Sunny: 4

2.9K 102 3
                                    

SUNNY'S POINT OF VIEW:


Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa trabaho ko, napansin nga ako agad ng mga kasama ko pero I just said na maganda lang gising ko, which is totoo naman maganda talaga gising ko kasi bumalik na sa akin yung cellphone ko, dumiretso na ako sa crew room noon para magpalit ng uniform ko, pagdating sa crew room ay pumasok na ako sa palitan ng damitan or dressing room.

"Sunny, paki-wipe naman yung store window na tin pati yung glass door." ang sabi ni Ma'am Theresa na pasigaw pero malumanay at in a nice way yung tipong nakikiusap lang talaga.

"Ah sige po Ma'am, pagkapalit na pagkapalit ko po ay gagawin ko na po agad." ang sagot ko, mabilis akong nagpalit ng uniform ko at pagkapalit na pagkapalit ko ay lumabas na ako.

Dumiretso ako sa locker o yung pinaglalagyan ng mga gamit panlinis, kinuha ko dun yung wiper, towel, at pang spray, pagkatapos tadan linis mode na ako. Focus na focus ako sa paglilinis ng store window namin hanggang sa may pumasok ng store.

"Welcome to Korean Restaurant!" ang sabi ko, nang tumingin ako ay si Siwon pala este Mr.Lee pala, tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Good day Sunny." ang bati sakin ni Mr.Lee at ngumiti ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang paglilinis ng store window, hindi ko namalayan na lumapit pala sa akin si Mr.Lee kaya naman noong na out of balance ako dahil sa pag-abot sa higher part ng store window ay hindi ko inaasahan na matumba sa kanya at parehas kaming nagtumba, nasa ibabaw ako ni Mr.Lee noong at sandali kaming nagkatinginan.

"I-I-I'm sorry sir, hindi ko po sinasadya." ang sabi ko at mabilis akong tumayo at inalalayan na tumayo si Mr.Lee.

"That's okay you don't have to worry, I'm okay, and that's an accident." ang sabi niya.

"I'm really sorry sir." ang sabi ko ulit.

"I said that's okay, you don't have to worry so much, the important thing is you are okay." ang sabi niya ng nakangiti at bigla akong natahimik, "I think I have to go at my office." ang dagdag niyang sabi at umalis siya agad.

Nang makapasok si Sir ay nilapitan ako agad ni Ma'am Theresa, "Naku ang swerte mo at mabait ang amo natin kung ibang amo yan baka sinesante ka na." ang sabi ni Ma'am Theresa sa akin, "sana ako na lang natumba kay Sir para naman na feel ko ang body niya." ang pabirong dagdag ni Ma'am, medyo may pagkakalog din kasi si Ma'am Theresa tulad ng sabi ko si Sir ang hearththrob nitong restaurant na to, walang babae at bayola na crew ang hindi nagkaka-crush sa kanya well maliban sa akin kasi normal lang naman ang tingin ko kay sir, siguro immune na talaga ako na makaramdam ng paghanga sa tao.

"Ha-ha si Ma'am talaga, sige po babalik na po ako sa paglilinis." ang sabi ko naman at pinagpatuloy ko na yung paglilinis ko at bumalik din sa ginagawa niya si Ma'am Theresa.

Nang bumalik ako sa paglilinis ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Mr.Lee kanina, ano kayang ibig sabihin niya doon o masiyado lang talaga akong malisyoso at binibigyan ng kulay ang sinasabi niya? Mayamaya ay may biglang kumatok sa store window na nililinis ko, grabe lakas makapulubi ah pero ng tumingin ako si Yamato at sinabayan pa ng ngiti at kaway.

"Anong ginagawa mo dito?" ang mahina kong sabi na alam ko naman na hindi niya madidinig kasi nga nasa labas siya at nasa loob ako.

"Nasa trabaho ako, baka mapagalitan ako." ang sabi ko ulit na parang nadidinig ako, pero sa halip na umalis pumasok pa sa store si Yamato, grabe heto na ba yung next time na sinasabi niya?

"Welcome to Korean Restaurant." ang sabi ko bilang pagpapanggap na hindi ko siya kilala.

Mayamaya ay lumapit siya sa akin pero nagkunwari ako na hindi ko siya nakita mahirap na baka mabatas ako.

"Kamusta na?" ang tanong niya pero hindi ko pa din siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglilinis ng salamin.

"Hello? Grabe di mo na ako agad kakilala?" ang sabi niya sa akin.

"Ano ka ba kilala kita pero baka mapagalitan ako sa ginagawa mo na yan." ang sabi ko sa kanya na mahina.

"Teka pagbumili ba ako dito pwede kita kausapin?" ang sabi niya, grabe ano akala nang ugok na to sa akin entertainer?

"Wala namang problema kung bibili ka pero hindi kami pwede makipag-usap sa customer pag nagtatrabaho unless may kinalaman sa trabaho." ang sabi ko uling mahina.

Pagkasabi ko non ay agad umalis si Yamato at dumiretso sa counter at umorder ito ng pagkain, nang makaorder siya ay doon siya naupo sa pinakamalapit sa akin.

"Alam mo mukang masarap tong pagkain na to, malakas siguro ang kita ng resto na to." ang sabi niya sabay kain ng Korean noodles na inorder niya.

"Oo naman no kagabi kaya dinumog kami, kaya nga nahuli ako makarating." ang sabi ko.

"Ah pwede ba makisuyo ng sauce para dito sa inorder ko na Korean dumpling." ang sabi niya at ako naman dahil customer siya ay sumunod ako, pumunta ako sa counter at kumuha ako ng sauce, mayamaya ay lumabas sa office namin si Mr.Lee at lumapit sa akin ng makita akong may hawak na saucer.

"Para kanino yan?" ang tanong ni Mr.Lee at itinuro ko naman si Yamato na kasalukuyang kumakain ng noodles, nang tumingin si Mr.Lee ay napansin ko ang pagsalubong ng kilay nito.

"Ah, let me be the who do this." ang sabi ni Mr.Lee at kinuha niya sa akin yung saucer na may sawsawan at agad niyang pinuntahan si Yamato para ibigay yung hiningi nitong sauce nakita ko ang reaksiyon ni Yamato noong makita niya na hindi ako ang nagbigay ng sauce, tumingin siya sa akin at ang nagawa ko na lang ay kumaway ng pasimple sa kanya.

Mayamaya ay bumalik si Mr.Lee sa may counter kung nasaan ako, "Kenny." ang tawag niya sa isa kong ka-crew na kasalukuyang nag-aayos ng mga table.

"Yes sir?" ang sagot ni Kenny ng makalapit siya sa amin ni Mr.Lee.

"You continue cleaning the store window, I'll need Sunny to do something for me." ang sabi ni Mr.Lee na ipinagtaka ko.

"Ah Sunny you'll go at the kitchen and help the others there." ang sabi ni Mr.Lee at parehas kaming sumunod ni Kenny sa inuto ni Mr.Lee.

"Oh Sunny bakit nandito ka di ba sa dine in  area ka naka-assign today?" ang bungad na tanong sa akin ni Annie na kasalukuyang naghahanda ng ibang Korean ingredients.

"Oo eh kaso si Sir bigla akong pinapasok dito sa loob, tumulong na lang daw ako dito." ang sagot ko.

"Hala ka may customer ba na gwapo sa labas?" ang biglang tanong ni Timmy, isa ko pang ka-crew na bi din.

"Gwapo? Ah siguro?" ang tangi kong sagot.

"Ano ba yan, ako na nga at makasilip." ang sabi ni Timmy at dumungaw siya sa maliit na window kung saan inaabot sa counter ang orders, at mula doon matatanaw na si Yamato.

"Ay gwapo nga." ang sabi ni Timmy.

"Oh bakit ano naman kung gwapo?" ang tanong ko naman sa kanya.

"Satin satin lang to ah, nase-sense ko kasi bayotik si Sir at feel ko may gusto sayo Sunny si Sir, kasi sabi sa amin kahapon ni Ma'am Theresa sa tagal na daw niya kay na nagwowork sa family ni sir noong nasa Korea pa sila kahit sino sa emplayado nila sir sir ay wit pa daw may isinabay nito sa sasakyan niya, kaya shock ang lola natin noong nakita ka namin na bumaba sa sasakyan niya hindi lang namin pinaalam sayo." ang sabi ni Timmy na mahina.

"Ganon lang nasabi mo na bi agad si Sir? Mabait lang talaga si Sir at hindi ako magugustuhan non tsaka nakita lang din naman kasi ako ni sir kahapon na papasok na kaya sinabay niya ako." ang sabi ko dahil hindi ako naniniwala although alam ko sa sarili ko na medyo nawirduhan din ako kay Mr.Lee.

"Ano ka ba Timmy, tama si Sunny mabait lang si Sir at ayon naman pala isinabay lang talaga siya ni sir." ikaw talaga.

"Ah basta alam ko tama ang nasesense ko mga bakla." ang sabi ni Timmy at bumalik siya sa ginagawa niya.

Bigla akong napaisip sa sinabing yon ni Timmy pero ano bang pakialam ko if bi din si Sir eh bi din naman ako, tsaka isa lang ang malabo ang magustuhan ako ni Sir, pasimple akong sumilip sa window na maliit ng kitchen para tignan si Yamato pero nang sumilip ako ay wala na siya doon sa kinauupuan niya kanina, medyo naguilty ako kasi halatang ako ang sinadya ng tao pero hindi ko din siya maharap ng matino, may utang na loob pa ko need na bayaran din sa tao kaya I'll have to make a way na magkita kami kahit paano.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon