Sunny: 12

1.6K 63 1
                                    

YAMATO’S POINT OF VIEW:

        Nang matapos na ang shift ko para sa trabaho ko ay agad na akong nag-out 5PM na ng mag-out ako pero nag-stay pa muna ako sa locker room dahil hihintayin ko pa si Karina dahil nga tatambay pa nga kami nito at tsaka kung tatakasan ko naman siya ay baka balatan ako ng buhay ni Karina sa pagpasok ko bukas dahil sa pagtakas ko.

        6PM na ng makapag-out sa trabaho si Karina at 6:30PM na kami umalis ng store dahil sa kinuha pa namin yung mga schedule namin at nakipagdaldalan pa sa mga katrabaho namin na naka-break noong mga oras na iyon.

        “So sino ang masuwerteng bababe este lalaki? Bayola? Ah basta tao na nakabihag sa puso ng boyfriend ko?” ang tanong agad ni Karina sa akin habang sabay kami na naglalakad papunta sa isang fishball stand na malapit sa pinapasukan namin.

        “Ha, yung taong mahal ko? Sunny ang pangalan niya.” ang sabi ko bilang sagot sa tanong niya.

        “Hmm, Sunny, in fairness cute ang name niya ha. Pero ano naman ang itsura niya baka naman hanggang pangalan ha...” ang sabi ni Karina.

        “Ha? Bakit mahalaga pa ba ang itsura pag nagmamahal ka?” ang tanong ko sa kanya.

        “Hmm, hindi naman pero siyempre gusto ko pa din malaman kasi nakaka-curious din kung paano niya nagawang bihagin ang tulad mo na parang ang ilap na hayop sa kagubatan.” ang sabi ni Karina.

        “Grabe ka naman makailap diyan at hayop talaga ah.” ang sabi ko naman.

        “Oh heto tignan mo na lang baka di ka pa maniwala kasi pag idiniscribe ko siya sayo.” ang sabi ko at ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko na ang wallpaper ay si Sunny.

        “Woah, yung totoo ano pinakain mo dito boyfriend? Grabe ha ang cute niya, muka siyang simple pero ang cute niya tapos yung mga labi niya parang masarap i-kiss. Tapos yung mata niya grabe ang ganda.” ang sabi ni Karina na tila nagustuhan niya si Sunny sa mga sinasabi niyang papuri.

        “Akin na nga yan.” ang sabi ko sabay agaw sa cellphone.

        “Oh bakit mo inagaw? Hindi pa ko tapos tignan eh.” ang sabi ni Karina.

        “Tama na baka agawin mo pa sakin si Sunny ko.” ang nakatawa kong sabi.

        “Ha-ha grabe ka boyfriend ha, pero in fairness talaga ang cute niya, sabihin mo paano ka naman niya nagustuhan ha?” ang tanong nito.

        “Teka bakit kanina parang si Sunny ang inuusisa mo kong bagay ba sa akin bakit parang nabaligtad at ako na ang mukhang kailangan bumagay sa kanya.” ang sabi ko naman sa kanya at natawa lang si Karina.

        “Ha-ha pakiramdam ko kasi ay ginayuma mo lang yan para magustuhan ka eh, sobrang cute niya kasi.” ang sabi ni Karina.

        “Hala siya oh na-in love na kay Sunny ko.” ang sabi ko naman.

        “Ha-ha biro lang, pero ano nga ang nagustuhan niya sayo?” ang tanong ulit ni Karina.

        “Nagustuhan? Ang totoo hindi ko din alam eh, kahit naman ako hindi ko alam kung bakit ako na-in love sa kanya.” ang sabi ko.

        Saglit na naputol ang pagkukwentuhan namin ni Karina dahil nakarating na kami sa kakainan namin, isa itong fishball stand na nagtitinda din ng iba’t iba pang pagkain na nasa stick at palamig, kung nakakapanood kayo ng mga korean novela na pinapakita yung mga food stall na may mesa at upuan, ganoon ang datingan ng stall na iyon.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon