"Marry me" Nakakagulat na tanong ni Xian, kasalukuyan kaming nasa Lanai nang bahay namin. Five days after na mailibing ni Papa at Tito Benjie
"Alam mo ba yang sinasabi mo"?
"Niyayaya kitang pakasalan ako"!
"Are you insane"?gulat ko pa ding tanong
"I'm serious!
"What make you believe na papayag ako sa kasal na sinasabi mo"
"Dahil alam ko na importante sa'yo ang kasunduan na gusto nila Papa para sa atin.
"Marriage is a life time commitment Xian"
"I know! and I'm willing to spent that life time with you"
" I won't marry you" Alanganin kong sagot. Parang may bikig sa lalamunan kong tanggihan siya pero iyon ang dapat.
I'm giving you some time to think"
"My answer is No!"
I wanted to say Yes, pero alam kong magiging unfair para sa aming dalawa kung magpapakasal kami dahil lang sa naging kasunduan nang aming mga ama.
Sapat na bang mahal ko siya para pumayag sa kasal na inaalok niya? Gayong alam na alam ko naman ang dahilan kung bakit gusto nya akong pakasalan
"Matagal ko ding pinag-isipan ang bagay na ito Sue, alam kong hindi madali pero sana i-consider mo yung fact na ito ang gusto nila Papa para sa atin"
"At hindi din nila gugustuhin na magkasakitan tayo sa huli" depensa ko naman.
"Bakit naman tayo hahantong sa bagay na iyon, nasa atin pa ding dalawa ang ikaaayos nang lahat"
"What do you expect na mangyayari kapag nagpakasal ang dalawang tao out of love"?
"Malay naman natin na magbloom yung mga feelings natin para sa isa't isa"
"Pero paano kung hindi"?
"Well, I guess kapag wala talaga atleast sinubukan natin. Wala tayong regrets.
Walang sana at dapat na pag-uusapan pagdating nang panahon"
"I'm sorry, but my answer is still No! iyon ang huli kong sinabi bago ko siya iniwan sa Lanai. dahil hindi ko pa gagawin yun. Tatanggapin ko na ang kasal na inaalok niya. Hindi dahil mahal ko siya, kundi sobra kong pinahahalahagan ang kasunduan nila Papa at Tito Benjie. At inirerespeto ko ang kagustuhan ni Papa na magpakasal ako sa lalaking gusto niya para sa akin. Bonus na lang siguro na siya talaga yung gusto kong mapangasawa.
"I asked Sue to marry me"! amin ko kay Mama.
"Anong sabi niya sa'yo?
"She said no, pero gagawin ko ang lahat nang paraan para mapapayag siya"
"Why are you doing this Xian"? kapag dakay tanong ni Mama.
"The last time and Papa talked, ilang beses niyang sinabi sa akin na pakasalan ko na si Sue, baka daw maagaw pa nang iba" amin ko kay Mama.
"Iyon lang ba ang dahilan"?
"Naisip ko din na magiging madali sa amin ni Sue na patakbuin ang negosyo nila Papa kung mag-asawa na kami"
"Pero hindi niyo obligasyong tupadin ang kasunduan na iyon dahil lang sa fact na ipinagkasundo kayo nang mga Papa niniyo, ni walang written agreement about that"
"Ayaw mo ba Mama"? bakit may pakiramdam ako na ayaw ni Mama ang desisyong pakasalan ko si Sue.
"Of course not! kaya lang madaming bagay na dapat i-consider. Una na yung feelings nyo para sa isa't isa.Hindi kasing tibay nang sa mga Papa nyo ang foundation nang friendship nyo ni Kim, ayaw ko lang na humantong sa hindi maganda ang lahat. Baka pati kami nang ninang mo magkagulo dahil dyan sa binabalak mo" mahabang sabi ni Mama. Sigurado akong concern lang siya sa maaring kahihinatnan nang lahat.