"Kim, gising na!" narinig kong sigaw ni Mama. Pero hindi ako sumasagot. Inaantok pa ako at tinatamad akong pumasok. Ngayon naka-schedule ang lunch date ko kasama sila Gertrude at Xian. Ipapakilala daw ako sa ka-varsity niya at pinsan naman ni Gertrude.
They call him Alexis Lacsamana
Naririnig ko ang pangalan niya sa campus. Pero hindi ako interesado.
I never had a glance at him ever.
Kaya wala akong idea what he looks like
Ilang araw din akong kinukulit ni Xian about meeting Alexis, pero lagi akong tumatanggi.
Until one day na-corner niya ako.
" Bakit ba ayaw mo?" natatandaan kong tanong niya noon. Saglit akong hindi nakasagot. Ano nga bang isasagot ko?
"Wala lng" nakuha kong isagot noon,
'Pwede bang wala'? give me a reasonable reason kung bakit ayaw mo'?
"Ha?'Bigla wala akong maisagot.
" So payag ka na ha? I will tell Gertrude na payag ka na.
"Sige na nga" pagpayag ko na din. Wala naman kasi akong choice.
Hindi ko naman masabi na hindi ako interesado dahil siya ang gusto ko.
"Kim, gising na"nakapasok na pala si Mama nang hindi ko napapansin. Nakatalukbong kasi ako ng kumot, at abala ang isip ko sa kakaisip nang pwedeng alibi para hindi ako matuloy sa lunch date.
But I guess there's no turning back. Kailangan kong panindigan ang pagpayag ko.
"Give me ten more minutes Mama, babangon na ako" nasabi ko na lang, para hindi na siya mangulit. Pero hindi ko siya sinilip man lang.
My mind is too busy para i-entertain ang pangungulit ni Mama.
Too many questions is sinking in my head
How can I handle my feelings dealing with them?
How would I ignore the pain?
How can I pretend na okey sa akin ang lahat.?
Kaya ko nga bang makita na sweet sila?
Haays I'm thinking too much.
Kaya nagulat pa ako nang may humihila sa kumot ko, Si Mama talaga, sinabi ko nang ten minutes pa eh.
"Susunod na ako sa labas Ma" nasabi ko pa. Pero nakapagtatakang hindi na siya nagsalita. Panay lang ang hila sa kumot ko.
"Bumangon ka na jan uy" narinig kong sabi nang pamilyar na boses na iyon. Anong ginagawa niya sa kuwarto ko? Bigla akong naalarma, bakit nakapasok si Xian sa loob nang kuwarto ko?
"Anong ginagawa mo dito? Pupungas pungas ko pang sabi. Ni hindi ako makatingin sa kanya dahil baka mamaya may morning glory pa ako sa mata.
Ni hindi pa ako nakakapag mumog man lang, kaya hindi ko siya kayang harapin
Hindi pa ako nakapagsusuklay
Bigla tuloy akong na-concious
"Sabi ni ninang, ayaw mo daw bumangon eh kaya ako na ang pumunta dito"
"Invasion of privacy ka ah, di ka man lang kumatok", sita ko pa sa kanya.
In case kasi na nakakalimutan mo, ngayon yung scheduled lunch mo with us"
"Paano ko makakalimutan, araw-araw mo akong nire-remind." sarcastic kong sabi. Gusto kong iparamdam na ayaw ko talaga sa date na gusto niya.
"Hindi ka magsisisi kapag nakilala mo si Alexis"