"Why in a hurry"? natatawang tanong ni Mama.
"Baka online na si Xian Ma, kapag dakay sabi ko pa. Magka-usap kami ni Xian sa skype kanina. At usapan namin na mag-uusap kami after kong mag-enroll. After one month na umalis siya, consistent pa rin kaming nagkaka-usap. I guess we both make an effort para kahit paano magtugma yung schedule namin. Kahit madalas, antok pa siya kapag kausap ko.
Kakatapos ko lang mag-sign in nang biglang makita ang invitation ni Xian sa skype.
Online sya!! Bigla na-excite ako.
I know na effort yun for him.
"Antok na ko Sue" narinig kong sabi nya. Nakita ko pa nga sa monitor nang laptop ko nang maghikab siya.
"Sige okey lang" kahit gusto ko pa siyang ka-usap.
If there's a problem sa sitwasyon namin ngayon, yun eh yung time difference. But we always make it a point na nagkaka-usap pa din kami kahit paano.
Masaya na akong nakikita siya.
Naririnig ang boses nya.
Kahit sa skype lang
Although sometimes, namimissed ko siya.
Iba pa rin kasi yung pakiramdam na andito lang siya sa tabi ko.
"No, I'm staying! Sabihin ko na lang sa'yo kapag hindi ko na talaga kaya"
"Ikaw ang bahala" bigla nabuhayan ang puso ko. Mas makaka-usap ko pa siya nang matagal.
"Bakit parang pumapayat ka Sue"? Narinig kong tanong niya.
"Nagkasakit ako last week di ba? Hindi pa ako nakakabawi nang lakas"
"Take care of your self Sue, para hindi ako nag-aalala"
"I'm okey", nagdiriwang ang puso ko dahil sa huli niyang sinabi.
Last week nung may sakit ako. Ilang phonecards ang naubos niya dahil sa kakatawag sa akin. Oras-oras yata siyang tumatawag para kamustahin ako. To checked kung umiinom ako nang gamot. Kung hindi ko lang iniisip na may girlfriend siya at kaibigan lang ang turing niya sa akin. Iisipin kong our feelings are mutual.Pero sa tuwing maiisip ko yun, ako na din ang sumasaway sa sarili ko.
Ayaw ko kasing umasa at masaktan sa huli.
Okey na sa akin na ganito kami.
"Kumain ka kasi nang ayos, baka mamaya nyan puro chips lang ang kinakain mo" sermon pa nya, nakita ko pang nanunulis ang nguso niya sa sobrang inis. Tulad nang dati, pinapagalitan nya ako kapag nakikita niya akong chitsirya ang kinakain. Just like now
"Hindi naman, pero hindi mo maaalis sa akin ang pagkain nito" sabi ko pa habang inaangat ang palstic ng tortillos.
"See? Paano ka pa kakain ng dinner nyan?
"Wow! Namiss ko yang sermon mo! natatawa ko pang sabi
"Yung sermon ko lang"? tila naglalambing pa niyang tanong.
"Ano pa ba dapat"? alam ko naman kung ano yung gusto nyang sabihin ko. Pero pinili kong balewalain na lang.
"Hindi mo ba ako namimissed?tila nanunudyo pa niya tanong.
"Paano kita mamimiss eh araw-araw naman kitang nakikita at nakaka-usap!! " nakatawa ko pang sabi. Kung alam lang ni Xian.
I missed everything about him.
I missed being with him.
"I missed being with you Sue" narinig ko pang sabi niya. Hindi ko alam kung mali ako, pero nakita kong bigla siyang nalungkot.