CHAPTER 33:

735 47 4
                                    

CHAPTER 33: Maggie Saavedra

S-she's alive?

P-paanong? I-i mean patay na siya, i saw it how she died t-tapos nandito siya ngayon?! Buhay at nakakapagsalita?!

Then, b-bakit alam ni Levi? All this time niloloko niya lang ako?! P-pinaglalaruan nila ako?! Y-yung mga pagpapahirap niya...

A-ano yon? Wala lang? Trip-trip lang niya na saktan ako? Para saan?! E wala naman akong atraso sa kaniya! Wala akong ginawang masama!

Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko.

Tumayo si Levi sa pagkakahiga at hinila si Margoux papalapit sa kaniya. "What are you doing here?" Mariin nitong bulong.

Margoux rolled her eyes. "Oh my Levi hun. Isn't it obvious? I miss you! Ilang linggo ka nang hindi nagpapakita then malalaman ko sa secretary mo na nasa Island ka?!"

Papalit-palit ang tingin ko sa kanila habang nagsisimula nang umahon ang galit at sakit sa aking puso.

D-don't tell me pinlano din nila ang nangyari sa amin ni Luna? Ang hindi lang alam ni Levi ay buntis ako noon.

Or...

M-maye he knows everything. Baka nagpanggap lang siya na walang alam para hindi ako makahalata. B-baka he really wants to get rid of me... S-samin ni Luna...

The way he cry, he scream d-does all of it are part of his plan?

Just thinking how he planned and made me look like a fool boils my blood.

Mas lalo akong humakbang palalapit sa kaniya. Nakaturo ang aking kamay habang nanlilisik ang aking mga mata.

"L-levi, ano to?" Pinakatitigan ko siya. "A-alam mong buhay si Margoux? P-pero itinanong mo pa sa akin kung ano ang nangyare sa nakaraan? P-paano ang mga ginawa mong pagpapahirap sa'kin noon? Plano n'yo lang ba lahat?! Ha Levi?!" Galit kong tinulak ang kaniyang dibdib gamit ang nanghihina kong mga kamay. Pilit ko itong pinapatatag at buong lakas ko siyang hinampas.

Paulit-ulit siyang umiling at sinubukang hulihin ang dalawa kong kamay pero nagpumiglas ako at sinampal siya.

Lumikha iyon nang malakas na tunog. Tumabingi ang namumula niyang pisngi dulot nang aking pagkakasampal. "P-pati ba ang kay Luna pinlano nyo din?! Nagpanggap ka lang ba na wala kang alam para mapaniwala mo ako? Ha?! Napakasahol mo! Nasusuka ako sayo!"

"Hey! Stop hurting my honey, you slut!"Galit na sigaw ni Margoux at hinila ako papalapit sa kaniya.

Galit ko siyang hinarap at walang pasabing tinulak bago sinamapal nang magkakasunod-sunod.Hindi siya nakaiwas sa pagkakabigla.

"At ikaw! A-akala mo makakalimutan ko?! Akala mo ganun-ganun na lang ang lahat?! N-nagmakaawa ako! Nakiusap ako sayo...k-kulang na lang lumuhod ako sa harapan mo noon para p-palayain kami ng anak ko..." Nagsimula nang kumawala ang masasakit na hikbi sa aking bibig. Nakatutula siyang nakatitig sa akin habang nakaawang ang mga labi."P-pero anong ginawa mo?! Hinabol mo ako! Hinabol mo ako kahit alam mong buntis ako! D-dahil lang sa rason na gusto mo akong patayin...p-para ano?! Para mapasayo si Levi?! Damn you! Sayong sayo na! Eat him all you want! Wala akong pakiealam! Ni kahit kailan wala akong intensiyon na agawin siya sayo! Wala akong balak na sumira nang relasyon dahil hindi ako ganon! P-pero hindi ka nakinig...h-hindi mo ako pinakinggan hanggang sa..."napahawak ako sa aking bibig at humakbang papalapit sa kaniya. Wala akong awang nararamdan. Puro galit ang namamayani sa akin. "H-hanggang sa nasagasaan ako at nakunan. Namatay ang anak namin... N-namatay si Luna nang dahil sayo!" Galit kong sigaw kasabay nang pagsakal ko sa kaniya.

Maubo-ubo niyang pilit tinatanggal ang pagkakasakal ko sa maniya pero mas lalo ko pang hinihigpitan. Nagsimula nang mamutla ang kaniyang labi habang lumalabas ang libo-libong pawis pero wala pa rin akong pakiealam.

I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)Where stories live. Discover now