Sunny: 16

1.2K 58 4
                                    

SUNNY’S POINT OF VIEW:

        Nakarating kami at huminto ni Ryuji sa cafe kung saan kami nagkita noon para mag-meeting sila ni Siwon. Ilang sandali pa ay bumaba na kami sa sasakyan na may kaba pa din ako sa dibdib ko.

        “Sumunod ka sa akin.” ang sabi ni Ryuji na para bang boss ko siya kung makapagsalita.

        “Ah sige.” ang tangi kong nasagot sa kanya.

        Sumunod ako sa kanya na pumasok sa cafe at doon agad kong nakita ang papa ni Ryuji na si Mr. Yoshiro na mag-isang nakaupo na tila hinihintay talaga ako na dumating.

        “Sorry for the long wait Mr. Yoshiro but I bring you Sunny, the person you asked from me.” ang sabi ni Ryuji noong makalapit na kami dito.

        “That’s okay Mr. Ryuji, please do have a sit.” ang sabi ng Papa ni Yamato at naupo naman kami, si Ryuji sa tabi ng Papa ni Yamato habang ako ay naupo sa tapat nila.

        “Mr. Ryuji, will you do the honor to tell Mr. Sunny why we are here and why I ask you to bring him here.” ang sabi ng Papa ni Yamato.

        “Sure Mr. Yoshiro.” ang sagot naman ni Ryuji ng nakangiti habang ako ay tahimik lamang at hinihintay ang sasabihin nila sa akin. Mayamaya pa ay may kinuha na isang envelope mula sa sa attache case niya ang Papa ni Yamato at ibinigay kay Ryuji at inilapag naman ni Ryuji ito sa harap ko.

        “A-ano to?” ang tanong ko na nagtataka.

        “Hindi na kami magpapaligoyligoy pa Sunny. Ayaw ni Mr. Yoshiro sa relsyon niyo ni Yamato, hindi naman sa ayaw niya sa uri ng relasyon na gustong pasukin ng anak niya na si Yamato pero ayaw niya sayo bilang partner ni Yamato, ayaw ni Mr. Yoshiro na ikaw na isang mahirap o pobre lang ang makasama ni Yamato na anak niya.” ang sabi ni Ryuji na halos manliit ako sa mga sinabi niya na pakiramdam ko ay tuwang tuwa pa siya na makita ako sa ganoong sitwasyon ngunit hindi parin ako umiimik pero napatikom ang mga kamay ko na nakapatong noon sa aking hita.

        “Kaya naman gusto ni Mr. Yoshiro na tanggapin mo ang pera na nasa loob ng envelope na yan at pirmahan mo ang kontrata na nasa loob din ng envelope na yan na nagsasabing kahit kailan ay hindi ka na lalapit, makikipag-usap o makikipagkita pa kay Yamato, kahit kailan.” ang dugtong na sabi ni Ryuji at napatingin ako sa envelope at napahinga ng malalim.

        “I don’t know what’s wrong with me why you are doing this to me, but if you are telling me that you are not in favor with me for your son Yamato because of my status in life, I think that’s so unfair for me to be treated and to be judged already by people who didn’t know me.” ang sabi ko sabay balik sa kanila ng envelope.

        “Wala kang galang.” ang sabi ni Ryuji at aktong sasampalin ako nang biglang may pumigil sa kamay niya at napatingin kaming tatlo.

        “Sige subukan mong saktan si Sunny nang makalimutan ko nang matalik kitang kaibigan Ryuji.” ang sabi ni Yamato habang si kami ay tila nabigla sa kanya.

        “Yamato, kinakausap lang namin ng Papa mo si Sunny para layuan ka na niya, hindi siya ang taong nababagay sayo Yamato, hindi si Sunny.” ang sabi ni Ryuji.

        “Bakit sino ba kayo para magdesisyon at sabihin sa akin kung sino ang nababagay sa akin at hindi? Bakit Ryuji sino ba ang nababagay sa akin? Ikaw ba? Ikaw ba ang sa tingin mong babagay sa akin Ryuji?” ang tanong ni Yamato na ramdam na ang galit sa boses niya.

        “Yamato nasasaktan ako.” ang sabi ni Ryuji dahil sa humihigpit na pagkakahawak ni Yamato sa kamay niya.

        “Yamato, stop this nonsense, we are just doing this for your own good.” ang sabi ng Papa ni Yamato.

        “For my own good? You are telling me you are doing this for me after of so many years you left me and my mom now you are telling me you are doing this for my own good, you are now meddling with my decisions? If you can’t accept Sunny for me then I don’t want to be your son as well, I live and survive without you in my life and I can do it again.” ang sabi ni Yamato na tila natigilan ang Papa niya sa mga sinabi niyang ito.

        “Yamato bakit mo nagagawang bastusin ang Papa mo ng ganyan? Ama mo siya irespeto mo siya.” ang sabi ni Ryuji.

        “Respeto? Kahit na ininsulto niyo na ang taong mahal ko tapos gustoi niyo ng respeto? Bakit sa tingin niyo ba si Sunny lang ang binastos niyo dito? Pati ako Ryuji, binastos niyo, pati ako.” ang sabi ni Yamato at saka pa lang niya binitawan ang pagkakahawak sa kamay ni Ryuji habang ako ay tila walang masabi sa mga nangyayari kundi ang matulala at panoorin sila.

        “Sunny tara na.” ang sabi ni Yamato pero tila wala ako sa sarili na tumingin lamang sa kanya.

        “Sunny sabing tara na.” ang sabi ni Yamato at hinawakan niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinila papalayo sa kila Ryuji at sa Papa niya.

        “Yamato...” ang tangi ko lang nasabi habang mabilis kaming naglalakad papalabas ng cafe.

        “Sa susunod huwag ka ng makikipag-usap o sasama kay Ryuji, kay Papa o kahit sino man na inutusan niya at simula ngayon magpapaalam na tayo sa isa’t isa kung saan tayo pupunta.” ang sabi ni Yamato nang huminto kami sa labas ng cafe pero tila wala pa rin ako sa sarili ko kaya tanging pagtango na lamang ang naisagot ko at bigla na lamang ako niyakap ni Yamato.

        “Patawad Sunny, patawad, nang dahil sa akin nasasaktan at nahuhusgahan ka.” ang sabi ni Yamato at hindi ko na napigilang maiyak, niyakap ko ng mahigpit si Yamato.

        “Patawad Sunny...” ang sabing muli ni Yamato.

        “Wala kang kasalanan Yamato, wala, hindi mo kasalanan na mahusgahan nila ako. Salamat dahil ipinagtanggol mo ako kahit na alam kong mahirap para sayo ang ginawa mo.” ang sabi ko na umiiyak pa din.

        “Hindi Sunny, mas mahirap para sa akin ang makita kang nasasaktan at iniinsulto ka ng ibang tao, lalo na ng mga tao na malapit sa akin. Pangako poprotektahan kita sa kanila.” ang sabi ni Yamato at tumango lamang ako.

        “Tara na umalis na tayo dito.” ang sabi ni Yamato pero noong paalis na kami ay bigla na lamang napatumba si Yamato.

        “Yamato!” ang sigaw ko sabay luhod para ihiga siya sa lap ko, “Yamato gumising ka, Yamato.” ang paulit ulit kong gising. Mayamaya ay lumabas na sila Ryuji at ang Papa ni Yamato at nakita kami sa ganoong sitwasyon agad silang lumapit sa akin, pinatulungan namin ni Ryuji na isakay si Yamato sa sasakyan niya at nagmamadali naming inihatid si Yamato sa pinakamalapit na hospital habang ang Papa naman niya ay sumunod lamang sakay ng sarili nitong sasakyan.

        Yakap yakap ko si Yamato na wala pa ding malay sa likurang bahagi ng sasakyan ni Ryuji, hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Yamato bakit siya nawalan na lang bigla ng malay, hinawakan ko ang kamay ni Yamato at umaasa na magiging ayos lamang ang lahat.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon