SUNNY’S POINT OF VIEW:
Maaga kaming nagising ni Yamato kinabukasan dahil sa may pasok pa ito noong araw, magkatulong kaming dalawa sa pagluluto ng aming aalmusalin. Pagkatapos naming kumain ay pinaligo ko na siya para makagayak na siya at ako naman ay siyang naghugas ng mga pinagkainan namin. Habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin ay bigla ko na lamang naramdaman na niyakap ako ni Yamato mula sa aking likod dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko na paghuhugas
“Yamato, maligo ka na sige ka mahuhuli ka pa sa trabaho mo.” ang sabi ko.
“Bayaan mo ng mahuli ako kesa naman mamiss kita ng sobra.” ang sabi ni Yamato habang nararamdaman ko na mas humigpit pa ang pagyakap niya sa akin.
“Yamato...” ang sabi ko.
“Ano yon Sunny?” ang tanong niya sa akin.
“Ipangako mo sa akin na hindi mo ko iiwan, ipangako mo na hindi mo ako hahayaang mag-isa.” ang sabi ko at bigla niya akong hinarap sa kanya at tumitig sa mga mata ko kanyang hinalikan, napapikit ako sa halik niyang iyon.
“Pangako Sunny hindi kita iiwan at hahayaang mag-isa, pangako.” ang sabi ni Yamato nang makabitiw siya sa paghalik.
“Salamat Yamato, salamat, masaya ako na makasama ka, masaya ako na ikaw ang makakasama ko hanggang sa huli.” ang sabi ko sa kanya at niyakap namin ang isa’t isa.
“Mahal na mahal kita Sunny.” ang sabi ni Yamato sa akin pero bago pa ako makatugon sa kanya ay muli niya akong hinalikan.
Ilang sandali pa ang tinagal ng aming paglalambingang iyon bago ko siya muling pinilit na maligo na para makagayak na siya at sumunod naman siya habang ako naman ay nagpatuloy na sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
Pagkatapos makagayak ni Yamato ay sabay na kaming lumabas ng bahay, pumunta kami kila Shonti dahil gusto ko din sana magpaalam sa kanya niya at sa mama niya kaya naman pumunta na kami.
“Kuya ganda aalis ka na agad?” ang tanong ni Shonti na tila malungkot noong malaman na uuwi na ako.
“Oo Shonti need na umuwi ni Kuya Ganda eh tiyaka papasok pa si Kuyang Kuripot mo.” ang sabi ko at ginusot gusot ko pa ang buhok ni Shonti.
“Waaah ayoko Kuya Ganda dito ka na lang muna wag ka muna umuwi sige na Kuya Ganda.” ang sabi ni Shonti na yumakap na sa akin.
“Anak, tama na yan kailangan na nilang umalis.” ang sabi ng Mama ni Shonti.
“Ayoko, ayoko, gusto ko dito lang si Kuya Ganda.” ang sabi ni Shonti na ayaw bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
“Shonti anak sige na hayaan mo na umalis si Kuya Sunny mo, babalik naman siya eh.” ang sabi ni Mama.
“Ahh ayoko gusto ko pa makalaro si Kuya Ganda.” ang sabi ni Shonti.
“Sa tingin ko Yamato di na ako makakasabay sayo.” ang sabi ko.
“Huh? Anong ibig mo sabihin?” ang tanong ni Yamato.
“Magpapaiwan na muna ako dito para makipaglaro muna dito kay Shonti.” ang sabi ko.
“Pero Sunny ayos lang ba sayo?” ang tanong ng Mama ni Shonti.
“Naku opo, ayos lang po, tiyaka mabait naman tong si Shonti at natutuwa ako sa kakulitan niya kaya okay lang sa akin.” ang sabi ko naman.
“Wow Shonti ang lakas mo kay Kuya Ganda mo ha.” ang nakangiting sabi ni Yamato.
“Yehey hindi na aaalis si Kuya Ganda! Kuya mag do-DOTA tayo ah gamitin mo yung mahina para matalo kita.” ang sabi ni Shonti na todo ngiti.
“Naku ikaw talagang bata ka, hindi ka ba magpapasalamat sa Kuya Sunny mo at pumayag siya na hindi umalis?” ang sabi ng Mama ni Shonti.
“Ay oo nga pala. Salamat Kuya Ganda ang bait bait bait bait mo po talaga. Paglaki ko gusto ko kasing ganda mo siyota ko.” ang sabi ni Shonti at medyo nahiya ako sa sinabi niyang yon, at natawa naman sila Yamato at ang Mama niya.
“Ikaw talaga Shonti ang kulit mo ha-ha. Oh siya pano aalis na ako baka mahuli pa ako sa trabaho, kayo na po muna ang bahala kay Sunny.” ang paalam ni Yamato.
“Wag kang mag-alala Kuyang Kuripot ako na bahala kay Kuya Ganda pagtatanggol ko siya.” ang sabi ni Shonti.
“Ha-ha oh sige alis na ako, Tita Mama alis na po ako.” ang paalam ni Yamato at agad na nga itong umalis. Nang makaalis na si Yamato ay tiyaka lamang bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin si Shonti.
“Oh Shonti huwag mo pasasakitin ang ulo ng Kuya Sunny mo ha?” ang sabi ng Mama ni Shonti.
“Opo Mama, good boy kayo to, di ba Kuya Ganda?” ang sabi ni Shonti.
“Opo god boy po itong si Shonti kaya sure po ako na hindi pasasakitin ng batang to ang ulo ko.” ang sabi ko sabay ngiti.
“Sunny.” ang sabi ng boses mula sa labas ng gate nila Shonti, pamilyar sa akin ang boses na tumawag sa akin kaya naman agad ko itong nilingon.
“Ryuji? A-anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko noong makita ko siya.
“Maaari ba kitang makausap?” ang tanong ni Ryuji sa akin.
“Ah sandali lang sige.” ang sabi ko at humarap ako kay Shonti para magpaalam muna sa kanya.
“Shonti, sandali lang ha kakausapin ko lang yung lalaki sa labas importante kasi, okay lang ba?” ang sabi ko.
“Hmm sige Kuya Ganda basta bawal ka ligawan ha.” ang sabi ni Shonti at nangiti ako sa sinabi niya.
“Ikaw talaga oo naman hindi ako magpapaligaw.” ang sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.
“Sandali lamang po kakausapin ko lang po siya.” ang paalam ko sa mama ni Shonti.
“Ayos lang Sunny, sige papasok muna kami ni Shonti sa loob para mas makapag-usap kayo ng maayos.” ang sabi ng Mama ni Shonti at agad niyang isinama si Shonti sa loob ng bahay. Nang makapasok na sila ay tiyaka ko lamang binuksan ang gate at nilapitan si Ryuji para makausap.
“Anong ginagawa mo dito at bakit mo ko gustong makausap?” ang tanong ko sa kanya.
“Ang totoo hindi ako ang may gusto na makausap ka.” ang sabi ni Ryuji sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko.
“Napakiusapan lang ako na sunduin ka dito, dahil ang totoo si Mr. Yoshiro ang may nais na makausap ka.” ang sabi ni Ryuji sa akin at tila para akong naging estatwa ng madinig ko ang sinabi niya.
“Mukhang nabigla ka, pero sa tingin ko naman alam mo na kung ano ang relasyon nila Mr. Yoshiro at Yamato di ba?” ang sabi ni Ryuji at ngumiti ito sa akin.
“Ano daw ang pag-uusapan namin ng papa ni Yamato?” ang tanong ko sa kanya na may takot na nararamdaman sa dibdib ko.
“Ang mabuti pa ay sumama ka na lamang sa akin para malaman mo, mas mauunawaan mo kung sasama ka.” ang sabi ni Ryuji at binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at tila dahil sa takot ko ay kusang humakbang ang paa ko at kusa akong ipinasok ng mga ito sa loob ng sasakyan.
Nang makasakay ako ay isinara agad ni Ryuji ang pinto at mabilis din siyang sumakay sa sasakyan niya at wala siyang sinayang na oras at agad na kaming umalis ng hindi nagpapaalam kila Shonti. Habang nasa sa sasakyan ay hindi na ako mapakali hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin, iniisip ko kung ano ba ang pag-uusapan ng papa ni Yamato pero isa lang ang sigurado, hindi ko ito magugustuhan.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
Novela Juvenil[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...