Yamato: 12

1.4K 58 0
                                    

SUNNY’S POINT OF VIEW:

        Buong araw kong binantayan at inalagaan si Siwon, simula ng makatulog ito ay hindi pa ito gumigising kaya naman halos hindi na ako umalis sa tabi nito. Hinawakan ko ang noo niya upang i-check kung bumaba na ang lagnat niya. Bumaba na ang kaninang halos nakakapaso na temperatura ng katawan ni Siwon dahil sa lagnat nito, mayamaya pa nakita ko na itong gumalaw.

        “Sa-Sa-Sunny?” ang mahinang sabi nito, tila nanghihina siya ng sobra dahil sa sakit nito.

        “Siwon, huwag ka na magsalita muna, tipidin mo ang lakas mo.” ang sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko kasalukuyang nasa noo niya.

        “Huwag mo akong iiwan. Pakiusap.” ang sabi ni Siwon na halos di ko na maintindihan sa sobrang hina.

        “Oo, Siwon, sige hindi ako aalis dito lang ako at babantayan kita.” ang sabi ko sa kanya at sinuklian niya ito ng ngiti.

        “Nagugutom ako.” ang biglang sabi ni Siwon.

        “Ah sandali lamang ikukuha kita ng makakain.” ang sabi ko pero hindi niya binibitawan ang kamay ko.

        “Siwon, wag kang mag-alala babalik ako kukuha lang kita ng pagkain.” ang sabi ko sa kanya at tahimik niya lamang akong tinignan.

        “Pangako babalik ako.” ang sabi ko, ngumiti siya at marahan niyang binitawan ang kamay ko, pero bago ako umalis para kumuha ng makakain ay tinulungan ko muna siyabumangon at maisandal sa head board ng kama niya, pagkatapos ay pinainom ko siya ng tubig.

        “Inumin mo ito para mas maginhawaan ka Siwon at para mas bumaba din ang body temp mo.” ang sabi ko at dahil sa alam ko na nanghihina pa siya ay ako na ang nagpainom sa kanya. “Hintayin mo ko ah, kukuga lang kita ng pagkain, babalikan din kita agad.” ang sabi ko at nakangiti itong tumango.

        Mabilis na akong lumabas ng kwarto upang bumaba sa kusina para kumuha ng makakain ni Siwon. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko ang isang matabang babae at di katabaang lalaki na silang tagapagluto sa mansiyong iyon.

        “Ay Sir, may kailangan po ba kayo?” ang tanong sa akin ng makita akong pumasok ng babaeng tagapagluto na kasalukuyang naghihiwa ng patatas.

        “Ah kukuha lang po sana ako ng makakain ni Siwon, nagising na po kasi siya at nagugutom na kasi.” ang sabi ko.

        “Ay sir, pano po iyan hindi pa po kami nakakapagluto, ang totoo po kasi ay ngayon pa lang po kami mag-uumpisa.” ang gulat na sabi ng lalaking tagapagluto.

        “Ganon po ba? Paano kaya to.” ang sabi ko habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin. “Ahh teka lang po may noodles po ba kayo dito or kahit soup powder?” ang tanong ko.

        “Meron po Sir, pero hindi po kasi kumakain si Sir ng mga instand noodles at soup dahil ayaw niya po ng ganon, may stock lang po kami na ganon para po sa amin pang merienda.” ang sabi ng babaeng kusinera.

        “Ayos lang po yan ako na po ang bahala, kailangang kumain ni Siwon para bumalik ang lakas kaya mas okay na po yan kesa wala.” ang sabi ko at ngumiti sa kanila, “pwede po ba akong makahingi ng mga tatlong packs ng noodles at mga tatlong packs din po ng soup.” ang sabi ko pa.

        “Pero Sir sigurado po ba kayo? Mapapagalitan po kami ni Mr. Sebastian pag nalaman niya to.” ang sabi ng babaeng tagapagluto na halatang ayaw sa idea na naisip ko.

        “Huwag po kayo mag-alala ako na pong bahala kay Mr. Sebastian, kaya wag na po kayo kabahan.” ang sabi ko.

        “Sige po Sir kayo po ang bahala sandali lang po at kukuha ako.” ang sabi ng babaeng tagapagluto na binuksan ang kitchen cabinet para kumuha ng noodles at soup.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon