SUNNY'S POINT OF VIEW:
"Terence sabihin mo sa akin paano mo ko nagawang lokohin?" ang tanong ko kay Terence habang nakatayo kami sa gilid ng side walk, habang pumapatak ang malakas na ulan.
"Sunny, hindi ko sinasadya na lokohin ka." ang sagot ni Terence.
"Hindi sinasadya? Pero Terence kung di mo sinasadya bakit inilihim mo sa akin? All this time nagpakatang ako, inakala ko na okay ang relationship natin, akala ko ba Terence mahal mo ako?" ang tanong ko habang nararamdaman ko ang mainit na luha na umaagos mula sa mata ko, pinagmamasdan ko si Terence habang naghihintay ng sagot sa mga katanungan ko sa kanya.
"Terence, sagutin mo naman ako! Bakit mo ako niloko ng ganito? Bakit mo ako sinaktan ng ganito, ano pa bang kulang sa akin?" ang medyo malakas ko ng sabi, ngunit walang sagot akong madinig kay Terence kundi puro ingay lang ng sasakyan na dumaraan sa kalsada.
"Sunny, alam mo naman ang weakness ko di ba? Alam mo na kahinaan ko ang mga chinito, hindi ko napigilang ma-attract kay Shao." ang sabi niya.
"Tang ina Terence yan lang ba ang isasagot mo sa akin? Nagawa mo akong lokohin dahil lang sa chinito si Shao? At isa pa ulit na tang ina I trusted both of you pero ginago niyo ako parehas, sa loob ng isang taong pagsasama natin pitong buwan mahigit niyo ako niloko kung hindi ko pa kayo mahuli hindi mo sa akin sasabihin to yon ba ang hindi sinasadya?" ang sabi ko.
"Pero na-attract lang ako sa kanya Sunny." ang pagpupumilit ni Terence.
"Sige Terence, mamili ka ngayon sa amin, ako o si Shao?" ang matigas kong tanong.
"Pwede bang hindi ako pumili, mahal ko kayong parehas, hindi ba pwedeng dalawa kayong mahalin ko." ang sabi ni Terence.
Ngumiti ako at hinubad ang singsing na bigay ni Terence sa akin noong tenth monthsary namin, "isa lang ang puso mo Terence, isa lang ang dapat mong piliin sa sinabi mong yan alam ko ng si Shao ang pinili mo, ayoko na Terence I give up, malaya na kayo ni Shao, heto sayo na tong singsing na ito, kasama niyan ang isang taong pagpapakatanga ko sayo, salamat sa kasinungalingan na minsan kong pinaniwalaan totoo." ang sabi ko at inilaglag ko sa lupa ang singsing at lumakad ako palayo kay Terence, doon hindi ko na napigilang umiyak, the pain inside me pierce me inside like a disease, sobrang sakit, the people I trusted the most betrays me, ang masakit pa don ay nagmuka akong tanga.
Naglakad ako nang hindi lumilingon hanggang sa bigla na lang nagliwanag ang buong paligid ko at maging ako ay maglaho sa kawalan.
"Panaginip lang pala." ang bulong ko sa sarili ko ng magising ako, "ano ba yan Sunny tatlong buwan na kayong wala ng Terence na yon iniiyakan mo pa din tsaka di ba nangako ka na hindi mo siya iiyakan at hindi ka na mag-aaksaya ng panahon sa mga love love na yan" ang dagdag ko ng pahidin ko ang luha ko.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto, dumiretso sa lababo sa kusina upang maghilamos at magmumog.
"Oh mabuti at gising ka na anak, may lakad ka ba ngayon?" ang sabi ni Papa na lumabas galing sa kwarto niya at nakabihis na.
"Ah opo pa, may pupuntahan po ako na magbubukas na Korean Restaurant, susubukan ko po sana mag-apply para makatulong tulong naman ako sa inyo dito sa bahay." ang sabi ko.
"Oh eh bakit di ka pa sumabay sa akin?" ang tanong ni Papa.
"Hindi na pa, madami din ako papasahan ng resume alam niyo na the more the better." ang sabi ko.
"Ikaw talaga oh sige mag-almusal ka na diyan iiwanan na lang kit ng panggastos mo, magkano ba kailangan mo?" ang tanong ni Papa sa akin.
"Ayos na po sa akin Pa ang 150." ang sabi ko habang nagsasalin ng tubig na mainit sa paborito kong tasa.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys: Sunny Love Story
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY~ "I once fall in love and I was hurt and all I got is pain kaya pangako hinding hindi na ako muling magmamahal pa ulit." ang sabi ni Sunny habang nakaharap siya sa salamin. "If only I could find the right...