CHAPTER 2:
'Your nothing'
Maingat kong pinunasan ang pawis ko habang patuloy pa ring hinahalo ang aking niluluto.
I'm wearing a Pastel dress with my apron on.
Mapait akong napangiti, para na akong isang madre sa sobrang haba ng aking suot, gustuhin ko mang umangal ay wala akong magawa, dahil sasaktan lang ako ni Levi.
Iisipan niya na kaya ko gustong magpalit ng damit ay dahil lalandi ako sa ibang lalaki, kahit ang totoo ay hindi naman.
Gusto kong magpaliwanag. Na hindi totoo ang sinasabi niya, na kahit kailan ay hindi ako nagpapakita ng motibo sa ibang lalaki dahil hindi naman ako ganon, hindi ako malanding tao.
P-pero, kahit ilang beses ko nang nasabi, wala pa rin nagbago. Ang nasa isip lang niya ang tangi niyang pinapaniwalaan.
Mabigat akong napabuntong hininga bago pinatay ang aking niluluto, inihanda ko na rin ang mga plato at kubyertos.
Muntikan ko pang mabitawan ang baso nang may isang kamay ang sumakop at marahas na yumapos sa aking bewang.
I gasped as i held my breath.
"How about your going to be my breakfast, hm?"Puno nang pangaakit niyang bulong sa akin.
Mariin akong napapikit habang pilit inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.
"A-ano, andun yung pagkain sa hapag,"kinakabahang usal ko. Lumunok pa ako nang ilang beses bago nagpatuloy, "K-kumain na tayo. "
Isang nakakabinging halakhak ang bumalot sa buong kusina, kasabay non ay ang pagtanggal niya ng kanyang braso sa aking bewang.
Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo na ito at nauna nang malakad patungo sa lamesa.
Kumakabog ang aking dibdib habang naglalakad papalapit sa kanya.
His now wearing an office attire, with his clean and brushed up hair, amoy na amoy ko rin ang kanyang panlalaking pabango habang walang emosyon siyang nakatingin sa akin, na para bang maingat niyang pinapanuod ang bawat galaw ko, at isang pagkakamali ko lang ay sasaktan na naman niya ako.
Nangingig kong inilapag sa harapan niya ang kubyertos pati na rin ang kanyang pagkain.
Pagkatapos ay pinaghila ko nang upuan ang aking sarili, magsisimula na sana akong kumain nang magsalita siya.
"Did i tell you to eat?"
Hindi makapaniwalang nag-angat ako nang tingin kay Levi, bago marahang umiling.
A playfull smrik curved on his lips. "Then, don't eat."
"P-pero gutom na ak-"
"Shut up! Or you want to shut you up?!"galit na sigaw niya bago malakas na sinuntok ang lamesa.
Impit akong napasigaw habang nanginginig na tinakpan ang aking bibig, dali-dali akong lumayo sa upuan at tumayo na lamang sa gilid ng lamesa.
Nanunubig na ang gilid ng aking mata, kaya dali-dali ko itong pinunasan bago pa niya makita.Ayaw na ayaw niyang nakikita na umiiyak dahil mas lalo lang siyang ginaganahan na saktan ako.
Matatalim ang kanyang tingin bago inihagis ang plato malapit sa akin.
Mariin akong napapikit habang mahigpit ang takip ko sa aking bibig para mapigilan ang pagsigaw ngunit nais ko itong tanggalin nang maramdaman ko ang ilang bubog na bumaon sa aking braso.
Ilan lang kaluskos at pagbagsak ng plato ang aking narinig bago magsalita si Levirouz.
"Clean your mess."malamig na sabi niya bago humakbang papalabas ng Mansion.
YOU ARE READING
I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)
Fiksi UmumIsa ka din ba na pag nagmahal ay ibubuhos mo ang lahat? Isusuko ang bataan, aalagaan at pagsisilbihan kahit magpakatanga at martyr ka para lang sa isang tao ay ayos lang? As long as your with him... Because that's Celosianna Zivuera Del Vuega's mott...