Chapter 19
"Sigurado ba kayo sa kantang napili nyo"? hawak ko sa kamay ko ang lyrics nang kanta na matiyagang isinulat ni Nano. Habang nasa kotse, paulit ulit na pinatugtog ni Andoy sa cellphone niya ang nasabing kanta, para malaman ko ang tono nito.
"Aba'y oo naman po Sir"! si Amang Poldo naman ang sumagot. As if naman sa panahon niya nauso ang kanta.
"Huwag sana tayong mabato nang mga kapitbahay namin" tila nauutal ko pang sabi. Ngayon ko nararamdaman ang pagkalasing.
"Okey lang yan Sir, minsan nyo lang din pong haharanahin si Misis" sabi pa ni Andoy na siyang may hawak nang gitara.
"Simulan mo na ang paggitara nang makakanta na si Sir" sabi uli ni Amang Poldo.
"Ehem!ehem" sabi ko naman na tila nag-aalis nang bara sa aking lalalamunan.
"Sige na Sir, pasok"! sabi pa ni Andoy na tila hudyat na pwede ko nang simulan ang pagkanta. Never in my entire 18 years of existence na na-imagine ko na manghaharana ako nang isang babae. Pero sabi nga nila, lahat nang bagay kaya mong gawin para sa taong mahal mo.Kahit na magmukha ka pang katawa-tawa.
For the love of Sue kaya kong gawin lahat.
"Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin
"Tulog na tulog yata ang Misis nyo Sir Ah" narinig kong sabi ni Amang Poldo. Kaya pansamantala akong napatigil sa pagkanta. Nagsisimula na ding mag-ingay ang mga aso nang kapitbahay.
"Itigil na kaya natin" suggestion ko pa.
"Andito na tayo Sir, ituloy na natin" pagbibigay lakas loob pang sabi ni Nano.
"Hindi niya yata tayo naririnig eh"
"Sumusuko ka na agad"? tanong ni Mama na hindi ko napansin na nasa harap ko na sila.
No! it's just that nahihiya na ako sa mga kapitbahay"
"Go ahead, sagot ka namin ni Mama Susan mo sa home owner assosiation" pagpapalakas loob pang sabi ni Mama.
"Pero parang deadma lang siya eh" nasabi ko pa.
"Sabi mo mahal mo siya"? tila tsina challenge naman akong sabi ni Amang Poldo.
"Oo nga po!"
"Hindi ba sabi ko sa'yo kapag mahal mo, patunayan mo! unless sumusuko ka na nga.
"Hindi ah! sige ulitin natin sa umpisa. Nang magbaling ako nang tingin, nagtatawa sila Mama, hindi ko alam kung masaya sila sa ginagawa ko o talagang wala lang ako sa tono.
"Ang corny ko ba Ma"? baling kong tanong kay Mama.
"Lahat naman nang inlove corny" halos magkasabay pang sabi nang dalawa.
"Do you think this will work"? pangungulit ko pang tanong kila Mama.
"There's no harm on trying" nakangiti pang sabi ni Mama Andrea.
Sana lang ma-appreciate nya" nasabi ko na lang. Kung wa epek pa rin kay Sue, ang harana. Hindi ko na alam ang pwede ko pang gawin pa para sa kanya.
Kung bakit kasi hindi niya maramdaman ang mga effort ko.
Mukhang I need to say what I really feel towards her, yun ang second option ko. Ayon na din sa advice ni Amang Poldo, baka daw kapag ready na ako, tsaka naman mawalan ako nang pagkakataon.