CHAPTER 31:

668 64 3
                                    

Dedicated to MerAnnTemblor and johna89

Alam kong late update ako(sorry na agad:* I forget that i don't have any load and stable wifi connection to update anytime as i want so yeah, naki HOTSPOT lng ako para makapag update. And yeah, i know some of you are confused why iba ang sinabi ko sa GC sa inupdate ko. Kasi po, biglang nagbago ang isip ko kaya pinalitan ko HAHAH(pati yung votes nagbago din:) mas intense na kase ang susunod na chapter. Mas ma eexcite kayo kasi may biglang babangon sa huka-opss ang makahula dedicated sa kaniya ang next chap). Pasensya na ganiyan talaga ako(pabago bago ang isip.)Anyways sana naman kahit late sulit pa rin para sa votes niyo ang 2,477 words?

CHAPTER 31: Close

Umiiyak na pinagsusuntok nito ang pintuang gawa sa nara. Paulit-ulit. Palakas nang palakas. "Why! Why! Why-fcking w-why?!" Nangagaliiti nitong sigaw.

Namumula ang buo nitong mukha habang patuloy na lumuluha ang matatalim nitong mata. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang paghihinagpis, ang bawat sakit ng kaniyang sigaw.

"K-kung hindi lang sana ako sumipot sa text ni Margoux edi sana buhay pa si Luna! K-kung hindi lang sana ako tinext ni Margoux at nagpanggap na ikaw, b-baka buhay pa ang anak ko...b-baka kasama ko pa siya ngayon!" Umiiyak na sigaw ko bago humakbang papunta sa direksiyon niya.

"Ngayon, diba eto ang gusto mong malaman? A-ang tungkol sa pagkamatay niya? Diba?!" Galit ko siyang tinulak. Bahagya siyang napaatras habang nakatungo't hindi makatingin sa akin. "P-pasensya na ha? Pasensya na ngayon ko lang nasabi sayo ang lahat ng ito kung sana..." hindi ako nawalan ng amnesia noon, hindi na ako naghirap pa sa puder mo. H-hindi sana ako pumayag na magpakasal sayo.

Naisantinig ko na lang sa aking isip ang kasunod. H-hindi ko kayang sabihin sa kaniya yon, para saan pa? May magbabago ba? Ang gusto lang naman niyang malaman ay kung pinatay ko ba si Margoux, at dahil karapatan din niyang malaman ang nangyare kay luna.

"Hindi ko siya pinatay, hindi ko pinatay si Margoux, naririnig mo ba ako Levi?! Hindi ko siya pinatay! P-pero siya! May binawi siyang buhay sa akin! Hindi ko siya pinatay pero namatay si Luna dahil sa kaniya! K-kung sana hinayaan na lang niya ako makaalis noon ay buhay pa sana si Luna...p-pero anong ginawa niya?! S-sinubukan niya pa kaming pataying dalawa! Hindi niya ako tinigilan levi! N-nagmakaawa ako! Pero hindi niya ako pinakinggan! H-hindi!"

Umiiyak kong pinaghahampas ang dibdib niya. Suntok, hampas, suntok, hampas. Paulit-ulit hanggang sa mahuli niya ang dalawa kong kamay.

"H-hindi ko siya pinatay...h-hindi ko kayang pumatay nang taong alam kong mahal mo... G-ganun kase kita kamahal noon, ganun ako katanga!"

Umiiyak na kinulong niya ako sa kaniyang bisig, niyakap nang mahigpit habang patuloy akong nagpupumiglas.

"Levi ano?! B-bitawan mo ako! Wag mo akong yakapin na para bang may pakielam ka sa akin!" Galit na sigaw ko habang patuloy na kumakawala sa yakap niya.

"S-sorry... Sorry Celosianna...I-i'm sorry..." Nanginginig na boses na saad niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. Hinagkan niya ang aking noo habang paulit-ulit na humihingi ng tawad, sa akin at kay Luna.

Nanghihina kong ibinagsak ang mga kamay ko.

Levi... Ano ba talaga ng gusto mo? B-bakit ka ganito? Bakit ganito ang kinikilos mo? A-ano na naman ang kailangan mo sa akin? Hindi ka ba nagsasawang saktan ng paulit-ulit? Hindi ka ba naawang nakikita akong nahihirapan?

Kung nilalaro mo na naman ako, please ayoko na...suko na ako...ikaw na ang panalo.

Kumalas ako sa yakap niya at tiningala siya. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mata.

I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)Where stories live. Discover now