Sunny: 14

1.4K 63 2
                                    

YAMATO’S POINT OF VIEW:

        Dumating ang day-off namin at tulad ng napagkasunduan ay magkikita kami ni Sunny sa araw na iyon binabalak ko kasi na ipakilala siya kay Karina pero mukang hindi lang kay Karina ko siya ipapakilala, mukang pati dito kay Shonti na kasama ko, pinakiusapan kasi ako ng mama niya na bantayan ko muna siya at aalis kasi siya kaya naman pumayag na ako hindi na rin naman sila kasi iba sa akin at sila lang din naman ang tumutulong sa akin simula nang maulila ako.

        Umaga iyon, nasa park kami ni Shonti habang hinihintay na dumating sila Sunny at Karina na parehong wala pa sa pinag-usapang oras, hindi naman nila ako siguro i-indianin di ba? Kaya naman para makasigurado ay tinawagan ko na si Sunny na ilang araw ko na din hindi nakakausap.

        “Hello?” ang bungad kong sabi ng sagutin ni Sunny ang cellphone niya.

        “Hello, Yamato pasensiya na kung nahuli ako ah pero on the way na ako medyo traffic lang kasi sa daan.” ang sabi ni Sunny habang nadidinig ko pa ang ingay ng mga busina ng sasakyan.

        “Ah ganon ba sige hintayin ka na lang namin.” ang sabi ko.

        “Hala ako na lang ba ang hinihintay niyo?” ang biglang tanong ni Sunny nang sasagutin ko na ay biglang inagaw ni Shonti yung cellphone sa akin.

        “Hello, ikaw po ba yung girlfriend ni Kuya? Pwede ka po ba magdala ng ice cream ang kuripot kasi ni Kuya ayaw ako ibili.” ang sabi ni Shonti.

        “Uy Shonti ano ka ba akin na nga yan.” ang sabi ko sabay agaw sa kanya ng cellphone ko.

        “Pasensiya ka na Sunny, may tukmol kasi na nang-aagaw ng cellphone dito, pinabantayan kasi sa akin ng mama niya kaya isinama ko na, yung talagang ipapakilala ko sayo wala pa din naman.” ang sabi ko at nadinig ko si Sunny na tila tumawa.

        “Ayos lang at least may kasama ka pala diyan, pakisabi diyan sa kasama mo na ibibili ko siya ng ice cream pagdating ko.” ang sabi ni Sunny.

        “Oh ibibili ka daw niya ng ice cream.” ang sabi ko kay Shonti at abot hanggang tenga ang ngiti ng tukmol at inagaw na naman ang cellphone sa akin.

        “Maraming salamat girlfriend ni Kuyan Kuripot, bili mo na din ako ng chocolate gusto ko Hershey’s o kaya Kisses.” ang sabi ng pasaway na si Shonti at inagaw ko ulit ang cellphone sa kanya.

        “Ah Sunny sige na ibaba ko na to at baka mamaya kung ano ano pa ang hingin nitong tukmol na to sayo kahit yung ice cream na lang ang ibili mo ha.” ang sabi ko.

        “Girlfriend ni Kuyang Kuripot salamat po!” ang sigaw ni Shonti at nadinig ko na namang tumawa si Sunny.

        “Oh sige Yamato ibaba mo na pakisabi na lang sa kanya na hintayin niya ako.” ang sabi ni Sunny at ibinaba ko na ang tawag.

        “Ikaw talaga Shonti pasaway ka.” ang sabi ko.

        “Okay lang yan hindi naman ikaw ang bibili he-he.” ang sabi ni Shonti sabay ngiti, ang kulit na bata.

        Ilang oras mula noong ibaba ko ang tawag ay nakita ko ng naglalakad si Sunny papalapit sa amin may dala dalang plastik. Nang makalapit ito ay ngumiti ito sa akin at agad na ibinigay ang plastik na naglalaman ng request ni Shonti.

        “Heto yung ni-request mo na ice cream at chocolates kanina sa akin.” ang sabi ni Sunny habang iniaabot kay Shonti ang plastik, parang nagdalawang isip pa si Shonti na kunin yon pero kinuha niya din ito.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon