CHAPTER 8:

814 31 7
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO THEM: jkm1119,   DarlingAnimaxanime  RhosyleenMujar   dafoundingtitan  NikkiMiguela

THANK YOU FOR READING AND VOTING!! ALSO DEDICATED RIN TO SA MGA SILENT READERS KO DYAN, THANK YOU SO MUCH EVERYONE!😚


CHAPTER 8:

'Place'

"Third person pov"

Habang gulong gulo pa rin si Celosianna sa kanyang narinig ay balisang balisa naman si manang sa loob ng Mansion.

She's walking back and fourth while murmuring to herself. "A-ayos lang siya, ligtas lang siya..."paulit-ulit na saad niya habang namamawis ang kanyang mga kamay.

Pagkatapos ng pagpapatakas niya kay Sianna, ay hindi na siya mapakali at paulit-ulit na nanalangin sa kaligtasan ng dalaga.Napamahal na rin kase ito sa kanya at tinuring na niya na parang tunay niyang anak. Kaya hindi maatim ng puso siya na makitang paulit-ulit na lang nahihirapan ang dalaga. Tama na ang pagbubulag-bulagan niya noon, Tama na ang tinamong sakit at pasa nito. Hindi na siya papayag pang muling masaktan ito.

Kung tutuusin nga lang ay noon pa niya ito dapat tinulungan pero wala siyang nagawa, dahil natatakot rin siya na mawalan ng trabaho, at masira ang buhay ng kanyang apo. Ulila na kase ito  nang mamatay ang kanyang mga magulang sa aksidente nung sanggol pa lamang siya. Kaya simula noon siya na ang nag-alaga sa bata, iniiwan na lamang niya ito sa kapitbahay kapag siya'y nagtatrabaho, para kahit papaano ay may mag-aalaga dito.

Pero ngayon, nanganganib na ang kanyang trabaho, ngunit wala siyang nararamdaman na pangamba dahil sapat na ang perang naipon niya para makapagtapos ng pagaaral hanggang kolehiyo ang kanyang apo.

Mabibigat siyang bumuntong hininga habang may lumalandas na luha sa kanyang mga mata.

Hindi man niya alam ang magiging kaparusahan sa ginawa niya pero, nasisiguro niyang hindi siya papatayin ni Levi.

Dahil nasilayan niya ang paglaki ng binata. Hindi siya ganito noon, malambing, mabait, masipag at palangiti ito. Kaya hindi niya rin masisisi ang mga babaeng nahuhumaling sa kanyang alaga, maraming babae ang nagkakandarapa rito, mga nakikiusap ng pagkakataon upang makipagdate ito sa kanila ngunit tumatanggi ang binata.

Napapailing na lamang siya kapang naalala niya ang mga bagay na iyon. Pero hindi niya akalain na sa isang iglap ay maglalaho ang dating binata na inalagaan niya.

Nawala ang binatang palangiti, palatawa at malambing. Napalitan ito nang hindi palakibong si Levi, mapaglaro at madalas uminit ang ulo. Araw-araw itong may inuuwing babae sa kaniyang Mansion at lagi rin itong lasing.

Hindi niya alam ang nangyare pero may ideya siya kung bakit nagkaganon ang kanyang alaga.

Yon ay nang pumanaw ang—

Napatigil siya sa pagiisip nang may marinig siyang mga kaluskos.

Marahas siyang napasinghap at napasapo sa kanyang bibig bago tuluyang tumayo.

Nanghihina ang kanyang mga tuhod at nanginginig ang kanyang mga kamay kaya kumuha siya nang supporta sa sofa. Before facing the man.

"Manang, nasaan po si Mrs. Del Vuega?"

                             ༄𑁍༄

"Celosianna Pov."

"She commited a huge sin! She did a very unforgivable sin for him!"Kai shouted.

I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)Where stories live. Discover now