Medj sabaw:( edit ko na lang bukas antok na ako HAHAHA.
Dedicated to PrincessoceanAuxtero
CHAPTER 35: Papa...
I been lost for how many times, i've been battling againts myself if i deserve everything happening to me. But then again, i found myself walking to my home, yung tahanan na laging nandito noong mga panahong sukong-suko na ako. Ito ang paulit-ulit tumanggap sa akin kahit ilang beses akong nagkamali.
Dati, ako ang umuuwi ditong umiiyak. Nagsusumbong kay mom, but the tables has been turned. A child's whimper welcomed us inside the mansion. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa box habang naririnig ang iyak nang sarili kong anak. Tila napupunit ang puso ko...
I held my mouth to suppress my sobs. Ang sakit-sakit marinig ang iyak nang sarili mong anak.
"Mamila, w-where's mama? I-i thought she's going home before dawn...b-but where is she?" Umiiyak na tanong ni Cloud. Kapansin-pansin mo ang namamaga nitong mga mata dahil sa pag-iyak nang walang tigil.
Parang pinipiga akong puso ko nang sinubukan kong sumilip. I saw Cloud crying while holding his moon teddy bear na ako mismo ang nagregalo sa kaniya.
Yun yung teddy bear na lagi kong yakap-yakap noong mga panahon na sobrang depressed ko sa pagkawala ni Luna.
Hirap na hirap ako noon, para akong tinatakasan nang bait. Lagi akong tulala, walang ganang kumain at umiiyak habang paulit-ulit na tinatawag si Luna. Begging her to come back and hug me at sabihin niya sa aking mama, “It's just a nightmare. Wake up mama, i'm still alive.”but then again, the pain made me realize that she's already gone. Wala na pala si Luna...m-malabo na pala siyang bumalik...
Thank God he gave me Cloud, tinulungan niya akong gumaling. Tinulungan niya akong maka move forward kahit papaano. He gave me a reason to live.
Kaya hindi ko maatim na makita ang taong rason kung bakit ako lumalaban ay nasasaktan nang dahil sa akin.
Umiiling na pinahiran ni Mommy ang luha ni Cloud. "She's going home too, maybe your mama is still looking for the best soldier uniform for you..."
Mas pumalahaw siya nang iyak."N-no! I don't want a soldier uniform anymore! I only want mama! I want my mama back! I-i want to hug her...i-i want her..."
"Shhh, she'll come home soon okay?"
Paulit-ulit na umiling si Cloud. Habang luhaan ang kaniyang mukha.
"Maybe, mama d-doesn't love me anymore...s-she doesn't want to see me anymore because i'm too makulit!" Sigaw niya bago padabog na tumayo at nagtatakbo papunta sa kaniyang k'warto.
Umawang ang labi ko habang hindi makapaniwala sa aking narinig. Ganun na ba talaga ako katagal na nawala para isipin niyang hindi ko siya mahal? Kahit kailan ay hindi ko naisip na sasabihin iyon ni Cloud. He knows how much i love him...
B-baka nagtatampo lang siya...
Dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan ko at nagpahid nang luha. Malungkot na binalingan ako nang tingin ni Mama.
Tinakbo niya ang distansya namin at niyakap ako nang mahigpit. Muli kumala ang mahihinang hikbi sa aking bibig...
"M-mom, ang sakit...a-ang sakit-sakit pa lang marinig kay Cloud ang mga salitang yun, p-para akong tinutusok ng libo-libong karayom sa puso ko..."
She kissed my forehead then start caressing my hair."Stop crying okay? He didn't mean it...masyado ka lang namimiss nang bata. Ilang araw siyang walang tigil sa pagiyak. Tulog lang ang pahinga niya... He doesn't want to eat properly too...Miss na miss ka na nang anak mo, Celosianna..."

YOU ARE READING
I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)
General FictionIsa ka din ba na pag nagmahal ay ibubuhos mo ang lahat? Isusuko ang bataan, aalagaan at pagsisilbihan kahit magpakatanga at martyr ka para lang sa isang tao ay ayos lang? As long as your with him... Because that's Celosianna Zivuera Del Vuega's mott...