SIWON’S POINT OF VIEW:
Malakas ang buhos ng ulan ng gabing iyon, nasa daan na ako noon pauwi sakay ng aking sasakyan nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha, ang mukha ng taong naniwala sa akin na isa akong mabuting tao, ang mukha ng tao na siyang bumago sa akin, ang mukha ni Sunny.
Malakas ang ulan at napansin ko na tila wala si Sunny sa kanyang sarili habang ito ay lumalakad sa ilalim ng ulan, huminto ako malapit dito ngunit tila hindi niya ako napansin dahil dirediretso lamang ito sa kanyang paglakad.
Naisipan ko na bumaba na noong nakita ko siyang huminto sa paglakad niya at agad ko naman siyang tinawag sa knayang pangalan ngunit ni hindi man lamang niya ako nilingon. Tatawagin ko na sana ulit siya nang bigla na lamang siyang tumumba sa kinatatayuan niya, sa bigla at pag-aalala ko ay patakpo na akong lumapit sa kanya at pilit ko siyang binubuhat.
“Sunny! Sunny! Sunny!” ang paulit-ulit kong sabi.
“Nasaan ka...” ang tangi niyang sinabi at pagkatapos ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Binuhat ko si Sunny at maingat ko siyang ipinasok sa sasakyan ko, inihiga ko siya sa may backseat, nang maihiga ko na siya ay nadinig ko ang malalim at mabagal niyang paghinga kaya naman naisipan ko na hawakan ang kanyang noo at salatin ang kanyang leeg.
“Ang taas ng lagnat mo Sunny, bakit ba kasi nagpaulan, ano bang naisipan mo?” ang sabi ko dahil sa pag-aalala, mula sa backseat ay inabot ko ang coat ko na nakalagay sa passenger’s seat at ikinumot ko ito kay Sunny, pagkatapos ay bumalik na ako sa driver’s seat. Agad kong pinaandar ang sasakyan upang maiuwi na muna sa bahay si Sunny, kaya naman agad kng tinawagan si Sebastian.
“Sebastian. Ipaayos mo ang kwarto ko, at magpapunta ka ng doktor diyan sa bahay, nakita ko si Sunny na nawalan ng malay sa daan kaya naman iuuwi ko siya diyan. Malapit na kaming makarating kaya gawin niyong mabilis ang iniuutos ko.” ang sabi ko na alalang-alala kay Sunny na tinignan ko sa rear view mirror ng sasakyan ko. Nang masabi ko na ang iniuutos ko ay agad ko na ring ibinaba ang tawag at mabilis ngunit maingat na akong nagmaneho pauwi.
Nang makauwi na ay agad akong sinalubong ng payong ni Sebastian. Maingat kong binuhat si Sunny palabas ng sasakyan at ipinasok sa loob ng bahay. Nang makapasok na ay agad kong tinungo ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay upang dalhin si Sunny sa aking kwarto at doon na siya pagpahingahin.
“Ano po ba ang nangyari sir?” ang tanong sa akin ni Sebastian na mukhang nag-aalala din kay Sunny.
“Hindi ko rin alam Sebastian, kahit ako ay walang alam. Basta ang alam ko lang ay nakita ko siya na naglalakad habang umuulan pagkatapos ilang sandali pa ay nawalan na siya ng malay, at ngayon ay ang taas na ng lagnat niya.” ang sagot.
“Teka nasaan na yung doktor na titingin kay Sunny?” ang tanong ko.
“Parating na din po ang doktor na titingin kay Sir Sunny.” ang sagot ni Sebastian.
“Kung ganon ay masmabuti pa na hintayin mo na lamang na dumating yung doktor at pagdating ay dalhin mo agad sa kwarto ko upang matignan si Sunny. Ako na ang bahlang umasikaso kay Sunny muna.” ang sabi ko.
“Kayo po ang masusunod Sir Siwon.” ang sabi ni Sebastian at hindi na ito tumuloy sa pag-akyat kasabay ko.
Nang makarating na ako sa kwarto ko ay medyo nahirapan pa ako na buksan ang pinto dahil sa buhat ko nga si Sunny noon, nang mabuksan ko ay puamsok ako at pasipa kong isinara ang pinto at maingat ko siyang inihiga sa kama ko, halos tuyo na rin si Sunny noon pero kinailangan ko pa din na hubarin ang damit niya para mapalitan ko ito, nang mahubad ko na ito ay pansamantala ko muna siyang kinumutan at dali dali akong tumungo sa banyo sa aking kwarto at kumuha ng tuwalya na ipupunas sa kanya, pagkatapos ay kumuha din ako ng damit na isusuot ko sa kanya.
Nanag mapunasan ko na siya ay maingat ko siyang binihisan ng walang halong malisya sakto naman na tapos ko na siyang bihisan ng kumatok si Sebastian sa pinto upang ipaalam na kasama na niya ang doktor na titingin kay Sunny. Wala na akong sinayang na sandali at agad ko na silang pinapasok, ganoon din ang doktor, nang makapasok ito ay agad na tinignan niya si Sunny.
“Over fatigue at sobrang stress ang dahilan kaya siya nilalagnat ng mataas ngayon idagdag pa natin ang pagkakabasa niya sa ulan, hangga’t maaari ay hayaan niyo lamang siya na magpahinga at pagnakapagpahinga siya ng maayos ay gagaling din siya at manunumbalik na ang lakas niya.” ang sabi ng doktor habang ibinabalik ang gamit niya sa bag na dala niya.
“Kung ganoon po ay gagawin namin ang bilin niyo, maraming salamt po doc.” ang sabi ko at kinamayan ko ang doktor.
“So paano, ako ay aalis na, kung may mangyari o kailangan kayo ay tawagin niyo na lamnag akong muli.” ang sabi ng doktor.
“Opo doc, maraming salamat po ulit.” ang sabi ko.
“Sebastian ikaw na ang bahala na magpahatid kay doc at ikaw na din ang bahalang magbigay ng bayad sa kanya, pagkatapos ay sabihan mo sila Fely na maghanda ng pagkain para kay Sunny, para kung sakaling magising si Sunny ay may maipapakain ako sa kanya.” ang sabi ko.
“Masusunod po SIr ang inyong mga sinabi.” ang sabi ni Sebastian at sabay na lumabas sila ng doktor pagkatapos ay marahan niyang isinara ang pinto ng aking kwarto.
Nang makaalis na sila Sebastian ay naupo ako sa tabi ng kama ko kung saan nakahiga si Sunny. Hinaplos ko ang buhok ni Sunny na hindi pa din nagigising. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan, dinig sa bawat malalim at mabagal na paghinga niya na hindi lang ang lagnat niya ang nagpapahirap sa kanya, nang dahil doon ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang nangyari sa pagitan nila ni Ryuji at Yamato, ngunit dahil sa wala akong alam ay hindi ko din alam kung ano ang dapat kong gawin upang matulungan siya.
Hinawakan ko ang kamay ni Sunny at hinalikan ko ito at muli ko siyang pinagmasdan, napansin ko ang pagluha niya kahit na ito ay nakapikit at nagpapahinga, agad ko itong pinahid at si di ko malamng dahilan ay di ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.
“Tahan na Sunny, tahan na Sunny, nandito lang ako para sayo. Tahan na.” ang pabulong kong sabi habang yakap ko pa din si Sunny at ilang sandali pa ay bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya.
Sa paglalim ng gabi ay mas lumakas pa ang pagbuhos ng ulan, tanging ang malalim at mabagal na paghinga ni Sunny at ang pagbuhos ng ulan ang madidinig sa loob ng aking kwarto. Ngunit sa pagtagal ng oras na nakaupo ako at pinagmamasdan ko siya ay mas nararamdaman ko na ang kalungkutan na dinadala ni Sunny habang hawak ko ang isang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
أدب المراهقين[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...