YAMATO’S POINT OF VIEW:
Ilang araw na din ang lumilipas simula noong huli kaming magkita ni Sunny, pinili ko na lang din na hindi siya i-text o tawagan para hindi ako makagulo sa pag-iisip niya pero sana kung tumawag o mag-text man siya sa akin bigla ay magandang balita ang sabihin niya sa akin.
Ilang araw na din ako di nakikipagkita kay Ryuji naging busy na din kasi ako sa trabaho ko sa inaplayan ko na Japanese Resto, ayun nagtatampo ang mokong ni hindi ko man lang daw siya maalala, pero ewan parang naninibago na din ako sa kanya, para bang hindi na siya yung best friend ko before, parang iba na talaga.
Tulad ng dati busy nga ako sa trabaho ko kaya kahit paano naiiwasan ko mag-isip ng kung ano-ano ngunit isang beses may nakakatuwa kaming customers na mga estudyante galing sa malapit na university, tingin ko magkasintahan yung dalawa dun ang sweet kasi nila at ang cute tignan di ko tuly maiwasang isipin na magiging ganun din kami ni Sunny ko, ha-ha, pero natutuwa ako lalo ng madinig ko na parang nagseselos yung isa, ganun din kaya ako at bigla ko naisip si Siwon na kasama ni Sunny ko at napakunot ng kaunti ang noo, eh si Sunny kaya kung maging kami kaya magiging seloso din siya? Ha-ha para na akong timang dito nasa trabaho ako kung ano-ano iniisip ko, focus Yamato, focus, magiging kayo din ni Sunny, ha-ha that’s the fighting spirit.
Gabi na ang out ko sa trabaho at palabas na ako ng store ng biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko dahil inisip ko na baka si Sunny na ito, pero capital A-S-A ako kasi si Ryuji pala, nagtext siya kahit na disappointed dahil hindi si Sunny ang nagtext ay binasa ko na rin yung message.
‘Oy best friend kita naman tayo ilang araw na tayo hindi nagkakabonding, doon na lang tayo magkita sa park kung saan kita nakita. Alam ko hindi ka na busy kaya punta ka na, inom lang tayo kahit kaunti, may pinoproblema lang kasi ako at gusto ko ng kausap.’ ang sabi sa text ni Ryuji, nag-alala ako sa nabasa kong text niya na iyon, marahil ay sobrang bigat ng problema niya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip noong mga oras na iyon at agad na tinungo ang daan papuntang park na pwede naman lakarin mula sa pinapasukan ko.
Dumaan ako sa 7Eleven na madaanan lang din papunta sa park upang bumili ng maiinom namin na in-can na beer at ilang makakain, pagkatapos ay agad na din ako nagpatuloy sa paglalakad ko papuntang park.
Nang makarating na ako sa park ay wala pa akong Ryuji na nakikita, iilan lang ang mga tao dun noong mga oras na yon pwede mo nga yata bilangin sa daliri, medyo may kadiliman pa dahil yung ilang mga poste ng ilaw ay kung hindi pundido ay papundi pa lang.
Naupo ako sa isang bench upang doon ay maghintay sa kanya, lumipas na ang kalahating oras pero wala pa ding Ryuji na dumarating dahil sa inip ko ay nagpasya na akong tumayo para umalis, at ite-text ko na lamang si Ryuji na umalis na ako kung sakaling darating siya pero saktong pagtayo ko ay may isang lalaki ang biglang umakbay sa akin na tila sinasakal ako sa higpit ng pagkakaakbay, buwiset mahohold-up pa ata ako.
“Pare mukang mag-isa ka lang ngayon ah, gusto mo dalhini kita sa langit?” ang sabi ng lalaki na nagpakilabot sa akin, di ko alam ang sasabihin dahil naunahan ako ng kaba dahil di ko alam kung hold-up ba to o kung harassment.
“Ah pasensya na po may hinihintay po kasi ako, at paalis na rin po ako sana.” ang sabi ko umaasang papakawalan na ako mula sa pagkakaakbay nito.
“Ah ganon ba pare, eh sandali lang naman tayo, wag ka mag-alala di ka naman magsisisi.” ang sabi ng lalaki na nakuha ko na ang ibig sabihin pero hindi ako makapalag dahil halos sakalin na ako nito.
“YAMATO!” ang sigaw ng isang boses sa akin dahil doon ay tila lumuwag ang pagkakaakbay sa akin ng lalaki, mabilis ko siyang naitulak at mabilis ko ding nakuha ang mga gamit ko mula sa bench at agad na tumakbo sa direksiyon na pinanggalingan ng sigaw.
Ilang sandali pa ng malapit na ako sa direksiyon ng taong sumigaw ay biglang may naramdaman ako na malakas na paghampas sa bandang batok ko na nagpatumba sa akin at agad akong napadapa sa lupa, nahihilo ako, hindi ko na kayang tumayo, hanggang sa mawalan na ako ng malay at ang tanging huling narinig ko na lang ay ang boses na sinigaw muli ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...