SUNNY’S POINT OF VIEW:
Pagkalipas ng dalawang araw ay bumalik na ang lakas ni Siwon, at tila nabuhay ang ambiance ng bahay, naging masaya at napupuno ito ng tawanan, minsan ay binibiro niya ang mga kasambahay na pumapasok sa kwarto niya maging si Mr. Sebastian na palaging seryoso.
“Maraming salamat sa pag-aalaga Sunny. Maraming salamat at bumalik ka.” ang sabi ni Siwon sa akin na masiglang nakangiti.
“Wala iyon Siwon, masaya ako na makita kang masigla na ulit at nakangiti. At ang galing mo ng managalog ha.” ang sabi ko naman habang nakaupo sa tabi niya.
“Dahil sayo Sunny kaya bumalik ang sigla ko at gumaling. Dahil sayo kaya ako natuto agad at pinilit ko na matuto para sayo.” ang sabi naman ni Siwon at hinawakan niya ang kamay ko.
“Siwon...” ang tangi kong nasabi.
“Sunny sana naman ay huwag kang aalis dito sa bahay, ayos lang sa akin kung kayo na ni Yamato, ayos lang din sa akin na magkita kayo, pero pakiusap Sunny huwag mo kong iwan, pakiusap Sunny.” ang sabi ni Siwon pero hindi ako sumagot sa kanya.
Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto, walang kumikibo sa amin, tanging mga huni lamang ng ibon sa labas ng bukas na bintana niya ang madidinig sa loob ng kwarto niya.
“Naiintindihan ko kung nanaiisin mo ng umalis, tama sino nga ba ako para pigilan ka, sino nga ba ako para sayo.” ang sabi ni Siwon na nawala ang kanina lamang na magagandang ngiti niya at binitawan niya ang kamay ko.
“Siwon...” ang sabi ko.
“Kailan mo binabalak umalis?” ang tanong niya sa akin habang nakatingin sa bintana na tila tinatanaw ang asul na langit.
“Sige Siwon mananatili ako dito sa bahay pero hindi ko masisigurado sayo na magtatagal ako.” ang sabi ko sa kanya at nang marinig niya ang sinabi ko na iyon ay niyakap niya ako agad.
“Salamat Sunny, salamat.” ang sabi niya. “Basta manatili ka na dito masaya na ko.” ang dagdag pa nito.
Lumipas pa ang maghapon ng araw na iyon na inaasikaso ko si Siwon, ngunit hindi katulad noong una ay siya na ang nagsusubo sa sarili niya mag-isa habang ako ay binabantayan ko na lamang siya, madalas nga ay siya pa ang nagrerequest na noodles at soup na lang ang kakainin niya.
Kinagabihan noong nagpapahinga na si Siwon ay iniwan ko na siya sa kwarto niya upang mas makapagpahinga siya ng mabuti. Naisipan ko na maglakad lakad muna sa hardin ng mansiyon para makalanghap ng hangin.
Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa isang bahagi ng hardin na halos puro rosas lang ang nakatanim, maliwanag ang hardin ng mansiyon dahil sa mga poste ng ilaw na nagbibigay liwanag idagdag mo pa ang magandang bilog na buwan ng gabing iyon.
Nang makakita ako ng mauupuan na bench ay naupo ako malapit sa fountain at pinagmasdan lang ito na parang naghihintay lang na may lumabas na kung ano mula sa fountain. Medyo malamig noong gabing iyon, nakalimutan ko na magsuot ng jacket kaya naman yakap yakap ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ko ang fountain.
“Baka manigas sa lamig kung magtatagal ka dito ng wala man lamang panlamig.” sabi ng boses ng lalaki na nagmula sa likuran ko at nilagyan ako ng jacket. Tinignan ko kung sino at nagulat ako ng makita ko Siwon kaya napatayo ako.
“Siwon, bakit lumabas ka ng kwarto mo? Maginaw masiyado dito baka magkasakit ka na naman.” ang sabi ko.
“Ano ka ba ikaw ang nag-alaga at nagbantay sa akin kaya magaling na magaling na ako, ang galing mo kayang nurse.” ang sabi niya at naupo siya sa bench.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...