Yamato: 1

3.8K 130 13
                                    

YAMATO'S POINT OF VIEW:

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko mula sa bintana ng aking kwarto, sa halip na bumango ay nagtalukbong ako ng kumot at muling pumikit.

Napabuntong hininga ako habang nakapikit na tila ba nagme-meditate, "bakit ba ang aga ko magising wala naman akong dapat habulin na oras, hawak ko ang oras ko, wala din namang tao ang mag-aasikaso sa akin o aasikasuhin ko." ang sabi ko na pabulong.

Ako si Tobi Yamato, pero kilala ako bilang Yamato since noong nag-aaral ako, mag-isa na lang ako nabubuhay, may lahi akong Hapon pero ang Papa ko hindi ko na siya nakita simula noong iwan kami ni Mama para bumalik ng Japan, pero ang nakakalungkot ay isang taon pagkatapos kami iwanan ni Papa ay iniwan ako ni Mama dahil namatay siya dahil sa isang aksidente na ako ang may kasalanan.

Tandang tanda ko pa yon, patawid kami ni Mama noon sa kalsada masayang masaya ako non maging si Mama, pero dahil sa kakulitan ko bigla ako tumawid at di ko napansin ang isang sasakyan na parating pero si Mama iniligtas niya ako, hindi ko alam kung paano pero ang alam ko lang ay umiiyak na ako kasi si Mama ay duguan ng nakahiga sa kalsada. Hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili ko, nang dahil sa akin mag-isa na lang ako ngayon, Mama I'm sorry.

Binalot ako ng kalungkutan noong umagang yon, nami-miss ko na si Mama,  kung di siguro sa gabay ng mga kapitbahay namin noon baka patay na din ako ngayon.

"Kuya Yamato!" ang sigaw ng isang batang lalaki mula sa labas ng bahay, malamang si Shonti yon, si Shonti ay anak ni Aling Melay na kapitbahay namin na siya talagang tumulong sa akin at tumutulong sa akin hanggan ngayon, best friends kasi sila ni Mama eh kaya parang anak na kong itinuring ni Aling Melay, kay tawag ko sa kanya ay Tita Mama, kayulong ko din siya sa pangangasiwa ng mga bahay na paupahan na naipundar ni Mama bago siya mawala.

"Kuya!" ang sigaw ulit ni Shonti, kaya bumangon na ako sa higaan ko at lumabas ako ng kwarto, hindi na ako nag bihis ng t-shirt topless kung topless maganda naman ang katawan ko kahit paano, tsaka nasa bahay lang naman ako kaya okay lang kahit naka-boxer ako.

Agad kong binuksan ang pinto, "Oh bakit Shonti?" ang malumanay na bungad kong tanong kay Shonti na may hawak na platong may lamang sinangag, itlog at hot dog.

"Mag-almusal ka na daw sabi ni Mama, baka hindi ka pa daw nakakapagluto eh." ang sabi ni Shonti.

"Naku si Tita Mama talaga, sabihin mo Shonti salamat ah." ang sabi ko at kinuha ko ang pagkain na dala ni Shonti.

"Sige Kuya, uy Kuya tapos na ang flag ceremony ah?" ang sabi ni SHonti na pinagtaka ko.

"Huh? Anong sinasabi mo?" ang tanong ko.

"Ayan oh nakatayo yung alaga mo ha-ha." ang pabirong sabi ni Shonti sabay turo sa alaga ko na gising nga noong oras na yon.

"Ha-ha loko ka talagang bata ka, sige na at umuwi ka na nga puro ka kalokohan." ang sabi ko sabay gusot sa buhok nito.

"He-he, sige Kuya, eat well na lang, patulong ako sa laro mamaya ah." ang sabi ni Shonti habang patakbong paalis.

"Sige, sige mamaya pag-uwi ko tulungan kita magpalakas." ang sabi ko naman at sinara ko agad ang pinto, inilagay ko ang plato ng pagkain sa mesa, kumuha ako ng tasa at nagtimpla ako ng kape. Pagkatimpla ko ng kape ay naupo na agad ako para kumain na.

Tahimik lang akong kumain sa umagang yon, hindi naman siguro ako baliw para magsalita ng mag-isa. Habang kumakain, hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ba ang pakiramdam na may minamahal at nagmamahal, since kasi noong nag-aaral ako hanggang sa makatapos ay hindi ako nagka-interest magkagusto kahit na kay nino, ang nasa isip ko lang kasi noon ay ang makatapos para sa magandang kinabukasan ko, pero ngayon naman nakatapos na ako ay wala pa din akong makitang trabaho.

Nang makatapos ako kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko at dumiretso na ako sa banyo para maligo, gagayak ako para humanap ulit ng trabaho sana naman may makita na ako, malapit na maubos yung nasingil ko sa paupahan namin.

Nang makatapos na maligo ay agad akong nagbihis ng long sleeve polo na light blue at black slack pants at black leather shoes, in short corporate attire. Nang makabihis na ako ay pumunta ako sa bahay ni Tita Mama, pinasok ko ang maala secret garden na bakuran ni Tita Mama sa dami ng halaman niya.

"Tita Mama!" ang tawag ko habang kumakatok ako sa pinto.

Agad naman akong pinagbuksan ng pinto at si Shonti ang nagbukas, "Wow kuya Yamato poging pogi ah saan ang ligaw?" ang sabi ni Shonti.

"Nandiyan ba si Tita Mama?" ang tanong ko.

"Hala, liligawan mo si Mama kuya?" ang sabi ni Shonti.

"Ha-ha sira ka talaga dami mong kalokohang bata ka, mag-a-apply ako ng trabaho, hinahanap ko si Tita Mama dahil magbibilin ako." ang sabi ko na natatawa dahil sa kakulitan ni Shonti.

"Ah di mo agad sinabi Kuya, nandoon si Mama kila Ate Theresa may kinuha yata o baka nakikipag-chismisan sa mama ni Ate Theresa." ang sabi ni Shonti.

"Ganon ba ah sige, Shonti paki sabi na lang kay Tita Mama na umalis ako para mag-apply at pakitignan tignan na lang yung bahay ah." ang sabi ko kay Shonti.

"Sure Kuya akong bahala hindi mawawala yang bahay mo." ang sabi ni Shonti na pabiro.

"Ha-ha sige yan pag nawala pagdating ko lagot ka sa akin, oh sige alis na ako Shonting kulit." ang sabi ko at gnulo ko ulit ang buhok nito.

"Ingat kuya, good luck sa pag-a-apply." ang sabi ni Shonti.

Naglakad ako ng kaunti mula sa bahay nila Tita Mama papuntang sakayan ng tricycle, kailangan ko muna kasing sumakay ng tricycle muna bago makapunta ng sakayan ng jeep.

Nang makarating na ako sa sakayan ng jeep ay agad akong sumakay sa jeep na ang biyahe ay papunta sa lugar ng a-applyan ko, sa likod ako sumakay malapit sa exit ayoko kasi magka-sideline bilang taga abot ng bayad baka pagpawisan ako he-he.

Nang makaupo na ako at makapagbayad ay nagpasak ako ng earphones at nakinig ng music para iwas bagot sa biyahe, medyo senti nga lang ang tugtugan ko, yung mga tipong Josh Groban, Westlife, A1, yung mga ganon ba, basta nakakasenti okay na okay para sa akin.

Medyo may katagalan din ang biyahe pero pinilit kong wag antukin mahirap na ang lumagpas, ng makita ko yung university na palatandaan ko para sa a-applyan ko ay pumara na agad ako. Pagbaba ko ay agad akong naglalakad hinahanap yung a-applyan ko, mag-aaply kasi ako sa isang magbubukas na Japanese Restaurant by next month siguro, gusto ko i-try tutal may pagka Hapon naman ako at may alam ako sa Japanese cuisine at maging sa pagbasa at pagsasalita, I can say na malaki ang chance ko na makapsok, idagdag mo pa ang looks ko.

Habang naglalakad ako ay wala akong tigil sa paglingon dito at lingon doon, hanggang sa mabangga ko ang isang lalaki at napatumba siya dahil doon.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." ang sabi ko at inalalayan ko siyang tumayo, aww ang cute niya ang sabi ko sa sarili ko ng makita ko yung muka ng lalaki na nabangga ko.

"No, kasalanan ko hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." ang sabi ng lalaki which is ako din naman hindi tumitingin pero mukang nagmamadali ang lalaki dahil agad itong nagpaalam at umalis.

Napatingin ako sa baba at nakita ko ang isang cellphone, mukang nahulog nung lalaki, kaya agad ko itong pinulot at tinawag yung lalaki, pero mukahang hindi ako nadidinig kaya medyo nilakasan ko pa ang pagtawag pero lawit na lalamunan ko ay di pa rin ako pinapansin kaya naman I decided na habulin na yung lalaki pero nung malapit na ako sa kanya ay siya namang sakay niya agad sa jeep kaya wala na ako nagawa ano hahabulin ko yung jeep? Napatingin ako sa cellphone, it is a Samsung Corby na ang wallpaper ay yung lalaki, ang cute. :3

Nilagay ko sa bag ko yung cellphone at nagpatuloy ako sa paglalakad ko patungo sa a-applyan ko, don't worry isasauli ko yung cellphone pero need ko muna makapag-apply, tsaka wala pa ako load pan-text o pan-tawag, tsaka gusto ko din maisauli yung cellphone ewan ko ba bigla lang ako na-excite at gusto ko ulit makita yng cute na lalaki na yon, may nagsasabi sa akin na dapat ko siyang makilala.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon