YAMATO'S POINT OF VIEW:
Gabi na ng makarating ako ng bahay pero worth it naman kasi natanggap ako sa Japanese restaurant na inaplayan ko, magsisimula ako sa opening nila pero ilang weeks pa din ang hihintayin ko pero ayos na yon at least may sure na trabaho na ako, na-excite din ako kasi kimono ang isusuot namin kahit na iniwan kami ni Papa noong bata ako I still love Japanese culture and traditions pero mahal ko din ang Pinoy style.
Pagpasok ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, agad akong naghubad ng suot kong damit at pantalon hanggang sa boxer shorts na lang ang matira kong suot. Nahiga ako sa kama pagkatapos.
"Sa wakas may trabaho na ako." ang pabulong kong sabi habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko, "Ay oo nga pala." ang sabi ko nang maalala ko yung sa cellphone nung lalaking nakabangga ko, mabilis akong kumuha ng t-shirt sa drawer ko at isinuot ito at nagpunta sa tindahan ni Aling Okleng.
"Aling Okleng, pa-load nga po ako sa TM." ang sabi ko kay Aling Okleng na nanonood ng teleserye noong mga oras na yon at mukhang hindi ako nadinig.
"Aling Okleng." ang tawag ko ulit at nagulat pa siya dahil medyo napalakas ang tawag ko.
"Susmaryosep kang bata ka." ang sabi ni Aling Okleng, "kung di ka lang gwapo eh pinalayas na kita agad, ano ba kailangan mong bata ka?" ang pabirong sabi ni Aling Okleng.
"He-he pasensiya na po, maistorbo ko po muna kayo, papa-load lang po sana ako sa TM." ang sabi ko, "sa number ko po, twenty lang po, heto po yung bayad, hintayin ko na lang Aling Okleng." ang sabi ko sabay abot ng bayad, suki na ako ni Aling Okleng sa load kaya may number na ako sa kanya, naglalakad pa lang ako pabalik ng bahay ay pumasok na agad ang load sa aki, "nice one Aling Okleng." ang sabi ko.
Agad akong nag-register sa C20 promo ng TM, saktong pag-uwi ko ay nakaregister na ako kaya agad kong kinuha sa bag ko yung cellphone nung lalaking nabangga ko, binuksan ko yung phone and thank goodness walang password yung phone kaya agad akong nagpunta sa contacts at chineck ito, I tried my best to look for a number or name ng contacts na related talaga doon sa lalaki until makarating ako sa letter P at may contact siya na name ay Papa, another good thing is TM din yung number kaya di na problema, tatawagan ko na lang para mas madali.
Nang mai-dial ko na ang number ay medyo matagal bago sumagot, mama ang boses ng sumagot medyo natakot pa ngay ako ng kaunti eh.
"Hello sino to?" ang sabi ng mama na nasa kabilang linya.
"Ah may nabangga po kasi ako kanina na lalaki at nahulog niya yung cellphone niya po, if ever po na kilala niyo siya baka..." ang putol kong sabi hindi ko na natapos dahil sumingit na agad yung lalaki na ibibigay daw niya sa anak niya yung telepono at kami ang mag-usap.
Ilang sandali pa ay nadinig ko ang boses ng isang lalaki ulit sa linya, ewan pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kakaiba ang naramdaman ko noong madinig ko ang boses niya. Sandali lang kami nagkausap pero sa sandaling oras na yon I was stunned already, I find his name cute din kasi sabi niya Sunny daw ang pangalan niya, naku baka siya na ang magbibigay liwanag sa buhay ko ah.
Humiga ako sa kama ko at tumingin ulit sa kisame at itinaas ko ang kaliwang kamay na may hawak sa cellphone ni Sunny at tinitigan ko ang picture niya, bakit ang weird ng nararamdaman ko towards this guy? Shoot nababakla na kaya ako, Yamato tumino ka di pwede yan, Yamato kalma lang baka humahanga ka lang.
On my curiousity, okay, okay dahil sa may pagkausisero din ako ay di ko napigilan ang sarili ko na halungkatin ang cellphone ni Sunny una ko munang pinuntahan ang mga pictures na laman nito.
"Nakakatuwa naman to ang daming selfie pics ang cute, makapagpasa nga." ang sabi ko na kinakausap ang sarili, "Yamato wag kang adik picture ng lalaki yan oh." ang awat ko sa sarili ko pero di ko din naawat talagang ang cute kasi niya may tinginin kasi siyang babae although madidistinguish mo pa din na lalaki siya ah basta ganon ang hirap mag-explain.
Nang magsawa akong magpasa mga benteng mahigit ata nakuha ko ay tinuloy ko ang pag-browse sa mga pictures niya hanggang sa, "huh sino to?" ang sabi ko ng makita ko ang picture ng isang lalaki, well gwapo din naman yung lalaki pero kumukulo ang dugo ko bigla di ko alam pero bigla ko dinelete yung picture nung lalaki, he-he maka-delete parang akin yung cellphone.
Anyway nang matapos na ako ay pumunta naman ako sa inbox, alam ko na mali na tong ginagawa ko dahil pinapakialaman ko na ang privacy ni Sunny pero I'm so curious about this person talaga at I wonder why I act so weird na parang in love na in love ako sa kanya, wait did I just say that, Yamato erase erase erase.
Walang masiyadong laman ang conversation box ni Sunny kaya hindi ako masiyado natagalan basahin ang kada conversation until sa ma-open ko ang conversation niya at nang nag ngangalang Terence:
Terence: Sunny, alam mo kung gano kita kamahal please let's fix this.
Sunny: Terence dati oo alam ko kung gano mo ko kamahal but I realize na lahat ng alam ko dati ay puro kasinungalingan lang, wala naman tayong dapat ayusin lalo na kung nabuo ang lahat sa kasinungalingan.
Terence: Sunny bakit ba ang tigas mo, dahil lang don makikipaghiwalay ka?
Sunny: Terence alam mo ba yang sinasabi mo? You cheated on me tapos sasabihin mo dahil lang don? Hindi ako tanga Terence please stop texting me gusto na kita kalimutan, kayo ng best friend ko, tama na yung nasaktan at niloko niyo ko.
Terence: Mag-usap tayo tatawag ako.
Sunny: No need to call Terence, hindi naman maaalis ng pagtawag mo yung sakit na nararamdaman ko, it's not enough, baka nga masmasaktan lang ako.
Terence: Please Sunny let's talk, ayusin natin to.
Sunny: No Terence tama na ayoko na.
Nang matapos ang huling message ni Sunny na iyon ay puro flood message na I am sorry na galing sa Terence ang nabasa ko. Siraulo pala tong Terence na to eh mangagago tapos mag-iinarte noong nakipaghiwalay sa kany, so gay. Wait if Terence is a guy and Sunny is a guy, then it means... noong naisip ko yun bigla akong napangiting tagumpay.
Yamato umayos ka ano ka ba, lalaki ka, lalaki ka, tumino ka lokong to, ah basta bahala na kung ano man tong nararamdaman ko hindi ko naman ipinasak at hindi ko naman ginusto na makaramdam ako ng ganito at tsaka wala namang masama siguro di ba?
Para akong tanga noong mga oras na yon dahil hindi na maalis sa isip ko si Sunny ay panay gulong ko sa higaan ko, naloko na talaga mukang matutuluyan akong bumigay sa mahika ni Sunny ng hindi niya namamalayan.
Ilang sandali pa ay napagod ako magpagulong gulong sa higaan ko at tumingin sa kisame uli.
"Sunny pwede kayang maging tayo?" ang pabulong kong sabi, ganito ata yung tinatawag nila na first love, at kung tatamaan ka nga naman ng lintik hindi pa ako sa babae na-in love pero kung si Sunny naman yun why not.
Nagpatuloy ang pag-iisip ko tungkol kay Sunny hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ko kakaisip at nahulog sa isang magandang panaginip.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...