Sunny: 11

1.8K 72 4
                                    

SUNNY’S POINT OF VIEW:

        Ilang araw matapos na bumisita sila Siwon sa aming bahay ay maaga kaming gumising ni Yamato, maayos na ang pakiramdam ni Yamato kaya naman agad din niyang tinawagan ang kanyang pinapasukan na maaari na muli siyang bumalik sa trabaho. Ako naman, sa totoo lang nagdadalawang isip na ko na bumalik pa kila Siwon, dahil hiya at guilty ang nararamdaman ko, hindi ko na alam kung paano siya haharapin dahil alam ko na nasaktan ko siya ng sobra, sabi nga sa akin ni Yamato ay huwag na daw ako bumalik doon at may instances na gusto ko nang sumaang-ayon pero dahil sa guilt ay di ko magawa na sumang-ayon agad-agad.

        “Sigurado ka ba na babalik ka pa kila Siwon?” ang tanong ni Yamato sa akin habang nakaupo kami sa kama at nakayakap siya sa akin.

        “Naguguluhan na nga ako, hindi ko nga alam paano ko haharapin si Siwon.” ang sagot ko.

        “Kung ayaw mo na okay lang, sasamahan pa kita na kunin mo ang mga gamit mo doon, kung gusto mo pa din ituloy, sige lang, may tiwala ako sayo at alam ko na ginagawa mo yon hindi lang para sa sarili mo, at tiyaka mahal kita kaya lahat ng gusto mo gusto ko rin.” ang sabi ni Yamato at hinalikan ako nito sa pisngi sabay higpit ng yakap.

        “Salamat sa pagsuporta at pag-unawa Yamato.” ang sabi ko at inihiga ko ang aking ulo sa balikat niya.

        Noong umaga ding iyon ay sabay na kaming umalis ng bahay, siya para magtungo sa trabaho niya ako naman para bumalik sa mansiyon na hindi alam kung ano ang mangyayari, gusto akong samahan ni Yamato sana dahil gusto daw niya masigurado na magiging okay lang ako pero nagpumilit ako na pumasok na siya dahil baka wala na siyang balikan na trabaho kung magtatagal pa siya sa pagliban niya sa trabaho at napilit ko naman siya na huwag na akong samahan.

        “Paano kailan ulit tayo magkikita?” ang tanong niya ng makarating na kami sa sakayan.

        “Ha-ha namiss mo na agad ako?” ang sabi ko namang pabiro.

        “Oo naman bakit ako hindi mo na ba namimiss?” ang tanong niya.

        “Siyempre miss na din kita, mag-ingat ka sa pagpasok ah, be a good boy.” ang sabi ko at ngumiti siya sa akin.

        “Ha-ha oo naman, good boy tong asawa mo.” ang sabi pa nito.

        “Paano sasakay na ko, ite-text na lang kita.” ang sabi ko bilang pagpapaalam.

        “Sigurado ka ba na ayaw mo na samahan kita?” ang tanong niya.

        “Yamato?” ang sabi ko sabay tingin sa kanya.

        “Ha-ha biro lang, oo na hindi na kita sasamahan at papasok na ko ng trabaho, basta mag-text ka ah, pag-inaway ka ni Siwon magsumbong ka agad sa akin.” ang sabi ni Yamato na nakangiti.

        “Ha-ha oo naman ako na bahala, kayang kaya ko to wag ka na mag-alala.” ang sabi ko at sumakay na ako, hinintay niya muna na makaalis ang jeep na sinakyan ko bago sumakay si Yamato ng jeep papunta sa papasukan niya.

        Sa jeep ay tahimik lamang ako, nag-aalala sa kung ano ang mangyayari pagdating ko sa mansiyon, ngunit kahit ano man ang mangyari kailangan ko humingi ng tawad kay Siwon sa sakit na naidulot ko, kahit ano pa man ang sabihin niya ay dapat kong tanggapin ng maluwag sa puso ko, kung paaalisin niya ako ay kailangan ko din tanggapin, I must survive everything that will happen today as long na alam ko na nandiyan si Yamato hindi ako susuko, hindi ako panghihinaan ng loob.

        Ilang oras pa ay dumating na ako sa babaan, at pagkababa ko sa jeep ay agad akong naglakad patungo sa mansiyon, wala akong sinayang na oras, ni hindi ko na iniisip pa ang mangyayari, bahala na.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon