawad ko na siya.
I just loved this man so much, kaya siguro hindi naging mahirap sa puso ko ang patawarin siya.