Sunny & Yamato: 19

2.2K 78 23
                                    

SUNNY’S POINT OF VIEW:

        Nang makatapos na kaming kumain ay napagdesisyunan na naming umuwi noo, sa sasakyan kami ni Siwon sumakay dahil ihahatid na daw niya kami sa bahay at pinaunlakan na namin ang alok ni Siwon na iyon kaya naman pagkalabas namin ay dumiretso na kami sa parking lot ng restaurant. Agad kaming sumakay ng sasakyan ni Siwon at nang makasakay ay agad na rin naming nilinsan ang lugar.

        Magkatabi kami ni Yamato noon sa backseat at magkahawak ng kamay, nasa kalagitnaan na kami ng daan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan ilang sandali pa ay biglang napahinto si Siwon at nabigla kami.

        “Bakit ka huminto?” ang tanong ni Yamato.

        “May nakaharang sa daan.” ang sabi ni Siwon, “sandali lang titignan ko muna.” ang sabi ni Siwon kaya agad itong lumabas upang tignan at alisin ang nakaharang pero nang makalapit na ito ay nagulat kami ni Yamato ng makita namin ang isang lalaki na hinampas si Siwon na nagpatumba dito at agad na lumabas si Yamato para tumulong pero bago pa makalabas ay may mga humampas ng salamin ng bintana ng sasakyan ni Siwon.

        “Sunny. Wag kang lalayo sa akin.” ang sabi ni Yamato at niyakap ako ng mahigpit ni Yamato.

        “Yamato si Siwon.” ang sabi ko dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni Siwon.

        “Huwag ka mag-alala ililigtas natin siya.” ang sabi ni Yamato at mayamaya pa biglang bumukas ang magkabilang pinto ng backseat at pilit kaming pinaghiwalay ni Yamato ng mga nagbukas nito, mga mamang may kalakihan ang katawan at masnakalalamang ng lakas sa amin.

        “Yamato!” ang sigaw ko sa kanya.

        “Sunny! Wag niyong sasaktan si Sunny.” ang sabi ni Yamato.

        “Pakiusap wag niyong sasaktan si Sunny.” ang sabi ni Yamato, pareho kaming hawak ng mga lalaki sa magkabilang braso parehong natatakot para sa isa’t isa.

        “Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sa amin.” ang tanong ko ngunit wala akong sagot na nakuha sa halip ay dinala ako ng may hawak sa akin sa tapat ng mga headlights ng kotse ni Siwon at pinaluhod ako doon ay nakita ko ang wala pang malay na si Siwon at sa kaliwa ko ay ang pilit na pumipiglas na si Yamato. Binabalot na ako ng takot ng mga sandaling iyon.

        “Sunny! Pakiusap wag niyong sasaktan si Sunny.” ang sigaw ni Yamato pero isang suntok sa sikmura ang ginawa ng isang lalaki sa kanya at halos mamilipit sa sakit si Yamato at di ko napigilan ang mapasigaw ako at naramdamn ko na ang luha ko na umaagos.

        “Pakiusap tama na po, tama na po.” ang sabi ko dahil patuloy pa din ang pagsuntok ng lalaki kay Yamato pero isang malakas na suntok sa mukha ko ang tumama at nagpatumba sa akin. Halos mahilo ako sa lakas ng suntok na iyon, mayamaya pa ay nakarinig ako ng yabag na papalapit sa akin.

        “Masarap ba na makita ng  dahil sayo ay nahihirapan din sila Siwon at Yamato?” ang sabi ng boses ni Ryuji, hindi ako pwedeng magkamali kay Ryuji iyon.

        Pasabunot akong inangat ni RYuji upang tignan, at isa, dalawa, tatlo, apat, at lima, limang malalakas na sampal ang binigay niya sa akin.

        “Napakasama mo Ryuji.” ang sabi ko sa kanya.

        “At nagagawa mo pa palang magsalita.” ang sabi niya sabay senyas sa isang kasamang lalaki at isa pang suntok sa mukha muli ang tinamo ko at muli akong natumba.

        “Ryuji tama na to! Nasisiraan ka na ba ng bait!” ang sigaw ni Yamato.

        “Oo Yamato! Nababaliw na nga siguro ako, pero kasalanan mo to. Minahal kita ng matagal na panahon pero binalewala mo lang ako tapos itong Sunny na to lamang ang pipiliin mo! Noong nawalan ka ng alaala ako ang kasama mo pero anong ginanti mo sa akin! Sinaktan mo ko! Paulit ulit mo kong sinasaktan!” ang sabi ni Ryuji at pulit ulit akong sinipa ni Ryuji.

Rain.Boys: Sunny Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon