Yamato: 8

2.3K 82 16
                                    

SUNNY'S POINT OF VIEW:

Hindi ko alam kung bakit ko yakap yakap si Yamato ngayon, hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ko, pero isa lang ang alam ko, nakita ko ang sarili ko sa mga mata niya na halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Yamato, sabihin mo, may gusto ka ba sa akin?" ang tanong ko kay Yamato habang magkayakap pa din kami.

"Sunny, this may sound so crazy pero oo Sunny may gusto ako sayo, no hindi lang gusto, I think Sunny mahal na kita. Hindi ko alam kung paano pero all I know is I fell in love with you." ang sagot ni Yamato na medyo humigpit ang pagkakayakap niya sa akin pero kumalas ako sa pagkakayakap namin sa isa't isa at tumalikod ako sa kanya.

"Yamato..." ang sabi ko.

"Ano yon Sunny?" ang tanong sa akin ni Yamato na tila naghihintay ng sagot mula sa akin.

"Yamato, alam ko kung gaano ka katotoo sa sinabi mo sa akin na sagot mo pero Yamato ako na ang magsasabi sayo na kung ano man yang nararamdaman mo para sa akin mas makakabuti kung ititigil o pipigilan mo na." ang sabi ko sa kanya at mas lumakas ang buhos ng ulan noong mga oras na iyon.

"Pero bakit Sunny? I mean wala ba talaga akong pag-asa na mahalain mo? Mas higit ba talaga si Siwon?" ang mga tanong sa akin ni Yamato, ang mga tanong sa akin na iyon ni Yamto ay tila nagbalik sa akin sa mga panahong naniniwala ako sa salitang pagmamahal at pag-ibig, ang panahon noong ako pa at ang dati kong partner na si Terence.

Humarap ako kay Yamato at tumingin sa mga mata niya, "Yamato, kung sa pag-asa lang na mahalin kita masasabi ko na napakalaki ng pag-asa mo para mahalin kita at masasabi ko din na mas higit ka kay Siwon pero Yamato wala sayo ang problema, dahil ang problema mismo ay ako, ako kasi ang taong hindi mo pwedeng mahalin, nangako ako sa sarili ko Yamato na kahit kailan ay hinding hindi na ako muli pang magmamahal, Yamato ayoko na masaktan ka ng dahil sa akin, ayoko na masaktan ka ng dahil sa maling tao ang minahal mo." ang sabi ko at tila natahimik si Yamato sa mga sinabi kong iyon.

"Pero Sunny..." ang tanging nasabi ni Yamato at nakita ko sa mga mata niya ang nangingilid niyang luha, tumalikod ako muli sa kanya at aktong lalakad na ako palayo sa kanya nang bigla niya akong hilahin sa braso ko at bigla niya akong siniil ng halik, noong una ay ninais kong kumawala pero ang halik ni Yamato na iyon ay tila nagpadaloy ng kuryente at init sa aking katawan, ang halik ni Yamato na iyon ay isang halik na tila ayoko nang matapos pa.

Ilang sandali pa ay bumitiw si Yamato sa paghalik niya sa akin, tinitigan ni Yamato ang mga mata ko sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Nakikita ko sa mga mata mo ang takot na magmahal muli, nararamdaman ko ang kalungkutan at sakit na dala mo sa puso mo, pero kung hahayaan mo lamang sana ako na mahalin kita, na patunayan ko sayo na wala kang dapat ikatakot sa pagmamahal muli, na wala kang dapat ipangamba sa pagtitiwala muli sa pagsunod sa puso mo. Kung hahayaan mo lang sana ako na tulungan kang alisin ang takot, kalungkutan at sakit na nariyan sa puso mo, kung hahayaan mo lang sana ako na mahalin kita..." ang sabi ni Yamato sa akin, nakita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad pero tama siya natatakot ako, ayoko ng mahulog pa sa bitag ng pagmamahal ayoko na masaktan pang muli at maloko.

"Yamato..." ang tangin kong nasabi habang nakatingin ako sa kanyang mga mata.

Hinawakan ni Yamato ang aking mga kaway at muli niya akong tinignan sa aking mga mata at nagbuntong hininga siya.

"Hindi mo kailangan sumagot agad, hihintayin ko ang sagot mo Sunny pero ang hiling ko lang sana ay huwag mong hayaang kainin ka ng takot, kalungkutan, at sakit na nararamdaman mo, kung si Siwon man o ibang tao ang mahalin mo at hindi ako ay tatanggapin ko ng buong puso, basta sana Sunny, huwag na huwag mo sanang buhayin ang sarili mo sa kalungkutan at pag-iisa, ang anumang masakit na naranasan natin sa nakaraan ay mas dapat nating gamitin para sa ikalalakas natin at hindi para sa ikasisira natin." ang sabi ni Yamato at ngumiti ito sa akin at marahan niyang binitiwan ang mga kamay ko.

"Yamato..." ang tangi kong muling nasambit.

"Oh paano aalis na ako..." ang sabi ni Yamato at nagsimula siyang lumakad palayo sa akin, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi makadama ng lungkot habang pinagmamasdan ko siyang lumakad palayo sa akin tila ba hindi ko na siya makikita kapag hindi ako gumawa ng paraan para pigilan siya.

"Yamato!" ang sigaw sa pangalan niya at huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin ng madinig niya iyon.

"Bigyan mo ako ng isang linggo at sasabihin ko sayo ang sagot ko, sa ngayon naguguluhan pa ako, sa ngayon hindi ko pa talaga alam ang isasagot o ang sasabihin ko, pero sana mahintay mo ako." ang sigaw kong sabi at nang madinig iyon ni Yamato ay nakita ko ang ngiti sa kanya.

"Sunny!" ang sigaw na tawag sa akin ni Yamato.

"Bakit?" ang sigaw kong tanong.

"Maghihintay ako, kahit ano pa ang maging sagot mo ay hihintayon ko at tatanggapin ko." ang sabi ni Yamato at kumaway siya bilang pagpapaalam at kumaway din ako sa kanya at tumakbo siya palayo at naiwan ako sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan at dinadama ang buhos ng payapang ulan.

<><><><><>

RYUJI'S POINT OF VIEW:

"Sunny is still not coming back..." ang sabi ko habang pinagmamasdan ang buhos ng ulan sa labas ng mansiyon ni Siwon.

"Tell me Ryuji?" ang sabi ni Siwon na nakaupo pa rin sa hapag.

"Huh? What is it Siwon?" ang sabi ko at humarap ako sa kanya.

"You like him right?" Ang tanong sa akin ni Siwon.

"Who?" ang tanong ko na tila hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"That Yamato guy, your best friend? You like him more than just a best friend, am I right?" ang sabi ni Siwon sabay higop sa mainit na tsaa, at nagkatitigan kaming dalawa.

"What if I said yes? What will you do?" ang tanong ko at nakita ko ang pag ngiti ni Siwon, isang ngiti na hindi ko ninais na makita pang muli.

"I will help you to get him but you must make sure that he will never ever come near at my Sunny anymore." ang sabi ni Siwon at humigop ulit ito ng tsaa.

"But how?" ang tanong ko sa kanya.

"We will make him your slave..." ang sabi ni Siwon at napatigil ako sa sinabi niyang iyon, nakramdam ako ng takot para kay Yamato noong madinig ko iyon.

"Are you nuts? How can I suppose to do such thing to Yamato? I know you can make a way to make Yamato become my slave but I will not let you do that." ang sabi ko na medyo napataas ang boses dahil kilala ko na si Siwon, oo anghel siya kung titignan pero mga instances pa din na nakakatakot siya at minsan ko na rin siyang nakitang may ginawang slave dahil sa sobrang pagmamahal niya ngunit nakakakilabot ang nangyari dahil nagpatiwakal ang slave niya na iyon pero hindi siya nadamay sa insidenteng iyon dahil walang ebidensiya na pwedeng magdawit sa kanya, hindi man halata pero tuso si Siwon.

"Then we should just let Yamato and Sunny together." ang sabi ni Siwon at tumingin siya sa akin.

"Why not make Sunny your slave instead." ang sabi ko pero nagsalubong ang mga kilay nito.

"Sunny is so precious and delicate, he doesn't deserve to be a slave, but Yamato, he is like a wild beast that need to be tame, but if you really don't want too it's okay, I will just give up Sunny and let Yamato have him." ang sabi ni Siwon sa akin, "and besides I don't want my beloved to die again." ang dagdag ni Siwon.

Sandaling binalot ng katahimikan ang dining hall, tanging tunog lang ng ulan sa labas ang madidinig.

"Okay, help me get Yamato, but don't do anything that will hurt him." ang sabi ko, alam ko na hindi magandang idea ito pero sa ngayon ang tulong ni Siwon ang maaasahan ko, at kung makukuha ko naman si Yamato ay gagawin ko ang lahat.

"Sure, I will never hurt your Yamato, so we have a deal then." ang sabi ni Siwon at humigop siya muli ng tsaa at tumalikod ako sa kanya at tumingin ako muli sa labas at pinagmasdan ang buhos ng ulan.

"Patawad Yamato, pero kailangang mapasaakin ka, hindi kay Sunny, hindi kanino man, sa akin lang." ang bulong ko at isang malakas na kulog ang umalingawngaw mula sa kalangitan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa araw na iyon.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon