CHAPTER 11:

674 31 7
                                    

Let me give you guys an information about 'Selective amnesia'. Based lamang po ito sa research ko.

Selective amnesia involves forgetting only some of the events during a certain period of time or only part of a traumatic event.

CHAPTER 11:

'Little by little'

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Xen sighed heavily like his having a hard time to tell them what is it. "She..."He trailed off as he clenched his fist. " She has a selective amnesia. "

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa bawat sulok ng conference room sa under ground. Lahat sila ay nagulat, nagtaka, nangangapa ng salita, naguguluhan at nahihiwagaan. Nagtatanong kung papaano, bakit, kailan, saan...

Ngunit, ni isa walang nagboses, naka-awang ang kanilang mga bibig sa labis na gulat, habang pinoproseso pa rin ng kanilang isipan ang bawat detalye.

Hindi nila maatim na isa silang grupo pero nakuhang magtago ng sekreto ang dalawang binata. Ganun ba talaga iyon ka pribado? Ka importante? Ka selan? Kaya hindi pinaalam sa kanila? Kahit katiting na ideya ay wala silang alam.
Isang tinig ang bumasag sa nakakabinging katahimikan na bumabalot sa kanila.

"B-bakit?-papano?-A-anong..." Nangagatal na tanong nang isang babaeng naka braid ang kulay pula nitong mga buhok.

Hindi na rin nakatiis ang isang lalakeng na may pagkaspiky ang buhok. "Pwedeng pakilinaw sa amin ang lahat? We're clueless here. "Tiim baga niyang saad.

Nagkatinginan ang dalawang binata na si Xen at Kai, na tila ba nagtatanong sa isa't isa, kung papaano nila sisimulan, kung tama ba ang kanilang hakbang, o isa na naman itong pagkakamali na maaring makapagpahamak sa kanila.

Nang sa wakas ay nakapagdesisyon na ang dalawa. Umabante papunta sa harapan ang binatang si Xenzo.Taglay ang kanyang seryosong expression.

Mabibigat siyang bumuntong hininga bago ibinuka ang bibig upang magsimula nang magsalaysay ng mga pangyayari.

HABANG abala ang lahat sa pakikinig, isang nakakabinging hiyaw naman ang bumalot sa buong silid-tulugan.

Nandoon, nakaratay ang dalaga, pawis na pawis ang buong katawan.Hindi mapalagay sa kinahihigaan at nilalamukos ang bawat kanyang mahawakan.

Mariing nakapikit ang mata ni Sianna, dahil siya ay binabangungot na naman ng kanyang nakaraan, nakaraan na hindi niya mawari kung kelan nagyari, pero pamilyar sa kanyaang bawat detalye, na tila ba hindi lamang ito likha ng kanyang emahinasyon, kundi isang alaala.

Sunod sunod ang palahaw ng iyak, at pagrasa ng luha sa kanyang mga mata. Mabibigat ang bawat hininga na pinapakawalan nito. Sensyales na hindi maganda ang kanyang mga nasasaksihan.

Lumikha ng lagutok ang biglaang pagbalikwas ng bangon ni Sianna, humahangos ito habang naliligo siya sa sariling luha at pawis. Nanginginig na pinunasan niya ito bago ipinagsiklop ang kanyang mga binti ang ibinaon doon ang kanyang mukha.

Humagulhol ang dalaga dahil sa halo-halo nitong nararamdaman. Mariin niyang nilamukos ang suot niyang camiseta, sumisikip na kasi ang kanyang dibdib dulot ng sari-saring emosyon na gustong kumawala.

Bumabagabag pa rin sa kanyang isipan ang panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung bakit pamilyar sa kanya ang bawat detalye at kung bakit ganito na lamang ang epekto sa kanya nito.

Para kasing nangyare na ito...

Marahas niyang iwinaksi ang namumuong ideya sa kanyang isipan bago napagpasyahang tumayo. Bumaba siya sa hagdan at agad nagtungo ng kusina upang kumuha ng maiinom. Magaan ang bawat hakbang ng dalaga. Wala kang mahihimigan na kahit isang tunong ng kanyang panyapak na tsinelas.

I'm His Runaway Billlionaire:Del Vuega Series#1(On-GOING)Where stories live. Discover now