Yamato: 3

2.9K 106 9
                                    

YAMATO'S POINT OF VIEW:

Grabe 11PM na wala pa akong Sunny na nakikita dito sa meeting place namin may balak pa kayang pumunt yon? Inugat na kaya ako dito kulang na lang ay mamunga ako at tubuan ng sanga at dahon. Three hours na ako nandito, sa sobrang excited ko kasi na makita siya, este maibalik pala yung cellphone niya sa kanya ay inagahan ko ang pagpunta ko dito pero ngayon heto ako nakatanga sa paghihintay sa kanya.

Lumingon lingon ako at nagbabakasakaling makikita ko siya pero ng wala pa din ako makita ay nawalan na ako ng pag-asa na pupunta pa yon, baka nakalimutan niya na may imi-meet siya na magsasauli ng cellphone niya kay naman nagdesisyon na akong umuwi na lang noong oras na yon.

"Pasensiya na, pasensiya na kung nahuli ako ng dating." ang sabi ng boses mula sa likuran ko na tila naghahabol ng hininga.

Nilingon ko ang nagsalita at hindi ko naiwasang mangiti ewan pero nawala yung inip ko sa kakahintay kanina noong nakita ko lang siya.

"Naku wala yon, pero bakit mukang pagod na pagod ka?" ang tanong ko sa kanya.

"Nagmamadali kasi akong makarating dito, kaka-close pa lang kasi ng store namin eh, kaya pasensiya na talaga." ang sagot niya na medyo nakabawi na sa hingal niya.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone niya, "heto na yung cellphone mo oh." ang sabi ko sabay abot sa kanya ng cellphone niya.

"Naku maraming maraming salamat! Super halaga sa akin nito, may sentimental value kasi sa akin to." ang sabi ni Sunny na halatang masayang masaya na mahawakan niya ulit ang cellphone niya.

"So paano alis na ako, masaya ay naibalik ko na sayo ang cellphone mo." ang sabi ko pero actually ayaw ko pa talaga pero wala naman akong dahilan pa para mag-stay, tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang humakbang palayo.

"Teka lang!" ang pigil niya sa akin siyempre huminto ako at nilingon ko siya pero hindi ko pinahalata na masaya ako, "Ayoko naman na umuwi ka ng hindi ako nakakapagpasalamat ng maayos." ang sabi niya.

"Huh? Anong ibig mo sabihin?" at napahinto ako ng matitigan ko ng mabuti ang mukha niya, shoot ang cute niya parang nakakita ako bigla ng stars at heart shapes sa paligid.

"Hayaan mo na ilibre man lang kita, may malapit na 7Eleven dito." ang sabi ni Sunny pero hindi ko siya nasagot dahil natulala talaga ako sa kanya. "Uy ayos ka lang?" ang sabi niya sa akin sabay tapik sa braso ko, at nakaramdam ako ng kuryente na gumapang sa katawan ko.

"Ah, oo, oo ayos lang ako, pero hindi Uy ang pangalan ko Ya-Ya-Yamato ang pangalan ko." ang sabi ko sa kanya na medyo nauutal pa.

"May pagka joker ka din pala Yamato, ano tara na ililibre muna kita bago tayo umuwi." ang sabi ni Sunny at nauna na siyang naglakad, tignan mo hindi man lang ako hinintay ano ba yan sinauli ko na yung cellphone niya at hinintay ko siya ng pagkatagaltagal tapos mauuna pang maglakad sa akin.

Mayamaya ay bumabalik si Sunny ng makita na hindi ako sumusunod sa kanya, bigla niya ako hinila para sumabay sa kanya.

"Okay lang naman kahit hindi mo na ako ilibre, tsaka kakakilala mo lang sa akin tapos kung makahila ka na agad, paano kung masamang tao ako?" ang sabi ko sa kanya.

"Hindi naman porke't hinila kita ibig sabihin ay nagtitiwala na agad ako sayo, gusto ko lang magpasalamat, tsaka kung masamang tao ka kanina ka pa may ginawang masama, tsaka may masamang tao ba na nagbabalik ng gamit ng iba?" ang sabi ni Sunny na sa daan ang tingin, sa tingin ko may pagkamatalino siya, the way he speak parang ang dami niyang alam.

"Sabagay tama ka. Yamato nga pala." ang sabi ko sa kanya na parang ngayon pa lang magpapakilala.

"Alam ko Yamato ang pangalan mo kailangan ba na paulit ulit? Hindi ako ulyanin para makalimutan ang pangalan mo, may lahing Hapon ka no?" ang sabi ni Sunny na medyo parang nasungitan ako sa una niyang sinabi, pero tama naman siya bakit nga ba ako unli masiyado.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon