"Ouch" napalakas kong sabi nang matalamsikan ako nang kumukulong mantika.
"Okey ka lang"? worried na tanong ni Xian. Nakalapit siya agad at nahawakan ang napaso kong kamay.
"Medyo mahapdi lang" nasabi ko na lang. Ramdam ko ang mabining ihip niya sa kamay ko. As if mawawala niyon ang hapding nararamdaman nang aking kamay.
"Hindi kasi nag-iingat" kunot ang noo pang sabi ni Xian. habang sinisipat ang mapula kong kamay.
"Malay ko ba, eh first time kung nagprinto nang porkchop"
"Sabi ko naman kasi ako na yung magluluto" sabi pa niya, in between ang pag-ihip sa kamay ko.
"Malayo naman to sa bituka"
"Kahit na Sue, ayaw kong nasasaktan ka. Umupo ka na dito at ako na yung magtutuloy sa niluluto mo"
Wala na akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi niya.
Watching him, mas lalo akong nanghihinayang sa mga panahon na magka-away kami. Sa piling niya, nakatagpo ako nang asawa at kaibigan.
Each day, pinatutunayan niya sa akin na hindi ako nagkamali nang pakasalan ko siya.
"Siguro nagsisisi ka na na pinakasalan mo ko noh?" wala sa loob kong tanong.
"Why should I"? kunot ang noo niyang tanong, habang patuloy sa pagpi-prito.
"Kasi, palpak palagi ang luto ko" napapahiya kong sabi.
"Okey lang, nasasanay na nga yata akong kumain nang sunog na sinaing"
"Kita mo na"?
"Sanay na din ang dila ko sa walang lasang ulam, sunog na prito" tila nanunudyo pa nyang sabi
"Pwede naman tayong mag-order na lang kung gusto mo"
"Pero hindi sapat na dahilan lahat nang iyon para pagsisihan kong pinakasalan kita" bigla naging seryoso siya, Hanggang sa naramdaman kong hawak na niya uli ako sa kamay.
"Talaga"?
"Hindi ako nag-asawa para magkaroon nang katulong, pinakasalan kita kasi gusto nito" sabi pa niya sabay turo sa tapat nang sarili niyang dibdib.
Ewan ko kung mali ako, pero ilang araw na siyang ganito. Sa mga sinasabi niya, gusto kong isipin na mahal na niya ako. Pero ayaw ko pa ding paasahin ang sarili ko. Baka kasi mas masaktan ako
"Maghahain na ako" iwas ko na lang. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Naiilang na din ako sa intense nang mga titig niya.
One week pa lang kaming husband and wife, pero pakiramdam ko mas kilala ko na siya
He's sweet
He's lovable
And dependable
Mas nagsisisi na tuloy akong inubos ko ang half of my life na galit ako sa kanya.
"Stay put ka lang jan Sue, ako na ang bahala" at nagsimula na siya sa paghahain.
"I'm okey now" protesta ko naman
"Pagod ka sa school"
"Pagod ka din sa trabaho mo sa hardware"
"Ayoko na nang argue, sit down and relax okey! at itinaas pa niya ang mukha ko sa pamamagitan nang pag-angat sa baba ko.
"Ikaw na nga ang bahala"
If there's one thing na hindi naalis sa aming dalawa, yun ang arguing about things.
He likes to watch basketball, pero teleserye sa primetime bida ang gusto ko
He likes to buy stuff sa Supermarket, mas gusto ko sa palengke
![](https://img.wattpad.com/cover/3540550-288-k850267.jpg)