This chapter is dedicated to you@Ryan G. salamat sa support mars! Lovelots❤
CHAPTER 14:
'Lies'
Dumistansya sa 'kin si Kiara habang nakangisi bago umupo uli sa lounge katabi ni Hideo. Kumuha siya nang pinya at kinagat ito habang nakasulyap pa rin sa akin.
Bahagya akong napa-atras. Hindi inaasahan ang bawat salitang lumabas sa kanilang mga bibig.
I blink many times as i gasped harshly, i'm lookin' at them with disbelief.
Tila tinakasan nang lakas ang aking buong katawan at agad napasalampak sa lapag.
Naguunahang tumayo si Xen at Hideo upang puntahan ako at alalayan sa pagtayo. Ngunit bago pa sila makalapit ay itinaas ko na ang aking kamay, senyales na pinapatigil ko sila sa paglapit.
"Huwag, d'yan lang kayo, w-wag kayong lalapit..." Nanghihinang usal ko habang nanginginig ang aking kamay.
Mariing pumikit si Xen at bahagyang napamura. Paulit-ulit rin siyang bumubulong na 'lagot' siya. Frustrated niyang ginulo ang kanyang buhok.
While on the other hand, Hideo was about to say something but decided to closed his mouth again.
Nang hihina akong tumayo at kumapit sa lamesang malapit sa 'kin upang kumuha nang supporta. Nang-gagatal ang aking mga labi habang isa-isa silang tini-tingnan. Nanga-ngapa, nalilito, nag-tatanong ng mga kasagutan.
"P-paanong nangyare 'yon? H-hindi ko kayo maintindihan..."naguguluhan kong tanong.
Ngayon ko lang nga sila nakita tapos sasabihin nilang isa ako sa kanila? Tapos Mafia pa?!
Kalokohan! Hindi maari ang bagay na iyon! P'wera na lang kung...
Naputol ang aking pag-iisip nang magsalita si Xen.
Mabigat siyang bumuntong hininga at lumapit sa aking kina-lalagyan. Pilit kong pinigil na hindi umatras habang humahakbang siya papalapit sa 'kin.
Nagtipa siya nang kung ano sa kanyang telepono, bago ito ilapit sa aking harapan.
"Here, talk to him. He can answer your question."
Nagbaba ako nang tingin at tiningnan ang telepono niyang nagdidial ngayon.
Calling Kuya Petmalu...
Babagyang nagdikit ang aking kilay.
Kuya Petmalu?
Nagtataka akong nag-angat nang tingin kay Xen. He just shrugged his shoulders.
"What? Talagang malupet naman siya, malalaman mo rin kung sino, just wait for him to answer," he said at bahagyang ngumuso. "Sana nga sagutin niya..."
Naka tatlong ring pa bago ito sinagot nang tinatawagan niya. Xen pressed the loudspeaker button for us to hear everything.
Malamig at pamilyar na boses ang sumalubong sa amin.
"Make sure that this is important or i will freaking kill you."
Walang sinayang na segundo si Xen at agad nagsalita. Nagsisimula nang manginig ang kanyang kamay na hawak ang cellphone.
"O-ofcourse it is! Ano kuya ahm..." He trailed off. At sumulyap sa akin bago kumindat.Tumingin siya muli sa telepono. "Ang gwapo ko hehe..."
Mabigat na bumuntong hininga ang narinig namin sa kabilang linya. Tila nagtitimpi na makagawa nang masama.
"Shiro Xenzo Yi. Luestre." Nagbabantang sabi nito.
Nagsimula nang magpawis ang noo ni Xen pero hindi pa rin siya tumigil kaka-asar.
YOU ARE READING
I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)
Aktuelle LiteraturIsa ka din ba na pag nagmahal ay ibubuhos mo ang lahat? Isusuko ang bataan, aalagaan at pagsisilbihan kahit magpakatanga at martyr ka para lang sa isang tao ay ayos lang? As long as your with him... Because that's Celosianna Zivuera Del Vuega's mott...