Chapter 6 Friends Finally

4.7K 63 13
                                    

Nakapagtatakang wala pa si Sue, kanina pa sana siya nakapasok pero minutes na akong naghihintay pero wala pa din siya.

Hindi ko din siya napansin sa kabilang  bahay kanina.

Knowing her, hindi siya basta aabsent kung walang dahilan.

Okey na kaya siya?

Kahapon kasi nang lumipat ako nang bahay okey na siya. Wala na siyang lagnat

Pero bakit hindi siya pumasok?

Gusto ko sanang tawagan si Ninang Lea kaya lang naisip kong baka magtaka siya.

Baka magulat siya na bigla akong naging  concern kay Sue.

Dapat pala sumimple na ako sa kabilang bahay kanina.

Sana nagdahilan ako, para nakalipat ako sa kanila

Nang mula sa gate, nakita kong papasok yung girl na palagi niyang kasama.

Wala naman sigurong masama kung magtanong ako.

Pero sa huli pinili kong huwag na lang

Hindi ko din naman alam kung paanong approach ang gagawin ko.

Ayaw kong mahalata niyang interesado ako kay Sue, hindi pa ako handa. Bahagya pa akong nagtago sa malaking puno nang Acacia nang tumigil siya sa tapat nang malaking punong pinagtataguan ko.

Dinig ko pa ang malakas na tunog nang cellphone niya nang mag-ring ito.

"How is she tita"? Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, pero bigla akong kinabahan. Bigla akong natigil sa gagawin ko sanang paghakbang.

"Yes, tita Lea, ako na po ang bahalang magsabi sa mga professor namin na nasa ospital siya. And pls tita send my regards to Kim" mahabang sabi pa niya habang kausap ang nasa kabilang linya. Pero isa lang ang rumihistro sa isip ko.

She's in the hospital!

Ewan ko ba, pakiramdam ko may kailangan akong gawin.

Feeling ko kasi simula nung magkasakit siya responsible ako sa mga nangyari.

Iniisip kong ako ang dahilan kung bakit siya biglang nagkasakit.

Ako ang dahilan kung bakit hindi agad siya naka-uwi noon at nabasa nang ulan.

I wanted to show my concern pero bakit parang ang hirap?

Ganito pala yung pakiramdam na gusto mong may gawin ka para sa isang tao pero natatakot kang ma-reject.

Yung feeling na gusto mong iparamdam sa kanya how important she is, pero wala kang magawa.

Gusto ko siyang puntahan,

Gustong ko siyang alagaan

Pero hindi pwede

Wala nga siguro akong halaga para sa kanya,

Two days na ako dito sa hospital pero never siyang bumisita man lang.

Palaging sila Tito Benjie at Tita Susan lang, busy daw kasi sa basketball practice si Xian kaya hindi nakakasama.

Kunsabagay! Ano nga ba ang dapat kong asahan?

Kahit kelan naman, balewala ako sa kanya.

Never ko namang naramdaman na pinahalagahan niya ako.

Mali na umasa akong may chance pa na maging FRIENDS kami.

Napilitan nga lang pala siyang samahan ako.

Inutusan nga lang pala siya para alagaan ako.

Kaya wala akong karapatang umasa at masaktan.

Sa umpisa pa lang naman alam ko nang para sa kanya isa akong KAAWAY

You Are The One (KimXi Teen Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon