Sunny: 6

2.3K 84 7
                                    

YAMATO'S POINT OF VIEW:

"Ano na-itext mo na ba?" ang tanong sa akin ni Ryuji.

"Oo nai-text ko na siya, pero hindi pa siya nagre-reply, baka nasa trabaho pa siya." ang sagot ko sa kanya.

"Ah ganon ba." ang sabi niya, "Ay shoot, need ko na pala umalis, baka mahuli na ako sa business meeting ko, teka may gagawin ka ba ngayon Yamato?" ang tanong ni Ryuji.

"Wa-wala naman bakit." ang sagot ko.

"Mabuti naman, mabuti pa ay samahan mo na lang ako sa business meeting ko." ang sabi niya at bago pa ako makasagot ay agad agad niya akong hinila, TT___TT kainis naman tong si Ryuji eh natapon na yung kinakain ko hindi ko na naubos.

"Wag mo na isipin yung pagkain na natapon na yan, ililibre na lang kita." ang sabi ni Ryuji dahil alam niya na nanghinayang ako sa natapon kong pagkain.

"Oh sabi mo yan ah, walang bawian." ang sabi ko habang hila pa din ako ni Ryuji at tumatakbo kami.

"Teka saan ba tayo sasakay?" ang tanong ko.

"Sa kotse ko, I park it malapit lang dito." ang sagot niya.

"May kotse ka ano yun sinakay mo sa eroplano?" ang sabi ko.

"Sira may bahay pa din naman kami dito di ba? Hindi naman namin binenta yon, pinagkatiwala lang namin sa caretaker kaya yung mga sasakyan don buhay pa, at yon ang gamit ko ngayon." ang sagot niya at doon ko lang na-realize yon sa sobrang tagala nakalimutan ko na hindi nga pala nila binenta yung properties nila dito sa Pinas, oo properties mayamang tao itong si Ryuji pero kahit only son siya hindi ko masabi na spoiled siya kasi magaling siya makitungo sa ibang tao.

Nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay agad na pinaandar ito ni Ryuji.

"Hoy relax ka lang masiyado ka tense." ang sabi ko sa kanya.

"Sira, business meeting kasi to tsaka importanteng business partner yung imi-meet ko kaya ganito, hinid dapat ako mahuli." ang sabi ni Ryuji.

"Ha-ha naintindihan ko pero kung mamamatay naman tayo sa sobrang pagmamadali mo dahil sa pagkatense mo aba'y anong saysay di ba?" ang sabi ko at nang nadinig niya yon ay kumalma na din ang ugok, nakakaba kasi magmaneho para kaming lilipad, ayoko pa mamatay may Sunny pa akong hinihintay.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa isang cafe na lugar kung saan kakatagpuin nitong si Ryuji ang ka-business meeting niya, agad kaming pumasok sa cafe, sa entrance mukang hinahanap ni Ryuji yung ka-meeting niya.

"Hay..." ang buntong hininga ni Ryuji.

"Oh bakit ka napabuntong hininga diyan?" ang tanong ko sa kanya.

"Eh kasi mabuti na lang at maaga tayo nakarating, mukhang wala pa yung ka-meeting ko." ang sabi niya.

"Sus masaya ka na late ang ka-meeting mo? Masiyado pa-V.I.P. yan ha." ang komento ko naman sa kanya at nginitian lang niya ako.

"Mabuti pa ay maupo na tayo at kumain muna habang naghihintay, tutal nangako naman ako sayo na iti-treat kita." ang sabi ni Ryuji sabay lakad papunta sa isang table, at sinundan ko siya, at magkatabi kaming naupo, naisip ko kasi na pag dumating yung ka-meeting niya ay kailangan magkaharap sila awkward naman kung katabi pa ako nung ka-meeting niya di ba?

Medyo relaxing ang ambiance ng cafe, tila pang mayayaman siya pero wala naman ako pakialam talaga kasi naman hinila na lang ako basta ng ugok na ito dito, okay na nga ako dun sa park eh.

"Oh anong gusto, umorder ka lang kahit ano, sagot ko." ang sabi ni Ryuji.

"Sus, baka orderin ko lahat ng nandito mamulubi ka." ang pabiro kong sabi.

"Ha-ha okay lang naman, kayang kaya ko yan." ang sagot naman ni Ryuji, at tinawag niya yung isang waitress.

"Yes sir?" ang sabi ng waitress.

"Pakibigyan kami ng two of each ng menu niyo ngayon." ang sabi ni Ryuji.

"Oy Ryuji, para kang tanga binibiro lang kita eh." ang sabi ko sa kanya.

"Ha-ha wag ka mag-alala sagot ko nga ito, sige na miss paki-serve na lang pag-okay na." ang sabi naman ni Ryuji, at pagkasabi nito ay umalis na agad yung waitress para ayusin ang orders ni Ryuji, kahit kelan talaga tong lokong to, ang naisip ko na lang.

Ilang sandali pa ng paghihintay ay bumalik na ang waitress tulak ang isang tray cart na laman ang mga orders namin, at isa-isa niyang inilagay ng maayos ito sa table namin.

"Mr. Lee!" ang sabi ni Ruyji at napatingin ako kung sino yung Mr. Lee na sinasabi niya at nagulat ako ng makita ko si Sunny na naka-business attire at binaling ko ang tingin ko sa kasama niya at hindi ko naiwasang mainis dahil sa yung Koreano niyang boss pala ang ka-meet nitong si Ryuji at napansin ko din na nainis siya ng makita niya ako.

"Ah, Mr. Lee, please have a seat." ang sabi ni Ryuji na mukang napansin ang tensiyon sa pagitan namin nitong Mr. Lee na ito.

"Thank you." ang sabi nung asungot na si Mr. Lee, pero bago ito maupo ay pinauna niya si Sunny na maupo at siya pa ang humila ng chair para kay Sunny, at pagkatapos ay tsaka siya naupo.

"By the way Mr. Lee this is Tobi Yamato Takenobi, he's my best friend and it's been along time since we have seen each other so I hope you don't mind if I brought him here to accompany us." ang sabi ni Ryuji na napakaprofessional pakinggan.

"No, it's okay, I really don't mind actually we have met already in my restaurant, he's one of my customer today so I'm glad to see him here again." ang sabi naman nitong Koreanong ugok.

"Well that's nice to hear Mr. Lee, by the way Yamato this is Mr. Siwon Lee he's one of our important business partner." ang pagpapakilala naman ni Ryuji sa ugok. "And who's this cute guy by the way Mr. Lee?" ang tanong ni Ryuji na ang tinutukoy ay si Sunny.

"Ah yes, he is Mr. Sunny Solano, he's my personal and private secretary, assistant, and tutor in speaking Tagalog." ang pagpapakilala ni Siwon kay Sunny, pero nagulat ako noong sinabi niya yung personal at private thing, teka di ba sa restaurant siya nagwo-work? Panong nangyari yung personal at private thing na yon? Putek mukhang dumada-moves na siya hindi pwede to, kailangan ko na umisip ng paraan, pero ano o paano.

"It's nice to meet you." ang sabi naman ni Sunny at ngumiti siya, shoot ang cute niya.

"It's nice to meet you too Sunny, by the way I am Ryuji Uruhara." ang pagpapakilala naman nitong si Ryuji, "by the way Yamato, is he the same Sunny that you are telling me earlier?" ang biglang tanong ni Ryuji, sira ka Ryuji bakit pati ako ini-English mo pektusan kita diyan eh.

"Ah, oo siya nga, nakilala ko siya recently at naging close na kami agad." ang sabi ko at napatingin sa akin si Sunny, patay ako tiyak nito, pero bahala na at hindi ako mag-i-English di naman ako kasali sa meeting na to bakit ba.

"Ah I see, it's a good thing that fate makes a way for us to meet Sunny." ang sabi nitong si Ryuji na mukang may ibig sabihin. "Well anyway, Mr. Lee let us proceed to what we really came here for." ang sabi ni Ryuji at mula sa case niya ay inilabas siya na folders, at nagsimula na silang mag-usap na halos wala na ko maintindihan, at tumingin ako kay Sunny na mukhang katulad ko na hindi alam kung bakit talaga siya kasama sa meeting na ito.

Pagkalipas ng ilang oras na pag-uusap ay mukhang may napagkasunduan na itong sila Ryuji at Siwong ugok, nang magkapirmahan na ay ngakamay sila, dahil tapos na ang meeting nay nagsalo-salo na kami sa inorder ni Ryuji hindi naman din kasi namin ito mauubos.

"By the way Mr. Lee, let's get out of business talk for a while, let's at least have some personal talk, do you have any special someone right now?" ang biglang tanong ni Ryugi at napahinto ako sa pag-inom ko ng frappe para madinig ang sasabihin ng ugok.

"Yes actually I do, but this person still doesn't know what I feel, I want to do it slowly, I want to show him my sincerity." ang sabi ni Siwon, at tila nasamid ako sa narinig ko, teka sinabi niya bang him? Him, means lalaki, him, meaning posibleng si Sunny to?

"Uhm, excuse me, I'll just going to use the restroom." ang pagpapaalam ni Sunny sabay tayo at iniwan kami sa table, napatingin ako dito at gusto ko na sanang tumayo kaso itong si Ryuji biglang umepal na mag-CR lang din daw at ibinilin pa itong ugok na si Siwon kaya wala na ko nagawa kundi ang manatili sa upuan ko kasama ang karibal ko. Oo karibal ko siya alam na alam ko na yon.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon